"WE SHOULD just take a taxi."
"Okay lang ba talaga na iwan ang mama mo ng ganoon?" nag-aalalang tanong ni Alaina kay Randall.
"Oo nga. Baka lalo siyang magalit kay Alaina kung ganoon mo siya pakitunguhan dahil sa kaniya," sabi naman ni Lilian.
Huminga ng malalim si Randall. "She need to know that I will not do as she says. But I will talk to her again tonight." Niyuko siya ng binata at bahagyang ngumiti. "I apologize for what happened. I don't want you to see that."
Gumanti ng nakakaunawang ngiti si Alaina. "Walang dahilan para humingi ka ng paumanhin. It involves me too. Isa pa mukhang kilala nila akong dalawa."
Nawala ang ngiti ni Randall at bigla siyang niyakap. "Yeah."
Tumikhim si Lilian kaya napatingin silang dalawa sa babae. "May taxi na, hello?" May nakahinto na nga na taxi sa harap nila at mukhang hinihintay din sila ng driver. Nagkatinginan sila ni Randall at napangiti na lamang sa isa't isa.
Sa totoo lang maraming katanungan si Alaina. May mga sinabi ang mama ni Randall na gusto niyang linawin sa binata. Subalit alam niya na hindi iyon ang tamang lugar at oras para gawin iyon. Kaya nanahimik na lang siya at humigpit ang kapit kay Randall hanggang nasa loob na sila ng taxi.
NAGLALAKAD pa lamang si Randall sa lobby ng hotel pabalik sa suite niya pagkatapos niyang ihatid sina Alaina sa restaurant at manatili roon ng halos isang oras ay nag-ri-ring na ang cellphone niya. Nang tingnan niya iyon ay ang international number ng personal phone ng kaniyang ama ang nasa screen. He turned his phone off and continued walking towards the elevator. Alam naman niya na magagalit din sa kaniya si Abel Qasim at sa ngayon gusto muna niyang harapin ang mama niya bago ang kaniyang ama.
Pagdating niya sa floor kung nasaan ang suite niya ay nakita kaagad ni Randall sa labas ng pinto si Salem. Nagtama ang mga mata nila ng bodyguard at alam kaagad niya na nasa loo bang mama niya. Napabuntong hininga siya. "What is she doing?"
"She's in the phone awhile ago. Must be calling your father. I have no idea if she calmed down already or not," sagot ni Salem na pinagbuksan siya ng pinto.
Pumasok si Randall sa suite at nakita niya kaagad ang mama niya na naupo sa sofa. Tumiim ang mga labi nito at humalukipkip nang makita siya. Huminga siya ng malalim at umupo sa tabi nito. Lalong sumimangot ang mama niya at iniwas ang tingin. "I apologize for raising my voice, mama," umpisa ni Randall.
Umismid si Reira Qasim. "The last time you did that to me was because of that woman too. What's so good about her anyway?"
Napatitig siya sa may-edad na babae at seryosong nagtanong, "Then tell me, mother, what's so good about father?"
Marahas na napalingon ang mama niya sa kaniya. "What?" disoriented na usal nito.
"You and Yolly used to talk about it when I was young. That your family doesn't want father for you because he's a foreigner. And because he will take you away to his own country. Pero sumama ka pa rin hindi iba? Kaya sumama si Yolly sa iyo dahil walang tiwala ang mga magulang mo na aalagaan ka ni papa," sabi ni Randall.
Namilog ang mga mata ng kaniyang ina. "K-kailan ka pa natuto magtagalog?"
Umangat ang gilid ng mga labi ni Randall. "Mula pa noong palagi ko kayo naririnig ni Yolly na nag-uusap noong bata pa ako. Yolly knows about this because she was the one who taught me. Hindi ko sinabi sa iyo dahil kapag alam mo na nakakaintindi ako titigil ka na makipag-usap kay Yolly sa tagalog at hindi ko na malalaman kung sino ang tunay na ikaw, mama."
Tila walang maapuhap na sabihin ang mama niya. Pumihit si Randall paharap sa may-edad na babae at ginagap ang mga kamay nito. Pagkatapos ay seryosong sinalubong niya ng tingin ang mga mata ng ina. "Whatever the force that made you took a risk to be with my father is the same force that's driving me to do everything for Alaina, mother. Sa inyong lahat, ikaw ang dapat mas nakakaintindi sa akin. You said I should forget her eight years ago. But I can't do it. Kung kaya ko dapat noon pa. O noong nagkita kami uli at nalaman ko na hindi niya ako naaalala."
Namutla ang mama niya at namilog ang mga mata. "H-hindi ka niya naaalala?" tanong nito.
May hapdi na dumaloy sa dibdib ni Randall at malungkot siyang ngumiti. "She has selective amnesia." Pagkatapos ay sinabi niya sa ina ang kuwento na sinabi ng papa ni Alaina sa dalaga. "Malamang galit pa rin sa akin ang papa niya dahil ako ang may kasalanan kung bakit nadamay si Alaina sa kidnapping na iyon. I am willing to face his anger kapag bumalik na siya. Pero mama, I need you to approve my relationship with me. Maybe if her father knows that my parents are not against us, he will forgive me."
Nagbaba ng tingin ang mama niya na lalo lang yata namutla. "K-kailangan ba talaga si Alaina ang mahalin mo, Randall? S-sigurado ka na ba talaga sa kaniya?"
"Mama. Hindi pa ba sapat na hindi nagbago ang nararamdaman ko sa kaniya sa loob ng walong taon? Hindi pa ba sapat na kahit hindi niya ako naaalala minahal niya ako uli? Alaina is the woman I want to spend my whole life with. Hindi ba ako puwedeng pumili ng babaeng magiging masaya akong makasama kaysa sa isang babae na pakakasalan lang ako dahil sa yaman at kasikatan ng pamilya natin? Hindi ba pinili ka rin ni papa sa kabila ng mga babaeng gustong ipakasal sa kaniya ni lolo noon? Can't I have a lovematch like both of you had?" tanong ni Randall.
"H-her father might not forgive you. No, he will never forgive us," garalgal na usal ng mama niya.
Natigilan si Randall at pakiramdam niya parang may sumuntok sa sikmura niya sa kutob na lumukob sa kaniya dahil sa reaksiyon ng mama niya. "What are you talking about?" halos hindi humihingang taong niya.
Himbis na sumagot ay kumalas ang ina niya sa hawak niya at tensiyonadong tumayo. Tumalikod ito sa kaniya. "I have to call your father. I will ask him to come here," tarantang bulalas ng mama niya na parang sarili ang kausap.
Tumayo na rin si Randall dahil lalong tumindi ang kaba niya sa inaakto nito. "Mama, bakit ka nagkakaganiyan?"
Dahan-dahang lumingon sa kaniya ang may-edad na babae. Namamasa na ang mga mata nito at namumutla pa rin. "Randall, let's wait for your father okay? H-hindi ko kayang sabihin sa iyo ng mag-isa ang totoo."
"Anong totoo?" unti-unti na ring nakakaramdam ng panic si Randall pero pinigilan niya tumaas ang boses.
Nanginig ang mga labi ng mama niya. "We... we did something cruel. Very cruel to the point that her father might not forgive us forever. I'm sorry."
Bago pa makapagtanong si Randall ay tumakbo na palabas ng suite niya ang kaniyang ina. Sinundan niya ang may-edad na babae hanggang sa katabing suite na inookupa nito pero pinagsarhan siya nito ng pinto at hindi lumabas kahit anong tawag ang gawin niya.

YOU ARE READING
REMEMBER YESTERDAY
RomanceNa kay Randall Qasim na ang lahat - A sole heir of a billion-dollar Oil Empire, with good looks that all women crave for, and every material things that money can buy. Pero sa loob ay kasing lamig at walang buhay ng isang mannequin si Randall, kumik...