xxxviii

10.5K 567 89
                                    

REAL IDENTITY

"What? You're going to the blood moon ball? Why? When?" Demiana blurted out, then she phases back and forth as if she's having a brain cells war right now. I glare at her. "Lower down your tone, Demiana. They might hear you!" Napahinto naman siya sa paglalakad tsaka siya mabilis na umupo sa upoang nasa harapan ko. She looks at me in disbelief.

"Hyrreti, are you nuts? That ball is for vampires. Anong gagawin mo doon? Mag papakamatay?" Napailing nalang ako sa kadramahan niya. Ngayon palang eh nagsisisi na ako kung bakit ko pa sinabi sa kaniya. Tsk. Kung sana kasi eh alam ko lang ayosan ang sarili ko edi sana hindi ko na kinailangan pang humingi ng tulong sa maingay na babaeng 'to. Today is Saturday kaya naman wala kaming pasok.

"Tutulongan mo ba ako o hindi?" We had an eye battle first before she sighs in defeat. "Fine. Fine. Pero umuwi ka ng buhay ah. Bakit ba kasi ang hilig mo sa gulo eh." Litanya niya pa na hindi ko nalang pinansin. Tumayo na ako tsaka ako naunang maglakad palabas ng kwarto ko. Mamayang gabi na ang ball at hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung ano bang susuotin ko. Mabuti nalang talaga at pwedi akong humingi ng tuloy kay Demiana. Sa kanilang tatlo kasi ay si Demiana nalang ang pwedi ko pang pagkatiwalaan. Dahil sa mga sinasabi saakin ni Xy dati, sigurado akong hindi niya ako papayag na pumunta sa ball na 'yon kasama ang Alpha. At hindi ko kailangan ng taong pipigil saakin na matapos ang misyon ko.

"The coast is clear. Come on!" Mabilis akong tumakbo pababa ng hagdan, gano'n din naman ang ginawa ni Demiana. As usual, Veine is out again for I don't know what reason is. Siguro nagpunta na naman ang isang iyon sa tormenting facility kagaya ng palagi niya naman sigurong ginagawa. Xy, on the other hand, is probably in her room right now, reading some weird pocketbooks, while Smith on the other hand is in her room too. Hindi ko din alam kung anong pinaplano ng babaeng 'yon at mukhang naging tahimik ata siya nitong mga nakaraan. Mukhang pinagpaplanuhan niya ata talagang mabuti kung papaano niya ba masisira ang plano ko. I pity her for that, mamayang gabi ay baka mahanap ko na kung saan nag tatago ang mga royal-blooded vampires. Kapag nangyari 'yon ay mapapadali nalang ang pagtapos ko sa misyon ko.

Palabas na sana kami ni Demiana ng bahay kung hindi lang namin napansin ang dalawang lalaki na nakatayo ngayon sa harap ng bahay namin. They're both wearing this all-black attire and by the look of their faces, I can tell already that they're vampires. Nangunot ang noo ko. Bakit may mga bampira na napadpad dito sa Skyline Village ng ganitong oras?  Hindi kaya myembro ang mga 'to ng tormenting facility?

"We are looking for Ms. Luna Hyrreti Salvatore. Do you know her?" Saad no'ng isa sa kanila. Kung titignan ay parang nasa mid 40's na ang dalawa na 'to. Sinamaan ko ng tingin si Demiana ng bigla nalang niya akong ituro tsaka siya nag peace sign saakin. Siraulong babae 'to. Paano pala kung killer 'tong mga 'to, edi patay na ako kaagad.

Tumango-tango naman iyong lalaking tsaka niya ako binalingan ng tingin. "Ms. Salvatore, the older son of the Kleinhaus Clan sent us here to fetch you up for tonight's party." Mas lalong nangunot ang noo ko. The Alpha? Bakit naman niya ako ipapasundo eh ang aga pa naman?

"Let's go Ms. Salvatore. Young master Sebastian is waiting for you." Nauna na siyang maglakad papunta sa magarang kotse na nakaparada din ngayon sa harapan ng bahay namin.

"Give me a minute. I just need to get something in my room." Tumango lang naman siya kaya naman mabilis na akong pumasok ulit sa bahay at tumakbo pabalik sa kwarto ko. Nang marating ko ang kwarto ko ay nilock ko muna ang pintuan nito bago ako nag madaling pumunta sa drawer ko. Binuksan ko iyon at unang tumambad saakin ang isang lumang kahon. Kahit hindi ko tignan ay alam na alam ko kung anong nakalagay sa kahon na 'yon. Iyong punyal na ginawa para kitilin ang buhay ng huling tagapagmana ng mga bampira.

NIGHT BLOOD UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon