NAPABALIKWAS ng bangon si Randall na para bang nagising siya sa isang bangungot. Habol niya ang paghinga at masakit na kumakabog ng husto ang puso niya. May panic na nais kumawala sa dibdib niya at ilang sandaling hindi niya malaman kung para saan iyon.
"Oh, my son, you are awake," paiyak na bulalas ng pamilyar na tinig ng kaniyang ina.
Disoriented na napalingon siya sa direksiyon ng tinig at napaigtad nang bigla siyang yakapin ng mama niya. Hindi nakahuma si Randall at niyakap na lamang din ang may-edad na babae nang umiyak ito ng umiyak. Iginala niya ang tingin at noon napagtanto na nasa ospital siya. Nakatayo sa gilid ng hospital bed niya ang papa niya na nakatiim ang mga bagang ngunit may kislap naman ng relief sa mga mata habang nakatingin sa kaniya. Sa may pinto ay nakatayo si Salem na may kakaibang ekspresyon sa mukha habang nakatingin sa kaniya. Iginala pa niya ang tingin sa paligid, may hinahanap na pamilyar na mukha. Subalit wala roon ang babaeng gusto niyang makita.
Pakiramdam ni Randall hinalukay ang sikmura niya nang unti-unting bumabalik sa kaniya ang mga nangyari. Humapdi ang mga mata niya at kumalas sa kaniyang ina. Deretso ang tingin niya kay Salem. "Where's Alaina?"
Lalong tumiim ang mukha ni Salem at nagbaba ng tingin. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa tagal nilang pagsasama ni Salem noon lang nagbaba ng tingin ang bodyguard kapag kausap niya ito. May bumikig sa lalamunan niya at napuno ng panic at labis na takot ang dibdib niya. Mabilis na kumilos siya upang bumangon pero mabilis na nakalapit sa kaniya ang papa niya at pinigilan siya bumangon. Bukod doon ay sumirit ang matinding kirot sa buong katawan niya. "Calm down. You must not move around. You have bone fractures and your body is very weak right now," pautos na sabi ni Abel Qasim.
"I want to see Alaina," aniya na ang intensiyon ay sumigaw subalit mahina ang naging labas ng boses niya, naging daing.
"You can't. I will not allow you to get up," sabi naman ng mama niya.
Mariing napapikit si Randall nang bumalik sa alaala niya ang mga nangyari. Kung kailan akala niya ligtas na sila ni Alaina, kung kailan unti-unti na siyang nakakahinga ng maluwag, saka niya napagtanto ang pagkakamali niyang panatilihing buhay ang isa sa mga kidnappers nila. Bata pa siya ay kasama sa training niya ang gumamit ng baril. Kung mas malakas lang ang loob niya, kung mas kaya lang ng sikmura niya, dapat binaril na niya ang lalaking iyon. Then maybe he didn't have to wake up at the time they least expected. Hindi sana nito nahablot si Alaina at ginawang hostage.
Nanikip ang puso niya nang maalala ang mukha ng babae nang lumingon siya at makitang hawak na ito ng kidnapper. Walang wala ang takot sa mukha ni Alaina sa takot na naramdaman ni Randall nang makita iyon. Pakiramdam niya huminto sa pagtibok ang puso niya at bumagal ang thought process niya. Noon napagtanto ni Randall na kahit gaano kataas ang IQ niya, kahit gaano pa siya kagaling sa kahit anong bagay, wala iyong silbi kapag nakikita niyang nasa bingit ng panganib ang pinakaimportanteng tao sa buhay niya. The worry, the fear and the panic numbed his brain and his body.
Ang sumunod na lamang niyang nakita ay tumalon na ang kidnapper kasama si Alaina sa dagat. He will never forget the look on her face before she fell in the water. Habambuhay na magiging bangungot sa tuwing matutulog siya ang magkahalong takot at paghingi ng paumanhin sa mukha ni Alaina bago ito mawala sa paningin niya. Na para bang hanggang sa huling sandali nais nitong humingi ng tawad sa kaniya dahil sinisisi nito ang sarili sa mga nangyari. When the truth was, it was his fault for dragging her in his dangerous world.
"How could you just jump in the sea, Randall?! You should have thought of your safety before anyone else's. If Salem wasn't fast enough to save you, I don't want to think what could have happened to my only son," umiiyak pa ring bulalas ng kaniyang ina.
Napadilat si Randall. "I did it because I have to save Alaina. She was unconscious when I got her. There was blood coming from her head," garalgal na sagot niya. Muli niyang tinangkang bumangon pero muli siyang pinigilan ng kaniyang ama. Marahas na tiningnan niya si Abel Qasim. "I have to see her. I have to know that she's safe. Let me go, papa."
"She's safe. She's in this hospital. I will allow you to see her after you rest," matatag na sagot ng papa niya.
Pabagsak na napahiga sa kama si Randall. "Is she really okay?" tanong niya.
"She's alive," sagot ng mama niya na may talim ang tinig. Nang sulyapan niya ito ay may disgusto sa mukha ng may-edad na babae. "You were kidnapped because of that girl! I don't like her. If you ask me, I don't want you to see her ever again."
Tumiim ang mga bagang ni Randall at nakaramdam ng matinding pagrerebelde. "It's not her fault. Stop talking about the girl I love that way."
Nanlaki ang mga mata ng mama niya at mukhang may sasabihin pa pero nahawakan na ito sa braso ng papa niya. "Reira. Don't stress your son," seryosong saway ni Abel Qasim sa asawa. Pagkatapos ay yumuko sa kaniya ang ama. "Sleep. We will talk when you got your energy back."
Nang banggitin nito ang tungkol sa pagtulog ay saka lang naramdaman ni Randall na namimigat nga ang mga mata niya. Ayaw pa niyang matulog. Gusto pa niyang igiit na makita si Alaina kahit sandali lang. Subalit tinalo na siya ng antok. Napapikit siya at saglit pa ay mahimbing na siyang natutulog.

YOU ARE READING
REMEMBER YESTERDAY
RomanceNa kay Randall Qasim na ang lahat - A sole heir of a billion-dollar Oil Empire, with good looks that all women crave for, and every material things that money can buy. Pero sa loob ay kasing lamig at walang buhay ng isang mannequin si Randall, kumik...