Part 54

11.4K 358 11
                                        


"LUMAYO ka sa anak ko."

Parehong napaigtad sina Randall at Alaina sa malakas na tinig na iyon. Halos mag-echo iyon sa katahimikan ng bukang liwayway. Bahagyang lumuwag ang pagkakayakap nila sa isa't isa at napalingon sa pinto ng bahay nina Alaina.

"Papa," garalgal na bulalas ng dalaga.

Napaderetso ng tayo si Randall at agad luminaw ang isip nang himbis na tingnan si Alaina ay ipinukol ni Chef Argel ang titig sa kaniya. Halata ang kislap ng pait at disgusto sa mukha ng may-edad na lalaki. Hindi niya inaasahan na naroon na pala ito.

Nagpunta siya roon dahil halos hindi siya makatulog magdamag sa kakaisip ng ibig sabihin ng mama niya noong huli silang mag-usap. At nang makita niyang lampas alas kuwatro na ng madaling araw, katulad ng dati ay bumalik kay Randall ang alaala ng mga umagang magkasama nilang pinapanood ni Alaina ang paglitaw ng araw sa staircase ng mansiyon nila sa Jumeirah Islands. Nilukob siya ng matinding pagnanais na makita ang dalaga. Nagkaroon ng kakaibang pakiramdam sa pintig ng puso niya at bago pa siya makapag-isip ng matino ay umalis na siya ng hotel suite upang pumunta sa bahay nito kahit hindi niya alam kung gising na ba si Alaina o hindi pa.

Nang makita niya ito na mukhang katulad niya ay bigla rin siyang gustong makita ay parang lumobo ang dibdib niya. Sa yakap nila ay may naramdaman si Randall. As if there is something different about her than the last time he saw her.

Ngayon ay may pakiramdam siyang dahil iyon sa pagbabalik ng ama ng dalaga. Sinabi na ba ni Chef Argel ang tungkol sa nakaraan nila? Nilunok ni Randall ang bikig sa lalamunan niya at determinadong sinalubong ang titig ng may-edad na lalaki. Inalis niya ang pagkakayakap ng isa niyang kamay kay Alaina pero hindi inalis ang brasong nakapalibot sa balikat ng dalaga. "Chef Argel," bati niya sa ama nito.

Namula sa paghihimagsik ang mukha ng may-edad na lalaki at malalaki ang hakbang na naglakad patungo sa kanila. "Bakit bumalik ka na naman sa buhay ng anak ko? Bakit kailangan mo na naman guluhin ang simple at tahimik na buhay niya? After you washed your hands off my daughter eight years ago! Pagkatapos sapilitang pinaalis ng mga magulang mo ang anak ko sa ospital kahit hindi pa alam ng mga doktor kung mabubuhay siya o hindi! Pagkatapos nilang tapalan ng pera ang sinseridad at pagmamahal ni Alaina sa iyo. Sa tingin mo ba hahayaan kong ma-involve uli ang nag-iisa kong anak sa pamilya mo?" galit na sigaw ng may-edad na lalaki.

Parang binuhusan ng nagyeyelong tubig si Randall sa mga sinabi ni Chef Argel. Kahit si Alaina ay napasinghap at nanigas sa tabi niya. "What are you talking about?" halos hindi humihingang usal niya.

Huminto ang ama ni Alaina ilang metro ang layo mula sa kanila. Nakakuyom ang mga kamao nito at puno ng hinanakit ang ekspresyon sa mukha. "Nang gabing iyon sa ospital, bago ka magmakaawa sa akin na hayaan ka manatili sa tabi ni Alaina habang hindi pa siya nagkakamalay, alam mo ba kung ano ang sinabi sa akin ng mama mo sa hospital lobby? Na kung pera lang ang kailangan ng anak ko sa iyo sabihin ko lang kung magkano at ibibigay niya basta huwag ka na lang niya guluhin. Na hindi siya bagay sa iyo. Na panira lang siya ng buhay mo.

"Ilang oras lang pagkatapos niyon nalaman ko na lang sa mga doktor na tatanggalin na nila sa ospital si Alaina dahil iyon ang utos ng mga magulang mo. Na sasagutin nila ang medical bills pero kapalit niyon hindi na kami maaaring magpakita pa sa inyo kahit kailan. Na ikaw daw ang may gusto niyon! Alam mo ba kung gaano kami nagmukhang kawawa nang ipa-deport kami ng mga magulang mo pabalik ng pilipinas? Kung gaano katagal na walang malay si Alaina sa isang ospital sa maynila bago siya nagising? Kung ano ang naramdaman ko sa naging kapalaran ng anak ko dahil sa iyo?"

