Part 48

10K 347 26
                                        

SIMPLENG putahe lamang ang naluto ni Alaina nang makarating sila sa bahay nila dahil kaunti lang naman ang laman ng refrigerator niya. Mas madalas kasi siyang kumain sa restaurant kaysa sa bahay mula ng umalis ang papa niya. Hindi na sumama si Salem sa kusina at nanatili sa labas at nagbabantay ng sasakyan. Kumain na raw kasi ito pero sa tingin ni Alaina binibigyan lang sila ng bodyguard ng pagkakataon ni Randall na mapagsolo.

Masayang pinagmasdan niya kumain ang binata. "Hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom. You are an important person in your company right? Kahit gaano pa kalaki ang responsibilidad mo hindi mo dapat kalimutan ang kalusugan mo," ani Alaina.

"Hindi ako nakokontento kapag hindi mo luto," sagot ni Randall.

Napabuntong hininga na lang siya at bumaba ang tingin sa suot ng binata. Naka suit at necktie pa ito na marahil ay ayos nito kanina sa meeting. "You can loosen your coat and tie when you are with me, Randall." Natigilan ang binata at napatitig sa kaniya. Ngumiti si Alaina. "After all, I cannot do anything much for you other than cook for you and be someone who you can relax with."

Lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Randall at kumilos upang hubarin ang coat nito. Pagkatapos ay hinatak nito ang necktie na suot at kinalas ang unang tatlong butones sa polo na suot. Napansin na naman ni Alaina ang singsing na pendant sa kuwintas ng binata na napansin niyang palagi nitong suot.

Matagal na napatitig na naman siya roon bago umangat ang tingin sa mukha ni Randall. "May kinalaman ba sa akin ang singsing sa kuwintas mo?" hindi na nakatiis na tanong niya. Natigilan ang binata at agad na napagtanto ni Alaina na hindi siya nito sasagutin. Inabot niya ang kamay nito na nakapatong na sa lamesa at pinisil iyon. "Hindi mo ba puwedeng sabihin sa akin? Please? Mula pa noong nasa beach tayo at nakita ko iyan, palaging may sumusulpot na eksena sa isip ko pero masyadong malabo kaya hindi ko maintindihan. My eyes are always drawn to that ring on your neck and I want to know why."

Sumeryoso ang ekspresyon sa mukha ni Randall at pinisil ang kamay niya. Pagkatapos ay bahagya nitong itinulak palayo sa lamesa ang silya nito at pumihit paharap sa kaniya. "Come here," usal nito at bahagya siyang hinatak patayo at palapit dito. Tumalima siya hanggang nakatayo na siya sa pagitan ng mga hita ni Randall at nakatingala na ito sa kaniya. "Hindi lang ako ang mayroon nito, Alaina. On your seventeenth birthday, I gave you a ring."

Napakurap siya at umawang ang mga labi sa sinabi nito. Pumaikot ang isang braso ni Randall sa baywang niya at lalo pa siyang hinigit. He smiled boyishly. Iyon ang unang beses na nakita niyang ngumiti ng ganoon ang binata. Napahawak siya sa balikat nito. "I practically proposed to you back then. Pero masyado pa tayong bata noon kaya himbis na isuot sa daliri mo ang singsing ibinigay ko iyon sa iyo bilang pendant ng kuwintas."

Lumipad ang kamay niya sa itaas ng dibdib niya. Bigla ay naging malinaw kay Alaina kung ano ang inaabot palagi ng kamay niya roon. Ang singsing na pendant na dapat ay nasa leeg niya. "Pero wala akong matandaan na may ganoon akong kuwintas."

Kumislap ang lungkot sa mga mata ni Randall. "You must have lost it." Napakagat labi siya at nag-init ang mga mata dahil naiwala niya ang importanteng bagay na gaya niyon. Mukhang napansin ng binata ang naramdaman niya dahil hinigit siya nito hanggang mapaupo na siya sa kandungan nito at niyakap siya. "I'll just give you another one. This time hindi na pendant ng kuwintas," pangako ni Randall at hinalikan pa siya sa gilid ng mga labi.

