Abaddon School Part 1.14

165 36 0
                                    

Chapter Fourteen

THIRD PERSON'S POV:

Sa labas ng ekswelahan ng Abaddon School, pinapanood sila ng mga tao kung paano sila makakaligtas at makakatakas kay kamatayan.

Maraming tao ang nagulat dahil sa larong kanilang sinasaksihan. Nagulat na lang sila bigla na may lumabas na malaking tv screen sa isang commercial building at doon nila pinapanood ngayon ang mga estudyante na gustong makaligtas sa laro ng kamatayan.

Ang mga magulang ng mga estudyante at mga kamag-anak ng mga faculty member sa school na n'yon ay pawang mga umiiyak.

Ilang beses na nilang tinangkang pumasok sa school, pero ni isa sa kanila ay hindi makapasok parang may kung anong invisible na gate ang pumipigil sa kanila.

Sa labas ng gate ng Abaddon School naroroon ang mga pulis, swat, mga doctor & nurse, mga agent para tulungan ang mga estudyanteng buhay pa kung may makakalabas man sa school na yon.

Habang abala ang mga tao sa pinapanood nila,may isang estrangherong lalaki ang kanina pang nanonood sa lahat ng nangyayari.

"Nagsimula na ulit ang kanilang laro...ang larong sumira sa buhay ko. Ang larong napaka-demonyo. Hindi lahat sa kanila ay mabubuhay...mamamatay silang lahat sa larong niyan. Tignan natin Lincoln kung hanggang saan ang kaya mo para mailigtas ang mga kaibigan mo." Titig na titig ang kanyang kulay itim niyang mata sa monitor habang naka-smirk na nakatingin kay lincoln.

Sa sinabi niyang 'yan, umalis siya na nakayuko. At paulit-ulit na sinasabing "mamamatay kayong lahat kagaya ng nangyari sa amin..."

* * * * *

Sa kabilang banda, nagsimula na ang pang-apat na laro. Larong kamatayan ang hatid sa kanilang lahat.

Nang makarating sa auditorium ng school, nakita nila ang pagbabago ng kanilang auditorium. Nagkaroon ng mga puno at mga sanga sa loob ng auditorium. Nagmukha itong gubat.

Biglang may umalingawngaw na namang tunog, ngayon ang tunog ay mga huni ng mga tigreng gustong lumapa.

"STUDENTS OF ABADDON SCHOOL. OUR 4TH GAME WILL BE START NOW!! OUR GAME WILL BE NAMED AS 'TRUTH OR FALSE'. SIMPLE AS THAT. SO PLEASE TAKE FORWARD TO THAT CIRCLE. EVERYONE HAS OWN CIRCLE. SO, GOODLUCK!"

Sa sinabi ng kung sino man ang nasa speaker, biglang umilaw ang sahig at nakita nila ang doseng mga bilog.

Nagkanya-kanya silang apak sa mga bilog. Ang kanilang arrangement ay

LINCOLN - DEBRA - FAYE - FAYCE - IVAN - REY - RIA - GINO - DUSTIN - JOAQUI - ROSWELL - DAVE.

Sa pag-apak nila biglang gumalaw ang sahig at bumuka sa dalawa ito.

Lumitaw ang isang lalaki na may hawak na malaking karit sa kanang kamay niya, ang kanyang mga mata ay kulay dugo, natatakpan ng malaking sumbrero ang kanyang noo, at ang kanyang itsura ay sobrang dilim, ang labi niya ay naka-tahi para siyang harvester.

Nagkatingin ang mga natitirang estudyante, hindi nila alam kung anong gagawin sa kanila ng harvester na mukhang siya ang in charge sa ika-apat na laro.

Isang malamig na boses ang kanilang narinig.

"KAYO AY MAGLALARO NG TRUTH OR FALSE, MADALI LANG NAMAN DIBA? KAILANGAN NIYO LANG MAGING TOTOO SA SARILI NIYO. PAANO KO MALALAMAN NA NAGSISINUNGALING KAYO SA AKIN, SIMPLENG KAPAG NAGING PULA ANG BILOG NA INAAPAKAN NIYO, MAHUHULOG KAYO SA KINALALAGYAN NIYO. AT, KAPAG NAGSASABI KA NG TOTOO KULAY BUGHAW ANG IILAW SA BILOG NA NIYAN. KAYA TARA'T MAGSIMULA NA TAYO... MALIGAYANG PAGDATING SA KAMATAYAN NIYO!"

Abaddon School (Part 1&2) Where stories live. Discover now