xxvii

10.6K 684 110
                                    

DOWNFALL 

"The itsy bitsy spider went up the water spout..." Mahinang pagkanta ko sa pambatang kanta na iyon habang maingat kong nilalaro sa kamay ko ang dagger na hawak ko.

Niyakap ko ang tuhod ko nang umihip ang malamig na simoy nga hangin. Ngayong malalim na ang gabi ay mas lalo naring lumalamig ang pag ihip ng hangin. Hindi pa naman makapal ang suot kong jacket ngayon.

Hanggang ngayon kasi ay hindi ko parin mahanap ang daan pabalik sa camping site kaya naman napagpasyahan ko nalang na tumigil na at magpalipas nalang muna ng gabi dito sa gubat na ito.

Wala pa naman akong nakakasalubong na bampira o mababangis na hayop sa gubat kaya naman humihinga pa ako hanggang ngayon. Ewan ko nalang mamaya.

"...now the itsy bitsy spider went up the spout again." Tinitigan ko ang makintab na blade Ng dagger ko.

Sigurado akong nag aalala na naman ang tatlo na 'yon saakin ngayon. Na-e-imagine ko palang ang umiiyak na mukha ni Demiana ay hindi ko na maiwasang mapairap. Bakit ba kase nila ako inaalala? Dapat mas pagtuonan nila ng pansin kung papaano sila makakaalis sa unibersidad na 'yon. Sigurado naman akong may naghihintay sa kanilang mga pamilya nila.

Inilagay ko na sa bulsa ng jacket ko ang dagger na hawak ko saka ako sumandal sa puno kung saan ako nakaupo ngayon.

Tahimik kong pinagmasdan ang kalangitan na hindi naman masyadong nakikita mula rito sa kinuupoan ko dahil narin sa mayayabong na dahon ng mga punong kahoy.

I wonder what will happen after I finish my mission. Wala na akong pamilyang mauuwian kaya naman pagkatapos ng misyon na ito ay hindi ko narin alam kung saan ba ako pupunta.

Agad akong naging alerto nang marinig ko ang mga kaloskos hindi kalayuan saakin. Nangunot ang noo ko saka ko ulit dahan-dahang dinukot ang dagger na iniligay ko sa bulsa ng jacket ko kanina.

I can feel someone's coming. Maingat kong pinakiramdaman ang paligid. Mahirap na at baka isa na namang rogue vampire ang nakamasid saakin ngayon. Natigilan ako nang maramdaman ko ang presensya na iyon hindi kalayuan saakin. Binalingan ko ang direksyon kung saan ko nararamdaman ang presensya na iyon at isang pares ng kulay pulang mga mata ang sumalubong saakin.

"Huh, what is he...doing here?" Parang kinapos ako ng hininga at tila may kung anong pag-asa ang nabuhay sa loob ko.

"What the!" I gasp when he vanished from my sight and in a split second, he's already in front of me. Aatras sana ako palayo nang hilahin niya ang pulsohan ko. The next thing I know, he alreadyenvelopes his arm around me.

Ramdam ko ang pagtama ng mainit niyang hininga sa balat ko.  Natuod ako nang pagod niyang isinandal ang noo niya sa balikat ko saka siya.

Dahil sa lapit ng distansya namin sa isa't isa ay rinig ko tuloy ngayon ang hindi pantay na paghinga niya na ani mo ay nanggaling siya sa isang mahabang karera. Ramdam ko rin ang pawis niyang bahagyang bumasa sa damit ko.

I suck in my breath as I try to process what is going on. Nang maproseso ko na lahat ng mga nangyayari ay napakurap-kurap ako.

"What are you doi--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko pa sana nang mas lalo niyang higpitan ang pagkakayakap sa 'kin. Napaawang tuloy lalo ang mga labi ko.

Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya? Isa pa, bakit siya nandito? Paano niya nalamang nandito ako? Imposible namang nandito siya para sa akin diba? Baka namamasyal lang siya at nagkataong napunta siya rito. O di kaya nawawala din siya? Umiling ako. That's not possible. He's the mighty Sebastian. Imposibleng mawala siya rito.

"You're so reckless, Salvatore," bulong niya dahilan para mas lalo kong mapigil ang paghinga ko. His deep voice stir some emotion inside of me that I couldn't even name. I wouldn't dare to name.

NIGHT BLOOD UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon