Abaddon School 2.11

146 9 0
                                    

Chapter Eleven: Parola Tower

THIRD PERSON'S POV

Naglalakad sa kakahuyan sina Debra, Ivan, Lincoln at Fayce.

"Guys, kumusta na kaya ang iba nating classmate? Apat na ang napapatay natin." Mahinang tanong ni Debra habang nakakapit sa kanang braso ni Ivan.

"Hindi natin kasalanan iyon, Debra. Niligtas lang natin ang mga sarili natin. Kung nasa'n man ang iba natin kaklase sana nakatago sila ngayon na mabuti." Tugon ni Fayce habang tinatahak ang magubat na kakahuyan.

Hindi nila alam kung sa'n sila maghahanap. Para silang naghahanap ng karayom sa dayami.

Tumigil sila sa kanilang paglalakad ng may marinig na malakas na pagsabog.

"A-ano 'yon?" Nauutal na tanong ni Debra.

"Pagsabog. Malapit lang pagsabog base sa ingay nito." Agad na tumakbo si Fayce kung saan niya naririnig ang pagsabog. Agad na sinundan ng tatlo ang binata.

"Fayce, t-teka lang!" Hinihingal na sabi ni Lincoln.

Tumatakbo ang tatlo papunta sa Parola tower na malapit sa dagat.

Biglang huminto si Fayce kaya maski sina Ivan, Debra at Lincoln ay huminto.

Nakita nila ang isang Parola tower.

"P-parola tower?" Agad na sabi ni Debra.

"Tago!" Sigaw na sabi ni Fayce ng makita si Arwen Lim - ang vice president ng section nila.

Agad na hinila ni Ivan si Debra sa isang puno at doon nagtago habang sina Fayce at Lincoln ay nasa isang puno rin na katabi ng puno nila Ivan.

"Si Vice Arwen 'yon," sabi ng dalaga kay Ivan.

"Pusanggala! Ano na naman kaepalan na ginagawa nitong si Arwen? Hindi na lang magtago!" Naiinis na sabi ni Fayce habang nakasilip sa punong pinagtataguan nila.

"Sino ba kaaway at kakumpitensya no Arwen sa section natin?" Tanong ni Lincoln sa mga ito.

"Si Madd-"

Hindi natapos ni Debra ang sasabihin niya ng marinig nilang sumigaw ng malakas si Arwen.

"Hyop ka, Maddie! Lumabas ka d'yan sa loob ng Parola at harapin mo 'ko! Alam ko kasama mo sina Jupiter at Adessa! Lumabas ka d'yan! Ngayon mo 'ko pagtaasan at ipagyabang ang mga nakuha mong mga award sa akin! Papatayin kitang hyop ka!" Nanggagalaiting sigaw ni Arwen sa labas ng Parola.

Gulat na gulat sila sa narinig. Ang hinahanap nila ay nasa Parola tower lang pala.

"Nandyan sila..." mahinang sabi ni Debra.

"Kailangan natin sila tulungan."

Sa sinabi ni Ivan biglang kinuha ni Fayce ang dala niyang micro uzi at iaambang papupuntukan na si Arwen pero nagulat siya ng biglang bumulagta ito sa sahig.

"I-ivan..."

Nakita ni Fayce ang umuusok na nguso ng shotgun na hawak ni Ivan.

"Ang tagal niyo. Kaya ako na tumapos baka kasi hindi pa nakakalayo sina Spencer, Rey at Gino." Sabi ng binata na may dala-dalang shotgun sa kanan niyang kamay.

Dali-daling tumayo si Ivan habang hawak-hawak pa rin ang kamay ni Debra.

Tumakbo sila papunta sa Parola tower at nakita nila roon ang bangkay ni Arwen na may tama sa ulo. Headshot.

"Pusanggala ka, Ivan Headshot 'yong tama kay Arwen!" Sabi ni Fayce at malakas na hinampas si Ivan.

"Tsk." Inis na sabi ni Ivan habang hinihimas ang braso niya na hinampas ni Fayce.

Agad na sinindihan ni Lincoln ang mga fireworks at nagpapaputok ng tatlong beses.

"Jupiter! Adessa! Papasukin n'yo kami! Kailangan namin kayo makausap!" Paulit-ulit na sabi ni Debra habang kumakatok sa pinto ng parola.

Sumabay na rin sa pagkatok sina Faye at Ivan.

"Papasukin n'yo kami, kailangan namin kayo makausap!" Habang nakatingin si Ivan sa cctv na nasa labas ng Parola.

"Pinailaw ko na ang mga fireworks para makapunta na sila Rey dito." Agad na sabi ni Lincoln kina Fayce.

Sa kabilang banda, Nagtatalo sina Adessa at Jupiter kung papapasukin ba sila Fayce.

"Papasukin na natin sila. Alam kong makakatulong sila sa'tin!" Pagpupumilit ni Jupiter sa kanila.

"Trust me, guys! Alam niyo naman ang nangyari noon, sila lang ang mga nakaligtas kaya alam kong matutulungan nila tayo!" Dugtong ni Jupiter.

Sa sinabi ni Jupiter, lahat sila yumuko.

"Talaga bang mapagkakatiwalaan natin sila, Jupiter?" Paniniguradong tanong ni Adessa.

"Teka lang, Guys. Paano kung may gawin sila sa'tin? Gusto ko pa mabuhay at makauwi ng ligtas. Ayoko pa mamatay!" Nanginginig na sabi ni Maddie at yumakap ito kay Ms. Niña.

"Trust me, Guys. Hindi ko kayo ipapahamak. Kailangan natin sila."

Wala na sila nagawa kung hindi tumango at sumang-ayon kay Jupiter. Alam nila kung ano ang ginagawa ni Jupiter.

May pinindot si Adessa sa kanyang laptop at nagsalita ito, "Maaari na kayong pumasok."

Biglang nagbukas ang pintuan. Biglang pumasok ang apat sa loob. Pagkapasok ng apat, biglang nagsarado rin agad ang pinto.

Umakyat sina Fayce, Debra, Ivan at Lincoln papunta sa pinakataas ng Parola.

Pagkarating nila, nakita nila roon sina Adessa, Jupiter, Maddie at si Ms. Niña.

"Kailangan namin kayo." Bungad na sabi ni Ivan.

"Kailangan namin kayo para matanggal itong mga collar sa leeg natin." Dugtong ni Ivan.

Tumayo si Jupiter, "ginagawa na namin. May pakiusap kami sa inyo."

"Ano 'yon?" Sabat na sabi ni Fayce habang nakapamulsa sa magkabilang bulsa ng short niya.

"Kailangan namin kayo. Hindi namin kayang lumaban. Isa lamang kaming mga techy at nerd. Pero, mahina kaming mga tao." Sabi ni Jupiter at inayos ang salamin niya sa mata.

"Tutulungan namin kayo. Magtulungan tayo para makaligtas tayo rito sa islang ito," Sagot ni Fayce, "Basta matatanggal niyo 'tong mga collar sa leeg natin. Poprotektahan at magtutulungan tayo para makaalis sa islang ito." pagtatapos na sabi ni Fayce.

Sumang-ayon silang lahat sa sinabi ni Fayce.

"Magtulungan tayo."

- to be continued -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

Thank youuuuu!💕💋

A/N:

Ilang weeks wala akong update dito. Iyong utak ko nasa W-World at Anghel dela Guardia (Anghel series #2) - nasa draft ko pa. Ilang chapter na lang ito, masasara at malalaman na natin kung sino ang mastermind ng lahat.

Thank you po sa inyo sa pagtuloy na nagbabasa nito!♡😊

Abaddon School (Part 1&2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon