Part 24

9.6K 283 8
                                        

Almost two months later...

SA loob ng halos dalawang buwan, hindi na mabilang ni Alaina kung ilang beses siya tumitig sa cellphone niya sa paghihintay ng tawag na kahit isang beses ay hindi dumating. Natapos na ang bakasyon at nagsimula na uli ang school term. Bumalik na sa hotel bilang assistant chef ang kaniyang ama. Ayon dito mukhang wala raw narinig mula kay Abel Qasim ang boss nito kaya nakabalik sa trabaho ang papa niya na para bang walang nangyari.

Siya naman ay bumalik na rin sa pagiging estudyante. Pero kung dati ay nakikisali siya sa masayang usapan ng mga kaklase niya tungkol sa naging bakasyon ng mga ito, ngayon ay tahimik lamang siyang nakikinig at paminsan-minsan ay ngumingiti kapag may nakakatawang pinag-uusapan. Nasa iba kasi ang isip ni Alaina, na kay Randall.

Wala siyang balita kung kamusta na ang binata. Sa bawat araw na lumilipas na hindi dumarating ang tawag na ipinangako nito ay pabigat ng pabigat ang pakiramdam niya. Hindi dahil nag-aalala siyang nakalimutan na siya ni Randall kung hindi dahil nababahala siya na baka may kung anong nangyari sa lalaki. May tiwala siya na hindi nito basta sisirain ang pangako nito na walang dahilan. Paano kung nakarating sa mga magulang nito ang naging argumento nila ni Diana Medici bago sila umalis ng kaniyang ama sa Jumeirah Islands? Paano kung pinarusahan nila si Randall? Worst, paano kung may nangyaring masama sa lalaki na hindi niya alam? Iniisip pa lamang ni Alaina ang mga posibilidad na iyon ay hindi na siya mapakali.

At ilang araw na lang, birthday ko na. Sana marinig ko man lang ang boses niya sa araw na iyon, pabuntong hiningang naisip niya.

"Something is different about you since the school term started, Alaina," biglang sabi ng seatmate niya na si Anne. Amerikana si Anne na ang mga magulang ay matagal na nakabase sa Dubai na gaya ng papa niya.

"Really?" tanong ni Alaina.

Pinagmasdan siya ng mabuti ni Anne. "Yes. You've changed. You looked like a girl who just had a summer fling." Nag-init ang mukha niya. Natawa si Anne. "Oh my God, you really had a fling! Where did you meet him? How does he look? Did you kiss?" dere-deretsong tanong ng kaklase niya.

Marahil sa ibang pagkakataon ay masasabik si Alaina na ikuwento sa isang kaibigan ang tungkol kay Randall. Kaya lamang ay hindi niya gusto ang tunog ng salitang "fling". Na para bang hindi seryoso ang relasyon nila ni Randall at panandalian lamang. Hindi "fling" ang tamang salita para ilarawan ang relasyon nila ng binata.

Nang sabihin iyon ni Alaina kay Anne ay lalo lang siyang tinawanan ng babae. "Girl, don't be so idealistic. When you find a boy you like over summer break and then you stop seeing each other when vacation was over, that's a fling."

"It was not a fling. We really love each other," giit niya.

"Then do you contact each other? Do you still see him now?" Hindi nakasagot si Alaina. "No? Then, girl, he only saw you as a fling. Don't get too serious. We are still young, you know. You can still find someone better next time."

Naputol ang pag-uusap nila nang may tawagin ng isang schoolmate nila si Anne. Tinapik siya ng babae sa balikat bago umalis. Napabuntong hininga na lang si Alaina at nangalumbaba. Buo pa rin ang paniwala niya na mali si Anne. Na hindi ganoon kababaw ang namamagitan sa kanila ni Randall. Panghahawakan niya iyon hanggang dumating ang sandali na magkita silang muli.

Pero Randall, nasaan ka ba ngayon? Ano ang ginagawa mo? I want to see you. Even hearing your voice and knowing that you are okay will be enough for me. Pero bakit kahit isang beses, hindi mo ako tinawagan?

Subalit alam ni Alaina na kahit anong daing niya, hindi iyon makakarating sa lalaking hinihintay niya.

"DAMN, I'm dead tired," inis na bulalas ni Randall pagkapasok niya sa kaniyang silid. At last he was alone so he can finally lower his guard. Habang lumilipas ang panahon ay lalo niyang napagtatanto na nakakapagod panatilihin ang walang ekspresyon niyang maskara at ang pagpipigil sa mga emosyon niya na gaya ng itinuro sa kaniya ng papa niya kapag nasa harap siya ng ibang tao. The need to find a moment when he can lower his guard is getting stronger. At sa tuwing gusto niyang makapag-relax kahit sandali lang ay mukha ni Alaina ang naiisip niya. It was only with her that he felt like he can be his real self.

REMEMBER YESTERDAYOù les histoires vivent. Découvrez maintenant