Part 13

10.3K 361 37
                                        

SA loob ng mga sumunod na araw ay maraming nalaman si Alaina tungkol kay Randall. Tuwing umaga kapag nagkikita sila ay mas marami na silang napag-uusapan kaysa noon. Sinabi sa kaniya ng lalaki ang mga karanasan nito, ang mga lugar na napuntahan na nito at ang mga party na kahit ayaw nitong puntahan ay kailangan daluhan. Nalaman ni Alaina kung gaano kalaking responsibilidad ang nakaatang kay Randall kahit bata pa ito.

Maging siya ay natagpuan ang sariling sinasabi kay Randall ang mga bagay na wala siyang pinagsabihan kahit ang papa niya. Inamin niya rito na may mga araw na na-ho-homesick pa rin siya at gustong bumalik sa pilipinas. Na may mga gabing bigla niyang mapapanaginipan ang mama niya at magigising na lamang siya sa kalagitnaan ng gabi na umiiyak.

"Ayoko lang mag-alala si papa kaya hindi ko sinasabi sa kaniya. Ayoko sabihin sa kaniya kapag na-mi-miss ko si mama. Kasi alam kong mas miss niya si mama kaysa sa akin. Alam mo ba minsan, nahuhuli ko siyang nakatitig sa picture ni mama at nagpupunas ng mga mata. Sigurado ako na mahal pa rin niya si mama kahit matagal na siyang patay," sabi ni Alaina isang umaga.

"Loving someone even if she's already gone is something I don't want to feel," biglang sabi ni Randall.

"Bakit naman?" takang tanong ni Alaina.

Sumulyap ito sa kaniya. "Longing for someone na hindi mo na makikita kahit kailan is surely a very painful experience. Especially if you are the only one who feels that way while the one you are longing for doesn't feel sad at all."

Natigilan siya at marahang napatango. "Tama ka." Bigla tuloy naisip ni Alaina kung ano ang mararamdaman niya kapag dumating na ang panahong kailangan na nilang umalis ng kaniyang ama sa Jumeirah Islands. Paano na siya kapag kailangan na niyang magpaalam kay Randall? Lalo na at habang lumilipas ang mga araw ay palalim ng palalim ang nararamdaman niya para sa lalaki? Isipin pa lamang niya na hindi na niya ito muling makikita ay nagpapasikip na sa puso ni Alaina.

"What is it?" takang tanong ni Randall habang nakatitig sa mukha niya.

"Naisip ko lang kung mas maganda bang pigilan ko na lang ang nararamdaman ko para sa isang tao na nakatakda kong hindi na makita kahit kailan. So that I don't have to feel that painful longing when I miss him in the future," bulong ni Alaina.

Kumislap sa pag-unawa ang mga mata ni Randall. Ginagap nito ang kamay niya at pinisil iyon. "You don't have to resist yourself. Hindi ako papayag na hanggang dito lang ang pagkakakilala natin, Alaina," seryosong sabi nito.

Sumikdo ang puso niya at gumanti ng pisil sa kamay ng lalaki. Nakikita niya sa mukha nito ang sinseridad. Pero sa likod ng isip niya ay may alinlangan pa rin si Alaina. Hindi na lang niya isinatinig.

"By the way, alam kong sasabihin din ni Yolly sa inyo ang tungkol dito, but my parents are coming by the end of this week," biglang sabi ni Randall.

Napaderetso ng upo si Alaina. Bigla siyang kinabahan sa kaalamang darating ang mga magulang nito. "Magbabakasyon din sila rito?"

"No. They will just be here for my birthday party at the end of this month."

Namilog ang mga mata niya. "Birthday mo?"

"Yes. Right, I haven't told you. Well, it's not that important anyway."

Kumunot ang noo ni Alaina. "Anong hindi importante? Siyempre importante iyon. Birthday mo iyon eh. Kapag sinabi mong hindi importante ang araw na iyon para mo na ring sinabi na hindi ka importante. Which is wrong," giit pa rin niya.

