xxxv

10.6K 570 57
                                    

MAKE A MOVE


"You'll stay here Salvatore and that's final." Seryusong saad nitong masungit na nilalang na 'to na nakatayo ngayon sa dulo ng kamang hinihigaan ko. Napairap nalang ako tsaka ko binalingan si manang Cecelia.

"Okay na talaga ako. I can't stay here—"

"Nanay Cecelia please watch over her, okay? Papasok na po ako." Kita mo 'tong bampira na 'to. Hindi man lang ako pinatapos sa pagsasalita. Kung kanina ay okay kami, ngayon naman ay gusto ko nalang siya ulit sakalin. Ayaw pa kasi akong pauwiin eh. 

Ngumiti lang sa kaniya si manang Cecelia tsaka siya marahang tumango. "Ako nang bahala sa kaniya, Sebastian. Hindi ko siya hahayaang makaalis." Bulong ni manang Cecelia na rinig ko naman. Great. Pinagtutulongan ako ng dalawang 'to. Mabuti nalang talaga at masama ang pakiramdam ko ngayon. Napailing nalang ako tsaka nalang ako nahiga ulit sa kama.

"Take a rest." Rinig ko pang saad niya kaya naman tumango nalang ako. Lumabas na siya ng kwarto para pumasok na sa klase niya. Hindi ako na inform na nag-aaral parin pala talaga ang paniki na 'yon. Akala ko kasi ay tumatambay nalang siya sa eskwelahan na 'to eh. Naiwan kaming dalawa ni manang Cecelia dito sa silid. Ngumiti siya saakin tsaka siya naglakad papunta sa kamang hinihigaan ko tsaka siya umupo. Inayos niya ang kumot na nakabalot saakin.

"Salamat ija." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Para po saan manang?" Pansin ko lang na simula no'ng pumasok ako sa paaralan na ito eh parang nag iba narin ang paraan ng pakikitungo ko sa ibang tao. Dati ay hindi naman ako sumasagot kapag may kumakausap saakin pero ngayon ay nagiging magalang na ako sa mga matatandang nakakausap ko. Natuto narin akong makipag-kulitan. Higit sa lahat, natuto akong makaramdam ng iba't-ibang uri ng emosyon hindi kagaya dati na hindi ako nakakaramdam ng kahit ano mang uri ng emosyon. I don't know if these changes bring good benefits to me but right now, I'm starting to fear that these changes will ruin all of my plans.

"Sa pag papakalma mo kay Sebastian noong hindi niya makontrol ang sarili niya." Napatango nalang ako. Hindi ko nga rin alam bakit bigla nalang kumakalma ang paniki na 'yon kapag ako ang kaharap niya eh.

"Sige na at mag pahinga kana. Tawagin mo nalang ako kapag may kailangan ka ah." Tumango nalang ulit ako. Tumayo na siya tsaka siya naglakad palabas nitong silid na kinaruruonan ko ngayon. The same bedroom na tinutulogan ko kapag nandito ako sa mansion na 'to.

Bukod sa akin ay tanging si manang Cecelia lang ang nandirito ngayon sa mansion. Dalawang linggo na kasi simula no'ng umalis ulit sina Lauvrene at Zatrius. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta.

Magkaiba kasi ang treatment sa mga lahi ng mga tao at mga bampira sa eskwelahan na ito. Oras na nakapasok ang mga tao, hindi na sila pweding lumabas dahil limitado lang mula sa lahi ng mga tao ang nakakaalam na nag e-exist ang eskwelahan na ito. Sa mga bampira naman, ayos lang na lumabas o pumasok ang mga kalahi nila pero tanging mga nabibilang lamang sa noble family ang allowed na gumawa no'n. Just like the students from the human race, ordinary vampires are stuck in this school too.

Humans can only leave the school premises if and only if they survive and graduate. Killing is not allowed in this school but that doesn't mean that you're safe already. There are some elimination activities that will lead humans to their death, just like the bloody week. Kaya nga marami ang hindi nakakalabas ng buhay sa eskwelahan na ito. 'Yong iba namamatay kapag hindi nila kinaya ang ataki. 'Yong iba naman ay nagkukusang wakasan ang buhay nila.

Hindi ko alam kong ilang oras ba akong nakatulog. Nagising nalang kasi ako na maliwanag na ang paligid. Napasapo ako sa noo ko ng makaramdam ako ng pagkirot mula doon. May lagnat parin pala ako. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at doon ko lang napagtanto na nandito parin pala ako sa mansion ng Alpha na 'yon. Hindi nga pala ako nakauwi kagabi. Sigurado akong nag-aalala na naman ang tatlong engot na 'yon ngayon.

NIGHT BLOOD UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon