xii

13.6K 748 111
                                    

GRAVE


"Tsk!" I hissed dahil sa sobrang boring ng klase namin ngayon. Halos manuyo na nga lahat ng braincells ko dahil sa pagkabagot. Hayst! Kailan ba matatapos ang klase na 'to? Tumingin nalang ako sa labas ng bintana para aliwin ang sarili ko sa tanawin na makikita sa labas ng binatan na katabi ko.

Ilang linggo naba akong nandito sa Night Blood University? Hanggang ngayon ay wala parin akong nagagawa para umpisahan ang misyon ko. Kung bakit ba kasi hindi lumalabas ang mga hinayupak na mga bampirang 'yan tuwing umaga eh.


Nang matapos ang klase ko ay kaagad na akong lumabas para hindi ako maabotan nila Demiana na siguradong gugulohin na naman ang buhay ko. Hindi kagaya nang dati ay hindi na ako masyadong tinitigan ng mga estudyante ngayon. Bagay na siya namang ipinagpapasalamat ko. Hindi ko alam pero pagkatapos nong araw na pumasok ako sa lumang gusali na iyon na tinatawag nilang 'room of algea' ay hindi narin nila ako pinapakialaman pa. Mas mabuti narin iyon dahil masyado lang akong napapalapit sa gulo kapag tingin sila ng tingin eh.

Dahl maagang natapos ang klase namin ngayon ay napag isipan ko na maglakad-lakad nalang muna dahil mag dadalawng linggo narin ako dito sa Night Blood University at hanggang ngayon ay hindi ko parin talaga kabisado ang mga pasilidad sa eskwelahan na ito. Hindi ko rin alam kung saan ba matatagpuan ang lugar na tinatawag nilang tormenting facility.

Napatingin ako sa bukana ng kagubatan hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Sigurado ay nakatayo ang pasilidad na iyon sa pinakalooban ng gubat na ito kaya hindi iyon madaling nararating ng mga estudyante.

"A newbie shouldn't wander around the premises alone. That's dangerous." Saad ng isang boses sa likuran ko na siyang gumambala sa tahimik kong pag-iisip. Ang boses na ito, kahit hindi ako lumingon ay alam ko na kung sino ang nagmamay-ari no'n.

Hindi ko siya pinansin at nag patuloy lang ako sa paglakad. Ano na naman ba ang ginawa ng isang 'to dito? Napirap ako ng maramdaman ko ang presensya niya sa likuran ko.

"What do you want, vampire?" I ask annoyed dahil sa ginagawa niyang pagsunod saakin.

"I'm just walking in here, newbie." He replied casually, as if he's just talking to one of his friends? Do I look like some sort of his friend? Bigwasan ko kaya too! Hindi ko nalang siya pinansin at nag patuloy nalang sa paglalakad. This green-eyed piece of shit sure is annoying. Bakit ba trip niyang sumulpot nalang bigla-bigla sa tabi ko?

"How are you feeling? You've been sleeping for almost three days, right?" Tanong niya matapos ng ilang minutong katahimikan. Yeah right, I've been asleep for almost three days. All thanks to their sort of studid punishment. Napairap nalang ako.

"Buhay pa." Hindi naman na siya nag salita. Mabuti naman! Bigla na naman tuloy ng replay sa utak ko ang mga nangyari nong araw na iyon. Napapikit ako sa inis nang pumasok na naman sa isipan ko ang mukha ng hinayupak na alpha na 'yon! Hanggang ngayon ay hindi parin siya nag papakita saakin. Akala niya ba ganon-ganon nalang 'yon? Matapos niyang bawasan ang dugo ko hindi na siya agad mag papakita? Humanda talaga saakin ang siraulong 'yon!

Bigla tuloy akong napahinto ng pumasok sa isipan ko ang plano ko noong pag punta sa night blood village na hindi natuloy dahil nakatulog lang naman ako ng tatlong araw. I guess this will be the right time for another deadly adventure. Nitong mga nakaraang araw kasi eh naging boring masyado ang buhay ko. 'It's time to chase the devil then!' Kung ayaw niyang magpakita—ako nalang ang hahanap sa kaniya.

"Sometimes I wonder about who you really are." Napahinto ako ng marinig ko ulit siyang magsalita. Nandito pa pala ang mukong na 'to? I turn my heel to face him before I give him a bored look.

NIGHT BLOOD UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon