Part 12

10.6K 343 9
                                        

HINDI masyadong nakatulog si Alaina nang nagdaang gabi kaya bago mag-alas singko ng umaga ay gising na siya. Pagdating tuloy niya sa staircase dala ang tasa ng kape ni Randall ay wala pa roon ang lalaki. Napahugot siya ng malalim na paghinga at saka umupo sa baitang at nakapangalumbabang tumitig sa labas ng glass wall. Buong gabi na si Randall ang nasa isip niya. Napanaginipan pa niya ang buong araw na pinagsaluhan nila kahapon. Pero may mga nadagdag. Sa panaginip niya hawak palagi ng lalaki ang kamay niya. At bago siya magising hinalikan pa ni Randall sa panaginip niya ang mga labi niya.

Uminit ang mukha ni Alaina at napahawak sa magkabila niyang pisngi. Her dream felt so real. Hanggang ngayon halos nadadama pa rin ni Alaina ang init ng kamay nitong nakahawak sa kamay niya. Maging ang sensasyon ng paglapat ng mga labi nito sa mga labi niya parang nadadama pa rin niya. Kahit pa panaginip lamang ang lahat. Pagkagising tuloy niya kinutkot ng kakaibang pangungulila ang puso niya. She had a strong urge to see him. Na para bang hindi lang sila magkasama kahapon. Kaya naroon siya ngayon kahit madilim pa sa labas. Dahil may napagtanto siya sa sarili niya. She likes Randall. A lot.

Napapikit si Alaina at napahugot ng malalim na paghinga. Subalit agad din siyang napadilat at napaderetso ng upo nang maramdamang may papalapit sa puwesto niya mula sa ikalawang palapag. Sumikdo ang puso niya sa pagkasabik at mabilis na lumingon. Napangiti siya nang makita si Randall na mukhang nagulat na naroon na siya.

"Alaina," usal ng lalaki sa pangalan niya.

Alaina felt a delicious sweet pain in her chest when he called her name. Huminga siya ng malalim at sinalubong ng tingin ang mga mata nito bago siya bumulong, "Randall."

May kumislap na emosyon sa mga mata nito na alam niyang nakikita rin ng lalaki sa mga mata niya. Sa sandaling iyon nasiguro ni Alaina na pareho sila ng nararamdaman. Na para bang matagal na silang hindi nagkikita kung pagbabasehan ang pangungulilang nasa puso niya. Ang kaparehong pangungulila na nakikita niya sa mga mata ni Randall. Alanganin siyang ngumiti. "Weird ba kung sasabihin ko na na-miss kita? Na kung kailan kita nakasama ng matagal saka ko nararamdaman na hindi pa iyon sapat?" bulong niya.

Tumiim ang mga bagang ni Randall na para bang nagpipigil ito ng emosyon. Pagkatapos ay bahagya siyang nagulat nang biglang sumalampak ng upo ang lalaki sa tabi niya. Bahagya nitong natamaan ang tasa ng kape pero hindi nila iyon pinansin. Paano pa iyon mapapansin ni Alaina kung mas naging aware siya sa katotohanang wala ang normal na distansya sa pagitan nila ni Randall kapag nakaupo sila roon? He was too close that she can feel his body heat. At ang mga mata nito ay may emosyong nagdudulot ng bikig sa lalamunan niya.

"Alaina," usal ni Randall kasabay ng pag-angat ng isang kamay nito at marahang hinaplos ang pisngi niya. Bantulot iyon at halos hindi naman lumalapat sa balat niya. Subalit sapat na iyon upang mapasinghap siya at mamigat ang mga mata sa sensasyong niyon. "Alaina."

"Randall," ganting bulong niya. Pakiramdam kasi niya maraming ibig sabihin ang pagtawag nito sa pangalan niya. Nakikita niya sa mukha ng lalaki na marami itong gustong sabihin subalit hindi pa lang alam kung saan magsisimula.

"I have been dreaming about you," usal ni Randall.

Bumilis ang tibok ng puso ni Alaina. "Ako rin. Napanaginipan din kita."

Bahagyang umangat ang gilid ng mga labi nito. "Looks like we've been thinking about each other more than we should."

Nakagat niya ang ibabang labi. "Tama ka. Kahit na alam kong... hindi dapat."

Natigilan si Randall at napatitig sa kaniya na para bang noon lang tumimo sa isip nito na hindi dapat sila nagiging malapit ng ganoon. Nang bawiin nito ang kamay mula sa mukha niya pakiramdam ni Alaina nalaglag ang puso niya sa pagkadismaya. Akala niya kikilos na si Randall upang lumayo sa kaniya pero hindi nito ginawa. Nanatiling nakaupo sa tabi niya ang lalaki at tumingin sa labas ng glass wall na tila malalim ang iniisip.

REMEMBER YESTERDAYNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