Abaddon School Part 1.18

180 23 0
                                    

Chapter Eighteenth

REY'S POV:

T*ragis! Naghahanap kami sa clubroom na 'to kung anong pwedeng pangdepensa. Pero, kapag minamalas ka nga naman nasa drama club kami.

"P*tcha! May nakita kayo?" Tanong ni Lincoln sa amin. Bakas sa mukha niya ang pagiging frustrated.

"Wala rin! Pambihira naman, sa lahat ng pwedeng mapasukang club room, dito pa tayo napunta!" Sabay sipa ko sa upuan. T*ragis! T*ragis!

Inaalala ko rin si Faye, sana ligtas sila ni Fayce.

"Guys... 'yung pintuan..." nanginginig na sabi ni Debra sa amin. Lumapit siya sa amin.

"MAHUHULI KO NA KAYO! MAMAMATAY NA KAYO!" pakantang sabi niya habang pilit na binubuksan ang pinto.

"Tngina! Ano na gagawin natin, guys? Hindi dapat tayo ma-trap dito!" sumisigaw na si Lincoln.

T*ragis 'to! Kung nasa mabuting kalagayan kami, pinagtawanan ko na'to!

Tumingin kami kay Ivan na ngayon ay mukhang nag-iisip na. T*ragis ka, Bilisan mo mag-isip!

"Alam ko na!" Tumingin siya sa amin "Debra, magtago ka na, kung saan makakalabas ka ng kwartong ito. Rey and Lincoln, linlangin natin siya. Sa ganoong paraan makakalabas tayo rito ng ligtas." tuloy ni Ivan.

Sa sinabi ni Ivan, pumuwesto na si Debra sa ilalim ng mesa medyo malapit n'yon sa pintuan para makalabas agad siya. Hindi naman agad siya kita incase na lumapit siya roon.

Kumuha kami ng mga pamalo na nakita namin dito sa drama club. Mukhang mga props ang mga 'to.

Nakapwesto na kami. Hinihintay na lang namin ang pagpasok niya. T*ragis! Kinakabahan ako.

Nakahanda na kami ng biglang bumukas ang pinto. Ito na siya.

Bumungad sa amin ang mukha niya. Mukhang gustong pumatay para mabuhay.

"WALA NA KAYONG TAKAS SA AKIN! SUSUNOD NA RIN KAYO KINA DUSTIN AT ROWELL! HAHAHA!" Sabi niya sa amin ng makapasok siya sa loob.

"ALAM N'YO BA? ANG TANGA-TANGA NI DUSTIN! ANG BOBO NG HAYOP NA N'YON! UMIYAK LANG AKO SA HARAPAN NIYA, NANIWALA NA! HAHAHAHA! NAAALALA KO PA N'YONG SINABI KO SA KANYA KANINA EH 'DUSTIN, AYOKONG MAMAMATAY! NAGHIHINTAY PA ANG MGA MAGULANG KO SA AKIN. MAGTULUNGAN TAYO DUSTIN.' TNGINA! HINDI KO ALAM SI KUPAL NANIWALA SA ACTING KO! UNANG SABI KO, IHUHULI KO SI DUSTIN NA PATAYIN, PERO NUNG MAKITA KO N'YONG ARAW NA MAY ILANG ORAS NA LANG AKO, AYUN, PINATAY KO NA RIN SIYA. NATATAWA TALAGA AKO SA MUKHA NIYA EH, HINDI MAKAPANIWALANG AKO N'YONG PREDATOR! SABI PA NIYA 'A-AKALA KO P-PREY KA? I-IKAW ANG UNANG T-TUMAKBO KANINA. A-AKALA KO SI G-GINO.' HINDI BA NIYA ALAM ANG SALITANG ACTING? AYUN, SI DUSTIN PATAY NA. TAMANG-TAMA SINUNOD KO NA RIN SI ROWELL..." unti-unting lumalapit siya sa amin. T*ragis! N'yong mukha niya ang layo sa nakilala naming Joaqui. Ibang Joaqui na ang kaharap namin.

"ANG ISUSUNOD KO DAPAT SI GINO EH, TNGINA! HINDI KO MAHANAP SI G*GO! LAKAS MAGTAGO! BUTI NA LANG NAKITA KO KAYO, TATLO? HAYS, APAT NA LANG PAPATAYIN KO!"

Abaddon School (Part 1&2) Where stories live. Discover now