ix

13.2K 803 108
                                    

ROOM OF ALGEA

My whole body was soaking in sweat when I woke up from that same nightmare again. I dream about that tragedy again. Dahan-dahan akong naupo sa kama ko tsaka ko inabut ang kwintas na ibinagay saakin ni Mommy. I shook my head. Hanggang ngayon ay pilit parin talaga akong hinahabol ng masamang panaginip na iyon. It keeps on hunting me and the more I dream about it, the more I feel the pain and anger inside of me.

Naikuyom ko ang mga kamay ko tsaka ko isinubsob ang mukha ko sa mga tuhod ko. These past few days, I dreamed about that night too often. Siguro dahil narin sa papalapit na ang araw ng kaarawan ko kaya palagi ko nalang napapanaginipan ang tungkol sa mga nangyari no'ng gabing 'yon. The night when both of them were brutally killed by those vampires.

"Those filthy creatures." I want to witness how those evil cried in pain just like what they did to my mom and dad that night. I want them to feel all the pain they inflect to my parents before they died! Just the thought of it makes me more eager to finish my mission. I want them all dead!

Napatingin ako sa orasan ng bigla itong tumunog indikasyon na alas dose na nang hating gabi. Bumaba ako mula sa pagkakaupo sa kama ko nang makaramdam ako ng pagkauhaw. Dahil medyu madilim ay dahan-dahan akong naglakad papunta sa pintuan ng kwarto ko ngunit kaagad din naman akong natigilan ng may maaninag ako na parang anino sa balkonahe ng kwarto ko. Ilang sigundo lamang iyon at kaagad din naman iyong nawala ng akmang hahakbang na sana ako papunta roon.

"What the hell was that?" Hindi ko alam kung totoo ba iyon o guni-guni ko lang dala narin ng antok na nararamdaman ko. Napailing nalang ako tsaka na ako nag patuloy sa paglalakad palabas ng kwarto ko para kumuha ng ng tubig.

Nasa panghuling hakbang na ako sana ako ng hagdan nang bumukas ang pintuan at kahit na medyo madilim ang buong bahay eh naaninag ko parin naman kung sino ang taong pumasok mula roon. Veine? Anong ginawa niya? At bakit nanggaling siya sa labas ng ganitong oras ng gabi? Nanatili akong nakatingin sa kaniya habang dahan-dahan niyang sinasara ang pintuan. Nang lumingon siya sa direksyon ko ay kaagad na nanlaki ang mata niya dahil narin siguro sa pagkagulat.

Kung hindi ako nagkakamali, alas dose na ng hating gabi, bakit nasa labas pa siya ng ganitong oras? Ang akala ko ba ay labag iyon sa rules ng unibersidad?

"Ikaw pala Hyrreti. Tinakot mo naman ako. Ang akala ko ay multo na." Saad niya tsaka bumuga ng hangin. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Mukhang napansin naman niya na wala akong planong mag salita kaya siya nalang ang nag bulontaryong mag paliwanag kung bakit siya nasa labas ng bahay sa ganitong oras.

"Ngayon lang natapos ang meeting namin sa supreme student government kaya ganitong oras na rin ako nakauwi. We are allowed to stay late at night in the evening if it's because of our duty as a member of supreme student government." Paliwanag niya na tinanguan ko lang naman. So, the members of the supreme student government are allowed to go outside even on the evening huh?

"Okay," Tugon ko sa kaniya tsaka ko siya nilagpasan at nagsimula nalang ulit akong maglakad papunta sa kusina. I don't know but there is something in her words that I don't want to buy. Veine is a mysterious type of girl. She might look and act like a nice person but who knows, maybe it's all just an act. Alam kung hindi siya mahina kahit na kung titignan siya eh para lang siyang isang lalampa-lampang nerd. She won't be a member of one of the respected supreme students for nothing. There is something about her that triggers curiosity inside of me.

Pagkatapos kung kumuha ng tubig sa ref ay naglakad narin ako agad pabalik sa sala. Nandoon parin naman si Veine at mukhang may malalim na iniisip. Ano naman kayang iniisip ng isang 'to at ganiyan yang mukha niya? Nang makita niya ako ay kaagad siyang ngumiti pero hindi no'n naitago ang pagaalala sa mga mata niya.

NIGHT BLOOD UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon