Abaddon School 2.12

127 9 0
                                    

Chapter Twelve: Collar

LINCOLN'S POV

Nandito na kaming lahat sa taas ng Parola tower, hinihintay na lang namin dumating sina Rey, Gino at Spencer. Sana nga lang hindi pa sila nakakalayo.

"Ahm- guys, magluluto muna ako. May pagkain ba kayo rito?" Rinig kong tanong ni Debra kay Maddie.

"Oo, Debra. Tara luto na lang tayo. Wala naman tayo gagawin dito."

Sabay sila tumayo at nakita kong pumasok sila sa isang pinto, baka kusina 'yon.

"Lincoln, nakikita mo na ba sila mula rito?" Napalingon ako kay Fayce.

Nasa veranda ako ng parola tower na 'to, tinitignan kung dumadating na sila Rey.

"Wala pa," lumingon ulit ako sa harapan ko, "Wala rin akong nakikitang kahina-hinala at mga ibang kaklase natin."

"Sige, sabihan mo lang kami kapag nakita mo na sila."

Tumango ako sa kanya.

Katulong nina Adessa at Jupiter si Ivan. Sa amin magbabarkada, maraming alam sa computer ni Ivan 'yon nga lang wala kaming nakuha laptop sa mga bag namin. Si Ivan ang matalino sa amin. Genius ika nga. Hindi nga namin alam bakit nakakasama namin nina Rey at Fayce n'yang si Ivan sa detention noon. Iyon pala nababagot sa klase dahil sa talino. shete.

Nakikita ko sa pwesto ko sina Adessa, Jupiter at Ivan na walang tigil na nagtatype sa laptop para matagal 'tong gag*ng collar na ito. Si Ms. Niña naman ay nakaupo lamang sa isang mahabang silya na gawa sa bakal habang si Fayce ay nasa likod ng tatlo at nakikiuso sa mga ito.

Sina Debra at Maddie naman ay kusina at nagluluto. Sa amin magbabarkada sina Debra, Faye at Ivan ang masarap magluto. Kapag sila ang nagluto paniguradong taob ang rice cooker. Mag-uunahan pa kami sa pagsandok para hindi kami maubusan. Namimiss ko tuloy si Faye. Namimiss ko tuloy 'yong kaartehan at pagiging pikon niya.

Kaya ito, ginagawa namin ito para sa kanya. Papatayin namin ang mastermind. Hindi lang para kay Faye kung hindi sa lahat ng estudyanteng pinahamak at pinatay niya.

Lumingon ulit ako sa islang ito, hindi ko alam kung nasa'n kami. Mukhang nasa tagong isla kami kung sa'n walang nakakaalam.

"Lincoln, wala pa rin ba sila?" Lumingon ulit ako kay Fayce na panay tanong kung dumadating na ba sila Spencer.

"Wala pa. Wala pa akong naki-- Nandyan na sila!" Sigaw ko sa kanilang lahat.

Pagkalingon ko ulit sa veranda ng parola tower, nakita ko na sina Spencer, Rey at Gino na tumatakbo habang kumakaway.

"Nandyan na sila, Fayce. Nakarating na sina Spencer, Rey at Gino."

Dali-daling lumapit sa akin si Fayce at nakita niya ang tatlong ugok na kumakaway sa amin.

"Pagbuksan n'yo na kami!" Sumisigaw nilang sabi.

"Ayaw namin. Bahala kayo d'yan!" Sigaw na sagot ni Fayce.

G*go, lolokohin pa ni Fayce ang tatlong 'yon.

Nakatanggap kami ni Fayce ng middle finger kina Rey at Gino. Kaya napahalakhak kami.

"Mamaya na kayo pumasok. Kakain muna kami!" Sigaw ulit ni Fayce.

"Tngina mo, Fayce! Nagugutom na rin kami. Papasukin  n'yo na kami para makakain na rin kami!" Sumisigaw na sabi ni Rey sa amin.

Abaddon School (Part 1&2) Where stories live. Discover now