Napatitig lang si Randall sa kaniya bago malawak na ngumiti. "I understand. I am important to you. You have a face like glass, Alaina. Nakikita ko ang iniisip at nararamdaman mo based on your facial expressions."

Uminit ang mukha ni Alaina. Pagkatapos ay tumikhim siya. "At ikaw naman, Randall, you have a face like mask, hindi ko mabasa kung ano ang iniisip at nararamdaman mo. Lalo na noon."

Umangat ang mga kilay ni Randall subalit kumikislap naman sa katuwaan ang mga mata nito. Napapangiti na rin tuloy siya. "You always have a comeback to everything I say, don't you?"

Napangisi si Alaina. "Oo."

"I like you."

"I like you too," mabilis na sagot niya bago pa tumimo sa utak niya ang sinabi nito. At nang marealize niya kung ano ang nasabi nilang dalawa ay namilog ang mga mata ni Alaina.

Pero si Randall ngumisi lang. "Correct answer," sabi pa nito. Pagkatapos ay napasinghap siya nang tawirin ng lalaki ang pagitan ng kanilang mga mukha at ilapat nito ang mga labi sa mga labi niya.

Pakiramdam ni Alaina ay huminto ang oras nang mga sandaling iyon. Natuon lamang sa mga labi niya ang lahat ng pandama niya. Magaan lamang ang pagkakalapat ng mga labi ni Randall sa kaniya subalit sapat na iyon para magwala ang mga paru-paro sa sikmura niya. Bago pa siya makapag-react marahan nang inilayo ng lalaki ang mukha sa kaniya at sinalubong ng tingin ang nanlalaki niyang mga mata. Hinaplos ni Randall ang gilid ng mga labi niya at masuyong ngumiti.

Alaina felt as if her heart was squeezed tight. "Kapag ngumingiti ka ng ganiyan, dahil alam kong bihira ko iyan nakikita sa mukha mo, you think you can get away with anything, tama ba ako?" pamaktol na bulong niya. Lumawak lang ang ngiti ni Randall at hindi sumagot. Pero nakumpirma ng ngiting iyon na oo ang sagot nito. Napalabi si Alaina. "That was my first kiss, you know," nanginginig ang mga labing usal niya.

Ikinulong ni Randall ang mukha niya sa dalawang kamay nito. "I guess that much," usal nito. Napakalambot ng ekspresyon sa mga mata nito na nagpabilis sa tibok ng puso niya. "You don't like it?" tanong pa nito.

Nag-init ang mukha ni Alaina at nagbaba ng tingin. "I... like it," nahihiyang bulong niya.

"Then look up," sabi ni Randall sa masuyong tinig.

Huminga siya ng malalim at kahit nahihiya pa rin ay nag-angat ng mukha. Nasalubong niya ang mga mata ng lalaki. "Relax," bulong nito bago muling tinawid ang pagitan ng kanilang mga labi. Sa pagkakataong iyon ay napapikit si Alaina. Masuyo at magaan pa rin ang halik nito ngunit mas matagal. Napakapit siya sa mga balikat ni Randall nang marahan nitong simsimin ang mga labi niya. Pakiramdam niya nanayo ang lahat ng balahibo niya sa masarap na sensasyong dulot ng ginagawa nito sa mga labi niya. Halos mabingi siya sa lakas ng kabog ng dibdib niya at humigpit ang hawak niya sa mga balikat ng lalaki.

Makalipas ang ilang sandali ay ilayo ni Randall ang mga labi sa kaniya. Iminulat niya ang mga mata at sandaling nagtama ang kanilang mga mata bago siya nito niyakap ng mahigpit. Nasubsob ang mukha ni Alaina sa dibdib ni Randall. "That's it for now. Ayokong biglain ka," usal nito sa tuktok ng ulo niya. Naramdaman niya na hinahaplos nito ang buhok niya. "I want to treasure you."

Napangiti si Alaina at yumakap rin kay Randall. "Salamat. I will treasure you too. Promise," ganti niya. Kasi sigurado ako na mahal kita.

REMEMBER YESTERDAYWhere stories live. Discover now