xxxvii

10.2K 552 64
                                    

DATE


"Gaano pa ba kalayo ang lalakarin ng mga kutong lupa na 'to?" Inis na bulong ko habang tahimik na sinusundan ko itong apat na nilalang na sigurado akong papunta ngayon sa tormenting facility. Halos dalawampung minuto narin akong sumusunod sa kanila pero hanggang ngayon ay hindi parin talaga kami nakakrating sa lintik na tormenting facility na 'yan. Hayst.

Kaagad akong kumubli sa likud ng isang punong kahoy ng bigla nalang tumigil ang isa sa kanila tsaka lumingon sa gawi ko. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa dilim nitong paligid pero nakikita ko naman ang mga galaw nila. Ilang sigundo pa siyang nakiramdam bago siya naglakad ulit kasabay ng mga kasama niyang mga mukhang kulto. Pinalayo ko muna sila bago ako ulit nag simulang sumunod sa kanila. Mahirap na at baka mahuli nila ako no. Kapag nagkataon eh baka hindi lang ako sa room of Algea pulutin.

Sumeryuso ang mukha ko ng makita ko ang hawak na kulay itim na suit case noong isang lalaki na nauuna sa kanilang mag lakad. Ano naman kaya ang nasa loob no'n? Tsaka, bampira rin kaya ang mga nilalang na 'to? Para naman kasing hindi ganoon kalakas ang pandama nila, hindi kagaya ng mga bampira. Isa pa, kung totoong mga tao nga sila, bakit naman sila nag-tatrabaho sa ganitong klaseng lugar? Oh well, that's out of my business anymore. I'm not here to find out what kind of living creatures are they.

Sampung minute pa siguro ang lumipas bago sila huminto sa harapan ng isang medyo may kalakihang gate. Kahit madilim ay kitang-kita ko naman kung gaano kagara ang pagkakagawa sa gate na 'to. Isa-isa nilang itinaas ang kamay nila tsaka nila ipinatong sa isang parte ng gate kung saan mayroong pulang ilaw na lumalabas. A scanner? Ibig sabihin tanging mga nagtatrabaho lang sa lugar pasilidad na 'to ang pweding makapasok?

"Geez..." Inis na bulalas ko ng isa-isa na silang maglaho sa paningin ko. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Wala na bang ibang daan papasok sa lugar na 'to?

Itinaas ko ang tingin ko sa mataas na bakod nitong pader. Sa taas nito ay imposibleng maakyat iyon ng isang nomal na tao lang, malibat nalang kung ipinanganak kang may dugong butiki. Bakit naman kasi mga bampira lang ang binigyan ng kakayahang mag teleport eh. Tsk.

Gumuhit ang isang malukong ngiti sa mukha ko ng matanaw ko ang isang mataas na punong kahoy. Tama lang ang taas nnito para masilip ko kung anong nangyayari sa likud ng matatayog na bakod na 'to. Kaagad akong naglakad papunta doon. Itinali ko muna ang mahaba kung buhok bago ako nagsimulang umakyat.

"Damn." Sinuri ko ang sugat na natamo ko sa kamay ko habang umaakyat ako kanina. Wala pa naman akong dalang band aid ngayon. Itinaas ko ang paningin ko sa aakyatin ko pang mga sanga ng punong kahoy. Hayts.

Ilang minuto muna akong umakyat bago ko tuloyang narating ang itaas na bahagi ng punong kahoy na 'to. Ngayon nga ay tanaw na tanaw na mula dito sa sangang pinatungan ko ang gawa sa purong salamin na pasilidad, maliban na lamang sa ikatatlo at ikaapat na palapag nito. I was astounded for a moment. This place is pretty awesome. Maliwanag kong nakikitang ang mga nilalang na nakasuot ng itim at puting na kasuotan na naglilibot sa buong sulok ng pasilid. Some are vampires, and others are humans. Kahit naman medyo malayo itong punong kinaruruonan ko ay nakikita ko parin naman sila dahil sa mga ilaw na nakakabit sa bawat sulok nitong pasilidad. Vampires wear pure black outfits while humans are wearing white which makes them look almost like scientists. So, is this the tormenting facility?

Saan kaya nila pinaparusahan ang mga estudyante na lumalabag sa batas ng Night Blood? Tumaas ang kilay ko ng matanaw ko iyong apat na sinusundan ko kanina.

"What was that?" kumunot ang noo ko habang nakatingin sa bagay na kinuha noong lalaki sad ala niyang suit case. It's a blue liquid sealed in a bottle. That looks exactly like the sedative I'm taking. Ibinalik niya rin iyon kaagad sa suit case na hawak niya tsaka niya iyon inabot doon sa lalaking nakasuot ng kulay putting medical coat.

NIGHT BLOOD UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon