Napasinghap ang mama niya. "Abel! No. He's your only heir."
Umiling ang papa niya at bumaling kay Chef Argel. "I will cut our ties to him if it's necessary. If not having to do with us is the only way for you to accept him. Because it looks like my son will only get happy if he's with your daughter Chef Argel. You don't have to worry. My son is an intelligent and capable man. Even without the influence and wealth of the Qasim Oil Company, he will surely make his own name in the business industry. Am I right, Randall?"
Natigilan siya. His father knew. Alam nito ang ginagawa niyang paglalaro sa stock market sa pilipinas at ang palihim niyang pagbili ng mga shares sa iba't ibang kumpanya roon. Malamang ay alam rin ni Abel Qasim ang plano niyang pagtatayo ng sarili niyang investment company at humiwalay ng tuluyan sa Qasim Oil Company. Si Salem ba ang nagsabi rito? Dahil noong nasa pilipinas lamang siya at pinagmamasdan ang satisfaction sa mukha ni Alaina kapag nasa restaurant nito ang dalaga saka lamang nabuo ang plano ni Randall na subukan din humiwalay sa impluwensiya ng pamilya niya. At least, habang malakas pa ang papa niya at kaya pa nitog pamunuan ang legacy ng pamilya nila. Iniisip pa nga niya kung paano makukumbinsi si Abel Qasim na payagan siyang isakatuparan ang plano niya. Even if it takes force. Subalit mukhang hindi na niya kailangan gawin iyon. His father is already giving him freedom to do what he wants. At alam niyang hindi madaling desisyon para sa matandang lalaki ang basta siya bitawan.
Muling humarap ang mga magulang ni Randall kay Chef Argel at yumukod at humingi ng tawad. Mukhang nawalan ng sasabihin ang papa ni Alaina sa pagkabigla. Unti-unting nawala ang galit ni Randall at nalaglag ang mga balikat niya sa resignation. Dahil kahit siya ay nagulat dahil iyon ang unang beses sa buong buhay niya na nakita niyang nagpakumbaba at humingi ng tawad ang mga magulang niya sa isang tao. Paano pa siya magagalit kung ganoon?
"You don't have to cut your ties with him. He is your son and you are his parents," biglang sabi ni Alaina. Napatingin silang lahat sa dalaga. Namamasa pa rin ang mga mata nito at ang isang kamay ay nakakuyom sa itaas ng dibdib nito. Bumaba roon ang tingin ni Randall at tumahip ang dibdib niya nang mapansin kung ano ang hawak nito – ang singsing. Nakasuot ang kuwintas na ibinigay niya rito noon sa leeg ng dalaga.
"Alaina," nausal niya. Sumulyap sa kaniya ang babae at sa namamasang mga mata ay bahagyang ngumiti. As if she's trying to reassure him. Kahit pa narinig nito ang lahat ng ginawa ng mga magulang niya rito noon? May bumikig sa lalamunan ni Randall at nakuyom muli ang mga kamay dahil parang gusto niyang higitin ang dalaga at yakapin ng mahigpit.
Bumaling si Alaina kay Chef Argel. "Papa, tigilan na natin ito. Humingi na sila ng tawad. Alam ko hindi magiging madali sa iyo pero please, patawarin na natin sila. Nakaraan na ang lahat. Hindi tayo puwedeng matali sa nakaraan habambuhay. Because then, we will not have a happy future."
"Ano bang sinasabi mo Alaina? Ang lalaking iyan ang dahilan kung bakit hindi ka nakakaalala! Gusto mo pa rin siya makasama?" manghang bulalas ni Chef Argel.
"It's not his fault," matatag na sagot ni Alaina. "Hindi ba puwedeng kalimutan na natin ang lahat? Alam ko hindi iyon magiging madali pero puwede bang subukan natin? I don't want all of us to get chained by the past. Please. Kasi papa..." Masuyong ngumiti si Alaina at naramdaman ni Randall nang abutin ng isang kamay nito ang nakakuyom niyang palad. Awtomatikong ibinuka niya ang kamay upang gagapin ang kamay ni Alaina. "I believe he will be the only man I will love. I fell in love with him, twice. Isn't that enough reason for you to let us be happy?" garalgal na usal ng dalaga.
Nalaglag ang mga balikat ni Chef Argel na para bang tinakasan na ng lakas makipag-argumento. Si Alaina naman ay tumingin sa mga magulang ni Randall at may sumilay na mabait na ngiti sa mga labi. "Everything is already in the past. I accept your apologies because I know that we are all just the same. We care for Randall and we love him. And if you are willing to accept me for him, then I will be very thankful. I may be a simple commoner in your eyes, I don't have the wealth or an influencial family that will benefit your family, but I love him with all my heart and I will make him as happy as I can."
Napatitig si Randall kay Alaina at parang may mainit na humaplos sa puso niya nang tingalain siya nito at ngumiti kahit namamasa ang mga mata. "Alaina..."
Bigla siyang niyakap ni Alaina. "It's not your fault. It's no one's fault," umiiyak at paulit-ulit na usal nito.
Uminit ang mga mata ni Randall at gumanti ng mahigpit na yakap. Isinubsob ni Randall ang mukha sa buhok ni Alaina at mariing pumikit nang mamasa ang kaniyang mga mata. "I'm sorry I could not protect you then. I'm sorry. I love you. Alaina," usal niya.
"I know. I love you too. I know," umiiyak rin na bulalas ni Alaina.
Mahabang sandali na nanatili lamang silang magkayap doon, walang pakielam kahit pa nasa presensiya sila ng kani-kanilang mga magulang. Ang alam lang ni Randall ay ayaw niyang bitawan si Alaina. Hindi na niya ito bibitawan pa kahit kailan.
HINDI alam ni Alaina kung gaano katagal na umiiyak lamang siya habang nakayakap kay Randall. Matapos niyang marinig ang tunay na nangyari noon habang wala siyang malay sa ospital, matapos niyang marinig ang mga saloobin ng kani-kanilang mga magulang at matapos niya magdesisyon na magpatawad, ay parang may pabigat na naalis sa puso niya. It's just that, clinging on to the tragedy of their past is a weight they all have to let go or else they will never become truly happy. Siya na ang unang nagdesisyong pakawalan iyon. Alam niya na hindi magiging madali sa kaniyang ama pero sa kalaunan, kapag nakita nito na masaya sila ni Randall ay magagawa na rin ng papa niyang magpatawad. Maging ang mga magulang ng binata, kahit pa mukhang mga arogante ay may pakiramdam si Alaina na kinukutkot din ang mga ito ng guilt sa nangyari noon. Patunay niyon ang pamumutla ng mama nito nang una silang magkita sa hotel lobby at malaman ng may-edad na babae kung sino siya.
Humigpit pa ang yakap ni Alaina kay Randall nang maramdaman ang pagyugyog ng mga balikat nito. She continued to whisper I love you's to reassure him that everything is going to be alright. That there will be no more waiting and searching and longing. Na hindi na siya mawawala pa sa tabi nito kahit kailan.
"Let's give them privacy. They are already adults. They can decide for themselves," pabulong na usal ng mama ni Randall.
"Well... let's go inside first," bantulot na sabi naman ng papa niya.
Napadilat tuloy si Alaina at bahagyang inilayo ang mukha sa dibdib ni Randall upang tingnan ang mga magulang nila na nakatalikod na sa kanilang dalawa at papasok sa bahay nila. Sumunod sa tatlo si Salem. Sila ni Randall ay napasunod lang ng tingin hanggang makapasok ang lahat sa loob ng bahay nila at puminid ang pinto. Saka sila nagkatinginan ni Randall. May bakas ng pamamasa sa makakapal nitong pilik mata. Umangat ang mga kamay niya at hinaplos ang mga pisngi ng binata. Hinawakan nito ang mga kamay niya at lalo pang idinikit sa mukha nito.
"You look tough and ruthless in front of other people but you're a crybaby," bahagyang nakangiti na usal ni Alaina.
Masuyong ngumiti si Randall at hinalikan ang mga palad nila. "My father used to tell me that I get weak when it comes to you. Maybe he was right. But you are the weakness I don't want to let go."
Napakurap si Alaina dahil biglang may dumaang alaala sa isip niya. Memories of a night inside a dim lit room with Randall flashed before her eyes. They were both young. Magkayakap sila at tahimik na nag-uusap. Nang gabing iyon ay nakita niya ang vulnerable na bahagi ng pagkatao ng binata sa unang pagkakataon...
Uminit ang mga mata niya. "Randall, alam mo ba... unti-unting bumabalik sa akin ang mga alaalang nawala sa akin."
Natigilan si Randall. Pagkatapos ay napuno ng pag-asa ang mukha nito at humigpit ang hawak sa mga kamay niya. "You do? Really?"
Tumango siya. "Mula nang ibalik sa akin ni papa ang kuwintas ko. Mabuti na lang at hindi ko pala naiwala ang regalo mo sa akin. Hindi ko pa lubusang naaalala ang lahat. Only flashes of scenes. But I am glad I can remember. I'm glad I can finally share the memories you had of us for eight years," sabi ni Alaina sa kabila ng bikig sa lalamunan niya.
Kumislap sa halo-halong emosyon ang mga mata ni Randall at yumuko upang tawirin ang pagitan ng mga mukha nila. Itinaas ni Alaina ang mukha upang salubungin ang mga labi ng binata. He kissed her softly, passionately, lovingly. At gumanti siya sa kaparehong paraan hanggang kapwa sila bantulot na kumalas sa isa't isa. "It's okay. Everything will gradually come back to you. Hindi natin kailangan magmadali." Itinaas ni Randall ang isa niyang kamay at buong pagmamahal na hinalikan iyon. "Because I will be with you forever, Alaina."
Ngumiti si Alaina at napuno ng pagmamahal ang puso niya. Tumango siya. "Yes. Forever."

YOU ARE READING
REMEMBER YESTERDAY
RomanceNa kay Randall Qasim na ang lahat - A sole heir of a billion-dollar Oil Empire, with good looks that all women crave for, and every material things that money can buy. Pero sa loob ay kasing lamig at walang buhay ng isang mannequin si Randall, kumik...