Sumikdo ang puso ni Alaina at bahagyang napangiti. "Nag-po-propose ka ba sa akin?" pabirong tanong niya.

"Not yet. We still need to resolve a lot of issues before I can ask for your hand. But you don't have to worry about that. I will take care of everything."

Nahigit niya ang hininga dahil may kakaibang pangako sa sagot na iyon ni Randall. Pagkatapos ay masuyo nitong hinalikan ang mga labi niya. Napapikit siya at pinaikot ang mga braso sa leeg ng binata. Saglit pa ay nawalan na sila ng pakielam sa ibang bagay at naging abala sa mga labi ng isa't isa.

Napaigtad sila at sabay na kumalas nang makarinig sila ng bantulot na katok sa bukana ng kusina. Napalingon sila at nag-init ang mukha ni Alaina sa pagkapahiya nang makitang nakatayo roon si Salem. Agad na umalis siya sa kandungan ni Randall at dumistansya. "What is it?" tanong ng binata sa bodyguard.

Sumagot si Salem sa Arabic at kahit hindi niya naiintindihan iyon ay may palagay siyang hindi magandang balita ang hatid nito. Napuno kasi ng tensiyon ang buong katawan ni Randall na biglang napatayo. Tumiim din ang mga bagang ng binata at kumuyom ang mga kamao.

"Randall?" nag-aalalang untag ni Alaina.

Sandaling may sinabi muna ang binata kay Salem sa Arabic bago bumaling sa kaniya. Halatang pinapakalma nito ang sarili pero mukhang hindi nagtatagumpay. "I have to go now, Alaina. I enjoyed the food."

Hindi pa rin napapawi ang pag-aalala niya. "May problema ba?"

"Nothing I can't handle. Pero hindi muna ako makakapunta sa restaurant mo sa mga darating na araw. Give me your number so I can call you everyday," sagot ni Randall.

Nalaglag ang mga balikat niya pero tumango na lang. Dapat masanay na siya na hindi sila araw-araw nagkikita. Nakabakasyon lang si Randall ng nakaraang mga linggo kaya palagi itong nasa restaurant. Pero siyempre kapag bumalik na sa trabaho ang binata ay hindi na iyon puwede. Siya man ay dapat ibalik ang focus niya sa pagluluto na medyo nawala mula ng ma-in love siya kay Randall. Ngumiti na si Alaina at ibinigay ang numero niya. "Ibigay mo rin sa akin ang number mo. Ayoko na ako lang ang naghihintay ng tawag mo," sabi pa niya.

Umangat ang gilid ng mga labi ni Randall at mukhang na-relax na ng kaunti. "Very well." Pagkatapos nitong ibigay ang numero sa kaniya ay yumuko ang binata at ginawaran siya ng mabilis na halik sa mga labi. "I have to go now. Goodnight."

"Goodnight," usal niya. Akala niya ay aalis na si Randall. Sa halip ay napasinghap siya ng bigla siya nitong yakapin ng mahigpit. "No matter what happens, don't leave me okay? Hindi na ako katulad noong mga bata pa tayo. I was young and I can't protect you then. Walong taon na ang lumipas. All these years I trained myself not only to become a successful businessman but also to become a man who can protect the woman he loves. Kaya kahit anong mangyari, kahit sa tingin mo ay mahirap at komplikado ang lahat, don't give up on me, okay?" pakiusap ng binata.

Tumango si Alaina at gumanti ng yakap. "Huwag ka mag-alala. Hindi ako mahina. I will not give you up ng ganoon kadali."

Humigpit ang yakap ni Randall bago siya bantulot na pinakawalan. Sandaling tinitigan lang nito ang mukha niya bago muling nagpaalam at umalis.

REMEMBER YESTERDAYWhere stories live. Discover now