xxxvi

10.4K 547 140
                                    

DANCE WITH DEATH



"Didn't I tell you to take a rest? Why are you here?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Anong ginagawa mo? Bakit mo pinahunting sa mga kauri mo ang grupo nina Azeya?" Naalala ko noong isang beses na inataki ng kauri niya ang isa sa mga day class student, halos bumuga na nga siya ng apoy no'n sa galit eh. Tas ngayon malalaman ko na inuutosan niya pa mismo ang kauri niya na hanapin at pahirapan ang ilan sa mga day class students? Masasapak ko ang Alpha na 'to eh.

He just stared at me with an oh-so-serious face for a second then he sighs in defeat. He crosses his arms on his chest tsaka siya nag salita. "No one is allowed to mess up with my possession, Salvatore." Seryusong saad niya na ikinaismid ko nalang. Akala talaga ng bampira na 'to e' pag-aari niya na talaga ako ah. Inirapan ko nalang siya.

"Come on." Hindi na ako nakaangal pa ng hilahin niya na ang kamay ko palabas ng battle ground. Habang naglalakad kami ay sinusundan naman kami ng tingin ng mag estudyante. Hayst. Bakit ba hindi nalang nag teleport ang loko na 'to? Gusto niya ba na malaman ng lahat ng bampira at tao sa eskwelahan na 'to na close kaming dalawa?

"Hey! They're staring." Imbis na sumagot ay ngumisi pa nga siya making every student gasp in shock. Malamang ay ito ang unang beses na makita nilang may ibang emosyon na pumaskil sa mukha ng Alpha nila maliban sa pagiging seryuso at intimidating nito.

"Let them stare and die." Ano daw? Napaka-harsh talaga ng bunganga ng paniki na 'to. Napailing nalang tuloy ako. Hindi nalang ako nagsalita pa ulit at tahimik ko nalang na tinitigan ang likuran niya habang naglalakad kami. He's now wearing a black uniform na sobrang bumagay sa hitsura niya. He looks more intimidating and oozing in perfection with his uniform.

"This guy sure is perfect." Irap na bulong ko na agad ko namang pinagsisihan dahil mukhang narinig niya ata. Namilog tuloy ang mga mata ko. Bakit ko ba nasabi 'yon? Napatakip nalang ako sa bibig ko ng lingunin niya ako tsaka siya ngumiti ng malapad.

"Look like someone is admiring me secretly, hmm. Don't worry, Salvatore. I'm more than willing to catch you."

'Stay still li'l organ. Don't suffocate me.' Pagpapakalama ko sa puso ko. Bakit ba nagiging abnormal ang pagtibok ng puso ko kapag may sinasabing kalokohan ang bampira na 'to? Hindi pa naman uso ang hospital sa lugar na 'to. Ito kasi ang tipo ng paaralan na kapag namatay ka, edi mamamatay ka. Hindi na kailangan pa ng doctor para iligtas ka. 'Yon din ang dahilan kung bakit marami ang hindi na nakakalabas ng buhay sa lugar na ito.

"Funny." Irap ko tsaka ako naunang mag lakad sa kaniya. Tumawa lang naman siya ng mahina tsaka siya tahimik na tumabi saakin sa paglalakad.

Habang naglalakad kami papunta sa Skyline Village ay hindi ko maiwasang mapaisip. Papaano ko kaya siya tatanungin tungkol sa pamilya niya ng hindi niya nahahalata ang motibo ko? Iniangat ko ang paningin ko sa kalangitan. Matagal narin pala simula no'ng huli akong makakita ng sikat ng araw. Nakakamiss din pala. Hindi ko naman kasi alam na hindi pala nakakapasok ang sikat ng araw sa lugar na ito. Hindi ko tuloy nasulit ang huling pagkakataon ko na manatili sa ilalim ng sikat ng araw.

"You love the night sky, didn't you?" Binalingan ko siya ng tingin.

"Hmm." Kagaya ng dati ay gano'n parin ang sagot niya ngayon.

"Sa mundo namin, the brightest star shines during daylight and dies when the evening falls. Isn't it fascinating?" Ewan ko ba ba't ako nag k-kwento sa kaniya ng mga gano'ng klaseng bagay. Siguro dahil wala narin akong maisip na topic.

"Sun, that's how we call it." Hindi ko alam kung nakikinig ba siya o' ano. Hindi naman kasi siya nagsasalita.

"Let's watch the sun and the night sky soon--together. In the human world." And again, I don't know why I'm saying those crap. Para naman kasing pweding mangayari ang bagay na 'yon. Tsaka, hindi din nila kayang tumagal sa sikat ng araw dahil sa hindi ko mlamang dahilan. At oras na makalabas din ako sa lugar na ito, ibig sabihin lamang no'n ay tapos narin ang misyon ko. Kapag nangyari 'yon, siya at ng mga kauri niya ay tuloyan ng mawawala sa landas ng mga tao. No one is exempted. Walang matitira sa kanila, pati na siya.

NIGHT BLOOD UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon