Part 19

9.8K 273 5
                                        

MARAMI ang nagsalo sa almusal kinabukasan. Ang alam ni Randall ay plano ng mga magulang niyang sumabay ng alis sa mga natirang bisita. Kaya nang ipatawag siya ng kaniyang ama upang makapag-usap sila sa library matapos ang almusal ay akala niya magbibilin na lamang ito ng mga kailangan niyang trabahuhin. Subalit nang magtungo siya sa library nakita niyang bukod sa mga magulang niya ay naroon din si Diana Medici, ang babaeng kinailangan niya pakitaan ng mabuti kagabi kahit labag sa loob niya dahil utos ng papa niya.

Nakita pa lamang ni Randall ang pagsilay ng ngiti at kislap sa mga mata ni Diana ay nasiguro na niyang hindi niya magugustuhan ang sasabihin ng mga magulang niya. Subalit kahit ganoon ay pinanatili niyang walang emosyon ang mukha niya. Sa nakaraang isang buwan, sa harap lamang ni Alaina niya hinuhubad ang maskarang palagi niyang suot sa harap ng iba.

Alaina...How he misses her kahit pa magkasama lang sila kagabi. Ang nararamdaman niya para sa dalaga ay mas matindi pa sa nadama niya noon sa unang babaeng minahal niya. May kakayahan si Alaina na palabasin ang lahat ng positibong emosyon niya. She can make him smile the way no one else can. Sa babae niya nasasabi ang mga bagay na wala siyang pinagsabihan buong buhay niya. She became his bestfriend and lover in one. Kaya nais niyang protektahan si Alaina laban sa lupit ng mundong kinabibilangan niya. Lalo na laban sa mga magulang niya na alam niyang hindi matatanggap ng ganoon kadali ang relasyon nila ng babae.

"Randall, we have something to tell you," putol ni Abel Qasim sa isipin niya.

"What is it, papa?" tanong niya sa pormal na tinig na palagi niyang ginagamit sa harap ng mga magulang niya.

Ngumiti naman si Reira Qasim at tiningnan si Diana. "Diana seems to enjoy this place. That's why she decided to stay here for a week. It will be her last vacation before school starts again. Your father and I cannot stay so we want you to entertain her okay? Get to know each other and all that," makahulugang sabi ng kaniyang ina.

Tumiim ang mga bagang ni Randall. His parents are trying to matchmake them. Alam niya kung bakit. Ang mga Medici ang pinakamayaman sa mga potential business partners ng mga Qasim sa Europa. Sa social circle nila, mga bata pa lamang ang mga anak ay pinagpapareha na. Alam ni Randall na darating ang panahon na ganoon din ang gagawin ng mga magulang niya sa kaniya. Noon ay wala iyong anuman sa kaniya dahil kung para sa negosyo ay handa siyang gawin ang kahit ano.

Pero iyon ay noong hindi pa niya nakikilala si Alaina. Noong hindi pa niya nararanasan kung gaano kasarap sa pakiramdam ang magmahal at mahalin din ng taong espesyal sa kaniya. Kumuyom ang mga kamay ni Randall. "I have too much work to do before my vacation ends to accompany someone. I apologize," tanggi niya. Nakita niyang nawala ang ngiti sa mukha ni Diana subalit wala siyang pakielam. Mas inaalala niya ang magiging epekto kay Alaina kapag nakita siya nitong nag-e-entertain ng ibang babae habang sila ay hindi makakuha ng pagkakataong makapag-usap man lang.

Bakas ang pagkagulat sa mukha ng kaniyang ina habang ang ama naman niya ay dumilim ang anyo. Palibhasa palaging oo ang sagot ni Randall sa kahit anong sabihin ng mga magulang niya noon. "Is that all you need from me?"

Nagngalit ang mga bagang ni Abel Qasim. "We are not yet done talking."

Tumayo ang mama niya at nakangiting bumaling kay Diana. "Why don't we leave them for now, Lady Diana? I will tour you around the house myself."

Bantulot na tumayo rin ang babae. Sumulyap ito sa kaniya subalit hindi pinansin ni Randall ang babae. Pagkasarang pagkasara ng pinto ay galit na tumayo ang kaniyang ama. "What do you think you were thinking, rejecting her like that? She's your prospective fiancée!"

Tumiim ang mga bagang ni Randall. "I can guess as much. But I don't want a fiancée."

"You know you will have one and you will not defy me. You will treat Lady Diana well. Do you hear me?" galit na bulalas ng kaniyang ama.

Bumuntong hininga si Randall at sa unang pagkakataon sa loob ng ilang taon ay ipinakita niya sa kaniyang ama ang tunay niyang nararamdaman. "Papa, I have someone else I like."

Natigilan si Abel Qasim at naningkit ang mga matang pinakatitigan siya. "Who?" mapanganib na tanong nito.

Nang mga sandaling iyon ay nasiguro ni Randall na hindi pa niya maaaring banggitin ang pangalan ni Alaina. Dahil kilala niya ang kaniyang ama at sigurado siyang hindi makakabuti sa babae kapag nalaman ng papa niya ang tungkol sa kanilang dalawa. Malamang maging ang ama ni Alaina ay madadamay. Kaya pinalis niya ang emosyon sa kaniyang mukha at sinalubong ang tingin ng papa niya. "I will introduce her to you when the time is right," paiwas na sagot na lamang niya.

"You don't have to. The fact that you can't tell me about her now only means that I will not like her," aroganteng sagot ni Abel Qasim.

Nakaramdam ng pagrerebelde si Randall dahil hinuhusgahan na agad nito si Alaina kahit hindi pa nito nakikilala ang babae. "She has a wonderful personality and she makes me happy," tiim ang mga bagang na sagot niya.

"You know those traits are not what we are looking for. Diana has everything you need for a wife. She's beautiful, smart and filthy rich. There are a lot of families who wants her but she chose you. Be grateful and entertain her while she's here. And I will not let you defy me," maawtoridad na utos ni Abel Qasim.

"And what if I don't follow you this time?" tanong ni Randall.

Naningkit ang mga mata ng ama niya. "Then I will find whoever that girl you are interested in. And you know I can do anything, son."

Nakuyom ni Randall ang mga kamao at wala nang nasabi pa. He hates that fact that he's still this powerless over his father. "All I will do is to accompany her while she's here. But I will never agree to be her fiancée," gigil na sabi niya.

"I will make you agree, Randall. I always do," confident na sagot ng kaniyang ama.

Tumiim lamang ang mga bagang niya at hindi na lang sumagot. Pagkatapos ay tumalikod na siya at lumabas ng library. Agad na sumunod si Salem at Abdul sa kaniya. Mabigat ang mga yabag niya at himbis na dumeretso sa kaniyang silid ay tila may kusang isip ang mga paa niyang naglakad patungo sa staircase. He suddenly had a strong urge to see Alaina. Kahit sandali lang. Kahit hindi sila makapag-usap basta makita lang niya ang mukha nito.

Nasa staircase na sila nang matigilan si Randall dahil sa nahagip ng tingin niyang bulto sa may swimming pool na kita sa glass wall. Agad na napalis ang bigat ng dibdib niya nang mapagtanto na si Alaina ang nakikita niya. Nakatayo lamang ang babae sa gilid ng pool at tila malalim ang iniisip. Napahakbang si Randall palapit sa glass wall upang lalong makita ang mukha ni Alaina. Mukhang naramdaman naman ng babae na nakatingin siya rito dahil bigla itong tumingala. Nagtama ang kanilang mga paningin. Warmth enveloped his whole being when she smiled at him. Gaganti na sana ng ngiti si Randall nang makarinig siya ng ingay mula sa ikalawang palapag na palapit sa staircase.

"Randall." Napalingon siya sa tinig na iyon ni Diana. Mag-isa na lamang ang babae at nakangiting lumapit sa kaniya. Na-tense si Randall nang bigla itong kumapit sa braso niya at idinikit ang katawan sa tagiliran niya. "Your parents are looking for you. They are about to go already and they want to see us," malambing na sabi ni Diana. Subalit walang epekto kay Randall ang babae. Kung hindi lamang sa naging pag-uusap nilang mag-ama ay malabong i-tolerate niya ang paglapit sa kaniya ni Diana. "Let's go," usal pa ng babae at hinatak na siya paakyat sa ikalawang palapag.

Muli siyang sumulyap sa pool area para tingnankung naroon pa si Alaina. Nadismaya siya nang makitang wala na roon ang babae. Tumiimna lang ang mga panga ni Randall at nagpahatak na lamang kay Diana.

REMEMBER YESTERDAYWhere stories live. Discover now