3.1

187 10 5
                                    

AS: The Last Fight (3)

Chapter 1

"Oh-My-Gee! I'm so excited! First time kong kasama kayo sa outing na 'to! Right, bessy!" Maarteng sabi ni Maddie kay Debra. Sabay pa silang tumili. Mga babae talaga.

Buti na lang talaga nasa likod kami ni Gino ng adventure type na minamaneho ngayon ni Rey at nasa passenger seat si Fayce.

Akala ko nga kasama iyong ka-fling niya ngayon.

Kasama namin sa likod ang mga pagkain para sa three days outing namin. Okay na iyong na sa likod kami ni Gino kaysa katabi ang maarteng si Maddie na iyon.

Pinasak ko ang aking airpods. Sumandal sa bintana at patulog na sana ako ng may kumalabit sa akin.

"Ilang oras byahe?" Tinignan ko siya ng masama. Patulog na sana ako, e.

Hinayupak.

"Almost nine hours ang byahe tas dadaan pa tayo sa liblib na lugar na aabutin tayong two to three hours." Sabi ko sa kanya.

Para siyang binagsakan ng lupa dahil sa sinabi ko.

"Ang tagal pala ng byahe natin. Nakakainip nu'n." Matagal talaga.

Kaya nga madaling araw kami umalis para wala pang gaanong sasakyan at 'di gaanong traffic.

Nang wala ng siyang sasabihin, natulog na ako. Inaantok pa talaga ako.

"Linlin, wake up! Kakain muna tayo."

"Uhhmmm..." May tumapik sa aking kanang pisngi pero 'di ko pinansin at bumaling sa kabilang side.

"Lincoln, gising!"

May kumakalabit naman ngayon sa akin, "Uhmmm..." Tinapik ko ang kamay na kumakalabit sa akin kung sino man niyon.

Alam nilang inaantok pa ako, e. Langya. Magpatulog naman sila.

"Pusanggala!" Napabalikwas ako ng gising ng may malakas na sumampal sa kanang pisngi ko.

Napahawak ako sa pisngi ko na umiinit at kumapal dahil sa sampal.

Binalingan ko si Gino na ngayo'y ngumingisi sa akin.

"Bakit ka nanampal! Alam mong natutulog iyong tao!" Umiling siya sa akin.

"Si Maddie,"

Binalingan ko si Maddie at masama ko siyang tinignan.

"Ayan! Edi, gumising ka rin! Kanina ka pa nila ginigising, e. So, tinulungan ko sila." Parang wala lang sa kanya na sinampal niya ako.

Kaya naman pala hiniwalayan ito ni Rey, sadista.

Hindi ako kumibo pero sa loob-loob ko, tinotorture ko na siya. Bumalik siya sa pagkakaupo niya.

"Sorry, Lin. Kanina ka pa namin ginigising, e. Hihinto kasi tayo sa isa sa mga fastfood na madadaanan ni Rey." Malambing na sabi ni Debra.

Tumango na lang ako rito. Nawala antok ko.

"Bakit kasi 'di mo ko ginising?" Naaasar na sabi ko kay Gino.

"Gago. Kanina pa kita ginigising, walang effect. Malay ko bang sasampalin ka ng amazona-ng iyon." Mahinang sabi niya sa huling word.

Umiling na lang ako rito.

Kaya pala naghiwalay silang dalawa. Amazona plus sadista equals 'di talaga ako tatagal sa relasyon kapag si Maddie.

"Nasa'n na ba tayo, Gino?" He's shrugged.

"'Di ko rin alam, Lin. Tulog din ako kanina at ginising lang ako nila Debra. Ayon nga lang maling gising sayo." Sabay tawa niya.

Tawa lang.

Abaddon School (Part 1&2) Where stories live. Discover now