Chapter 2

1.9K 160 21
                                    

Rhian's POV

A few months later..

"Hey babe!" Bati sakin ni Jason ng makarating ako sa restaurant kung saan kami magm.meeting ng fiancé, friends at wedding coordinator namin

"Kamusta? Nandito na ba sila?" Tanong ko sakanya as he led me to our table. Agad kong nakita sila Lovi at Max kaya naman mabilis akong lumapit sakanila para bumeso

"Hi girls! I missed you!"

"Awww namiss ka din namin Rhirhi! Ilang buwan din tayong hindi nagkita after nung--"  tinakpan naman agad ni Max ang bibig ni Lovi kaya hindi ko na narinig ang sinasabi niya

Umupo na ako sa tabi ni Jason at inintroduce niya ako sa wedding coordinator namin.

"Nar.. This is my fiancée Rhian, Rhian si Nar ang magiging wedding coordinator natin" pakilala samin ni Jason sa isa't isa

Nakipagshake hands naman ako kay Nar. Tingin ko ay magkakasundo din kami nito dahil mukhang bright din ang personality niya

"Pleasure to meet you miss Rhian. Totoo nga ang sinabi ng fiancé niyo. Napakaganda mo pala talaga" puri niya

"Sus wag kang masyadong nagpapadala sa mga pambobola niyan. Isa sa mga rason kung bakit siya naging isa sa mga pinakamagaling na business man ay dahil magaling siyang mambola ng mga tao" biro ko kaya naman nagtawanan silang lahat

Diniscuss namin isa isa ang mga gusto namin para sa kasal namin. Mostly si Jason ang nagdedecide para sa mga yun dahil siya ang mas nakakaalam ng mga bagay bagay. Umo. Oo lang naman ako sakanya dahil sa totoo lang wala din naman akong magagawa

Habang namimili pa sila ng venue para sa kasal namin ay pansamatantalang lumilipad ang isip ko papunta sa isang gabi na talaga namang pinaka naenjoy ko.

Yes, until now ay hindi ko pa din nakakalimutan ang gabing yun. Lasing man ako pero kayang kaya ko pang idetalye ang mga nangyari nun

Si Glaiza, yung kasal namin, yung yakap niya, at yung halik niya

Lahat yun naaalala ko pa kahit na 3 buwan na ang nakakaraan.

How I wish I can turn back time. Para makita ko siya ulit at mahawakan man lang

I shook my head in annoyance

Gosh!! Bakit ba ako nagkakaganito sa isang taong ilang oras ko lang naman nakilala?!!

"Miss Rhian? Are you with us?" Bigla akong nakarinig ng pitik sa may harapan ko kaya naman napabalik ako sa wisyo at nakita kong nakatingin na silang lahat sakin

"Babe are you okay?" Alalang tanong ni Jason

"Yeah! Yeah. What were you saying Nar?"

"Ahh ang sabi ko po kailangan niyo na pong asikasuhin ang ibang mga papeles ninyo before the wedding. Okay naman na yung iba bale ang kulang na lang ay yung 1x1 picture, nso birth certicate at ang certificate of no marriage niyo" paliwanag niya

"I can handle all of that madali--" sasagot sana si Jason but I cut him off

"No babe! Ako na! Kaya ko naman ng gawin yan. I know you're too busy din. Kayang kaya ko na to!"pagkumbinse ko sakanya kaya naman agad din niya akong pinayagan

At least man lang sa mga ganitong bagay ay may magawa ako na hindi nakaasa sakanya

----------

Wednesday afternoon, 3 days matapos ang wedding planning namin ay dumating na ang mga requirements na pinapaasikaso sakin ni Nar

Agad ko din naman itong binuksan, only to find out that

Marry Me StrangerWhere stories live. Discover now