Nabitawan ni Randall si Alaina at pakiramdam niya gumalaw ang kinatatayuan niya. Parang siyang sinipa sa sikmura. Bigla niyang naalala ang sinabi ng mama niya bago ito magkulong sa hotel suite nito. We did something cruel... I'm sorry... Kung ganoon iyon ang ginawa ng mga magulang niya. Sila ang dahilan kung bakit biglang nawala sa buhay niya si Alaina. They didn't even care that she's still in the brim of death.

"I didn't know about that," garalgal na bulalas ni Randall. "I never even think of abandoning her!"

Halatang nagulat ang papa ni Alaina sa sinabi niya. Bago pa makapagsalita uli si Randall ay nakuha na ang atensiyon nila nang liwanag at tunog ng papalapit na sasakyan. Agad niyang nakilala ang limousine na gamit niya mula nang magpunta siya sa Pilipinas. Tumiim ang mga bagang niya at nakaramdam ng pagrerebelde nang huminto ang sasakyan at bumaba sa driver's seat si Salem upang umikot at buksan naman ang backdoor ng sasakyan.

"Master Randall, your mother insisted on following you when your father arrived just now," sabi ni Salem.

Bumaba sa sasakyan ang mama niya na namumutla at bakas ang guilt sa mukha. Sumunod na bumaba ang kaniyang ama na three-piece suit pa ang suot at halatang kadarating lamang. Hindi katulad ng mama niya ay walang ekspresyon sa mukha ni Abel Qasim. Katulad ng dati.

Pagak na tumawa ang papa ni Alaina at tuluyang lumapit sa kanila. Hinawakan nito sa braso ang babae. "Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niyong pamilya dito pero puwede bang umalis na lang kayo? Alaina, halika rito." Hinatak nito ang dalaga at awtomatikong napahawak si Randall sa kabilang braso nito. Galit siyang tinapunan ng tingin ni Chef Argel. "Bitawan mo ang anak ko. Even if it's true that they lied to me when they said you don't want anything to do with my bedridden daughter before, the fact remains that they threw us out of the hospital without mercy!"

Bantulot na nabitawan niya si Alaina. Kumuyom ang mga kamao ni Randall at parang nais sumigaw sa labis na frustration at pagrerebelde subalit pinigilan niya ang sarili. Bumaling siya sa mga magulang niya at pilit kinontrol ang facial expression na katulad ng ginagawa ng ama pero sigurado si Randall na hindi siya nagtagumpay. "Why did you do it?" pasumbat na tanong niya.

Himbis na sagutin siya ay bumaling ang mga magulang ni Randall kay Chef Argel. Bumikig sa lalamunan niya ang sama ng loob na muntik na niyang ibulalas nang sa unang pagkakataon ay nakita niyang lumambot ang ekspresyon sa mukha ng kaniyang ama at mapagkumbabang yumukod sa ama ni Alaina. "I know it's too late and I know this might not wash away your anger, but I apologize for what we did in the past. Everything we did and everything we still do is all for the good of our only son. At least, we believe it's for his own good."

"And you didn't care if someone else's child suffer? My daughter nearly died because of your son! She even suffers from selective amnesia. You rich people are really selfish!"

"Papa," saway ni Alaina kay Chef Argel pero hindi nito pinansin ang anak.

"We are truly sorry," iyak na ng mama ni Randall. Sa kabila ng pagrerebelde at sama ng loob niya sa mga magulang niya sa ginawa ng mga ito kay Alaina noon, hindi niya naiwasan ang pagsikip din ng dibdib para sa kaniyang ina. "Hindi kasalanan ni Randall ang lahat. Hindi rin kasalanan ng asawa ko. I was the one... who told my husband to do what we did back then." Tumingin sa kaniya ang mama niya. "I was angry that you got kidnapped because you went to her without a bodyguard other than Salem. You were our only child, Randall. It took us years before I was able to get pregnant. I treasure and love you the way I can kahit na bihira tayo magkita dahil sa responsibilidad ko bilang asawa ng papa mo. I was angry and afraid for your safety then that I ended up blaming her for everything that happened. I know I was mean and cruel. I'm sorry." Pagkatapos ay bumaling din ang kaniyang ina kay Alaina at muling humingi ng tawad.

"No, I will take responsibility because I agreed with you, Reira," sabi naman ni Abel Qasim. Bumaling ang ama niya sa kaniya. "If you still want to cut your ties with us because of this, then I will not stop you, Randall."

REMEMBER YESTERDAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon