Abaddon School Part 1.16

193 31 2
                                    

Chapter Sixteenth:

THIRD PERSON'S POV


Matapos ang isang mahabang payahaw ni Dave.

Nagsalita ang harvester, "MAAARI NA KAYONG MAKALABAS SA LUGAR NA ITO!"

Pero, ni-isa sa kanila ay walang gumagalaw o humahakbang man lang.

"Tara na! Wala na tayong magagawa kung iiyak lang tayo rito." sabay alis ni Fayce na parang walang nangyari.

Kahit namamaga pa ang kanilang mga mata dahil sa pag-iyak, sumunod na rin sila kay Fayce.

Nakita nila ang auditorium na puno ng mga dugo... dugong galing kay Dave.

Napatingin si Lincoln sa harvester at nakita niya itong nakangisi sa kanila habang may dugo sa labi.

Nang makalabas sila sa auditorium. Biglang naglaho ang silid na kaninang pinaglalagyan nilang lahat.

"B-bakit naglaho ang auditorium? A-anong nangyari?" Naguguluhang tanong ni Faye sa lahat.

Maski silang lahat ay nagulat. Wala ni-isa sa kanila ang may alam ng kasagutan.

Hindi na nila pinansin iyon at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

"Ano na next natin? Bakit hindi nag-announce kung sino man ang nasa likod ng tv screen?" Tanong ni Dustin sa barkada.

Bigla silang napatigil sa sinabi ni Dustin. Wala ngang announcement na nanalo sila sa ika-apat na laro.

"Ibigsabihin..."

Pinutol ni Ivan ang sasabihin ni Joaqui "Hindi pa tapos ang ika-apat na laro natin o hindi kaya simula na ang ika-limang laro." sa sinabi ni Ivan n'yon, lahat sila nataranta.

"Ika-limang laro? Ano naman kaya ang lalaruin natin?" Takang tanong ni Debra.

Walang nakasagot sa tanong ni Debra. Lahat sila ay clueless kung ano ang magiging laro sa 5th game.

Nang makarating sila sa quadrangle. Isang pick-a-boo na tunog ang kanilang narinig.

"A-ano n'yon?" Kinakabahang sabi ni Faye at kumapit na lamang siya sa braso ng kanyang kakambal.

"Pick-a-boo ang pinapahayag ng kanta? So, ang laro ay..."

"Tagu-taguan." walang buhay na dugtong ni Gino sa sasabihin ni Rowell.

Nagdikit-dikit silang sampu. Hindi nila alam kung ano ang susunod na mangyayari sa kanilang lahat.

May malaking tv screen ang lumitaw sa kanilang harapan. Kagaya ng dati naroon ang pasimuno ng laro na may clown face mask na may bahid pang dugo.

"MALIGAYANG PAGDATI SA ATING HULING LARO, MAG-AARAL NG ABADDON SCHOOL. ANG ATING HULING LARO AY...HIDE AND SEEK O MAS KILALANG TAGU-TAGUAN. MADALI LANG NAMAN DIBA?" Sabi ng nasa tv screen. "PERO, BAGO NIYAN MAG-RECAP MUNA TAYO. UNANG LARO: TINATAWAG NA LET'S PLAY FREEZE WITH DOMOKUN. ISANG CLASSROOM = ISANG ESTUDYANTE ANG MABUBUHAY.
IKALAWA: BRING THE BELL TO CAT . HALOS 15 KAYONG NABUHAY.
IKATLO: LET'S PLAY PATINTERO. SO, SAD DALAWA SA INYO ANG NAMATAY. RYAN AND AMCHEL IS OUT.
AND TO OUR GAME WITH TEMPTER, GOODBYE JINKY.
IKA-APAT: LET'S PLAY TRUTH OR FALSE. GOODBYE SA WORLD RIA AND DAVE.
AND, OUR 5TH GAME? SINO SA INYO ANG SUSUNOD SA KANILA? GOOD LUCK PLAYER!"

FAYCE'S POV:

"PERO, BAGO NIYAN MAG-RECAP MUNA TAYO.
UNANG LARO: TINATAWAG NA LET'S PLAY FREEZE WITH DOMOKUN. ISANG CLASSROOM = ISANG ESTUDYANTE ANG MABUBUHAY.
IKALAWA: BRING THE BELL TO CAT . HALOS 15 KAYONG NABUHAY.
IKATLO: LET'S PLAY PATINTERO. SO, SAD DALAWA SA INYO ANG NAMATAY. REY AND AMCHEL IS OUT.
AND TO OUR GAME WITH TEMPTER, GOODBYE JINKY.
IKA-APAT: LET'S PLAY TRUTH OR FALSE. GOODBYE SA WORLD RIA AND DAVE.
AND, OUR 5TH GAME? SINO SA INYO ANG SUSUNOD SA KANILA? GOOD LUCK PLAYER!"

Abaddon School (Part 1&2) Where stories live. Discover now