Tumayo si Randall na ni hindi niya sigurado kung totoong pangalan nito. Nalukot ang mukha nito at mas nagmukha itong nakakatakot kaysa kanina. Ang mga mata nito ay naging mabalasik ang kislap. Napasinghap si Alaina nang sa ilang hakbang ay natawid na ni Randall ang distansya sa pagitan nilang dalawa at nahawakan na siya sa magkabilang balikat. Namilog ang mga mata niya at umawang na ang mga labi para sumigaw at humingi ng tulong ngunit bumikig ang mga salita sa lalamunan niya nang makita ang labis na pighati at hinanakit sa mga mata ng lalaki.
"Ano ang kailangan ko sa iyo? I have been looking for you for the past eight years! Eight years, Alaina. For those years my mind was always filled with thoughts and memories of you. Hinalughog ko ang buong UAE, pero hindi kita nakita. I went here even though I have so many responsibilities in my own coutry just to look for you. Always, I have been waiting for the moment that I can finally find you. I breathe, I lived, just for this moment," mariin at puno ng emosyon na litanya ni Randall.
May bumikig sa lalamunan ni Alaina dahil na-o-overwhelm siya ng mga emosyong iyon at ng mga salitang binibitawan nito. At nang may sumilay na mapait na ngiti sa mga labi ng binata ay nag-init ang mga mata ni Alaina. "And now you are telling me that you don't remember me? Na walang espesyal na nangyari sa iyo sa mga buwang hindi mo matandaan, that you don't mind it, that you didn't even made an effort to bring those memories back?"
Nanginig ang mga labi ni Alaina at namasa ang mga mata. "I'm sorry," usal niya. Napagtanto niya na palaging ganoon lang ang naisasagot niya sa lalaki. Dahil ano pa ba ang puwede niyang sabihin kung nakikita niyang mukha itong miserable dahil sa kaniya?
Tumiim ang mga bagang ni Randall at humigpit ang hawak sa mga balikat niya subalit hindi na niya pinansin iyon. Sinalubong niya ang mga mata nito at pilit hinanap sa alaala niya ang tungkol rito. Subalit wala talaga siyang maalala.
Lumapit sa kanila ang lalaking kasama nito at hinawakan ang balikat ni Randall. "Master Randall, calm down. It's not her fault that she can't remember," sabi ng lalaki.
Parang binuhusan ng malamig na tubig ang reaksiyon ni Randall at agad na binitiwan siya. Namutla pa nga ang lalaki at tila nanghihinang humakbang palayo sa kaniya. "Right. It's not your fault. It's mine," usal nito na tila sarili ang kausap. Pagkatapos ay dumeretso ito ng tayo at muling tumingin sa kaniya. "I'll come back when I calmed down. Let's go Salem." Iyon lang at tumalikod na ito at naglakad patungo sa pinto. Sumunod dito ang lalaking tinawag nitong Salem.
Nakalabas na ang dalawa ay nanatili pa rin siyang nakatayo roon. Binabalikan ang mga sinabi ni Randall. Subalit mas malaki ang epekto kay Alaina ng mga emosyong nakita niya sa mukha nito; ang sakit, ang lungkot, ang pangungulila, at ang labis na pagmamahal na kahit kay Lucas na walong buwan na nanliligaw sa kaniya ay hindi niya nakita. Sumikip ang dibdib niya at may bumikig sa lalamunan niya.
"Alaina? Nakaalis na sila. Grabe limousine pala ang sasakyan nila –" Napalingon siya sa pinto nang marinig ang boses ni Lilian. Natigilan ang kaibigan niya at bumakas ang pag-aalala sa mukha. "Anong problema? May ginawa ba sila sa iyo?" Umiling siya. Lumapit sa kaniya si Lilian. "E bakit umiiyak ka?"
Napakurap si Alaina at agad napahawak sa mga pisngi niya. Basa nga sa luha ang mga iyon. Pinahid niya ng mga palad ang mga luhang iyon at hinamig ang sarili. "Wala ito. Hindi nila kasalanan."
"E sino ang may kasalanan kayo lang naman ang nandito?"
It's not your fault. It's mine.
Iyon ang sinabi ni Randall. Ano ang ibig nitong sabihin?
"Alaina? Huy," untag ni Lilian sa kaniya.
Ipinilig niya ang ulo at tiningnan ang kaibigan niya. Pilit siyang ngumiti. "Wala iyon. Kailangan ko na bumalik sa kusina. Tara." Bago pa makapagtanong si Lilian ay nagpatiuna na siyang lumabas ng opisina nila.
NANGHIHINANG napasandal sa backrest ng limousine si Randall. Nalaglag ang mga balikat niya at mariin siyang napapikit upang hamigin ang mga nagwawalang emosyon sa dibdib niya. Si Salem ay tahimik lamang na nagmamaneho. Kung papunta saan ay hindi niya alam dahil wala siyang sinabing lugar kung saan sila pupunta. Sa mga sandaling iyon kasi ay iba ang nasa isip niya, sa mga nalaman niya mula kay Alaina.
Especially the fact that she can't remember him. Sa dami ng beses na nakinita niya ang muli nilang pagkikita ni Alaina, ni hindi sumagi sa isip niya ang posibilidad na iyon. Subalit kahit siguro naisip niya, hindi pa rin mababawasan niyon ang sakit na naramdaman niya sa katotohanang nakalimutan siya ng babaeng pinakamamahal niya.
Habang bawat umaga ay si Alaina ang naiisip niya at ang mga sandaling pinagsamahan nila noon, ang dalaga ay nagdesisyong magpatuloy sa buhay nito na walang kahit na anong alaala ng nakaraan nila. It was frustrating and extremely painful. Dahil sa kaniya lang huminto ang oras. That he was the only one trapped in the past and trapped with his feelings for a girl who, in Alaina's world, didn't even exist.
"I can't believe this," usal ni Randall sa garalgal na tinig. Para saan ang walong taong effort niya para hanapin ang dalaga? Para saan ang lahat ng pagbabagong ginawa niya sa kaniyang sarili, ang paglabag niya sa salita ng papa niya, ang pagpunta niya sa bansang iyon, kung para kay Alaina isa lamang siyang estranghero?
"Master Randall, can I say something?" biglang tanong ni Salem.
Napadilat siya at noon lang napagtanto na nasa gilid na pala sila ng kalsada at nakahinto. Napaderetso siya ng upo. "Where are we?"
"Nowhere. You didn't tell me where to go and we haven't checked in to any hotel."
Napahugot ng malalim na paghinga si Randall. "Maybe we should fly back home."
"I don't think that's a good idea, Master. If you can only calm down, I know you will think of something better," maingat na sagot ni Salem.
Hindi nakakibo si Randall. Ang katotohanang kinakausap siya ng ganoon ng bodyguard niya na madalas ay isang pangungusap lamang ang sinasabi ay nagpapatunay na mukha talaga siyang kaawa-awa sa mga sandaling iyon. Huminga siya ng malalim upang kalmahin ang sarili. Tama si Salem, hindi siya makakapagdesisyon ng maayos kung pinapangunahan siya ng emosyon. Hindi ba bata pa lamang siya ay itinuro na iyon sa kaniya ng papa niya? His father said that emotions can be a nuisance in decision making. Kaya nga tinuruan siya nitong kontrolin ang mga emosyon niya. Iyon din ang kailangan niyang gawin ngayon.
"Let's check in a hotel for now. You can contact Adrian for that. He promised he will help us while we are in this country," kalmado nang sabi ni Randall.
Tumango si Salem at muling pinatakbo ang sasakyan. Tumingin siya sa labas. Subalit hindi na niya nakikita ang mga nadadaanan nila dahil gumagana na ang utak niya, nag-iisip ng susunod na hakbang na kailangan niyang gawin.
Nakapag-check in na sila sa isang hotel na isinuhestiyon ni Adrian nang mabuo ang plano sa isip ni Randall. Mas masasayang ang walong taong lumipas kung hihinto na lamang siya ng ganoon dahil lang nagkasakit si Alaina na sigurado siyang dahil sa nangyaring kidnapping noon. At lalong hindi kasalanan ng dalaga kung bakit naniwala ito na sa pilipinas ito naaksidente. Lahat ng katanungan niya at ni Alaina ang papa lamang nito ang makasasagot. Kaya kailangan niyang hintayin na bumalik sa bansa ang ama ng dalaga.
Habang naghihintay gusto ni Randall na palaging makita si Alaina. Baka sakaling may matandaan ito kung palagi siyang lalapit sa dalaga. O kung talagang hindi na bumalik ang alaala nito, may isa pa siyang solusyon.
He will just make her fall in love with him again. Sigurado na posibleng iba ang maging reaksiyon ni Alaina sa kaniya kumpara noon. May posibilidad na baka hindi siya nito magustuhan agad. May posibilidad na itaboy siya nito dahil galit ang dalaga noong umalis siya kanina. But he will not relent. Noong mga bata pa sila, si Alaina ang unang tumibag ng pader sa puso niya. Ngayon ay siya naman ang gagawa niyon. He swears he will reach her heart.

YOU ARE READING
REMEMBER YESTERDAY
RomanceNa kay Randall Qasim na ang lahat - A sole heir of a billion-dollar Oil Empire, with good looks that all women crave for, and every material things that money can buy. Pero sa loob ay kasing lamig at walang buhay ng isang mannequin si Randall, kumik...