Chapter 13

2.2K 141 24
                                    

Rhian's POV

Unti unting nagising ang diwa ko ng maramdaman ko ang isang mainit na hiningang umiihip sa pagitan ng kilay ko pababa hanggang sa may ilong ko.

I slowly opened my eyes, and there she was. Smiling so widely while she continue tracing my eyebrows

"Good morning wifey.." bati niya

I stretched both of my arms at pinalusot yun sa magkabilang gilid niya para mahatak siya palapit sakin. I nestled my face on the crook of her neck

"Good morning to you too hubby.." bati ko din sakanya

Naramdaman kong hinalikan niya ako sa ulo kaya naman inangat ko din ang ulo at nagpapacute na ngumuso din sakanya

She let out that cute giggle of hers na isa sa mga pinaka gusto kong naririnig and gave in to my request. Giving me a peck on the lips

"Kung ganian ka ng ganian, baka mas gugustuhin ko na lang na ikulong ka dito sa kwarto kesa sumama kila Ketchup na pumunta sa isang party sa bayan" maloko nitong sabi at pinitik pa ang noo ko

Bumangon na kami at dumiretso na muna ako sa banyo para maligo. Napansin ko kasi na mukhang ako na lang ang hinihintay nila at aalis na kami

Binilisan ko na ang pagaayos at paglabas ko ng bahay ay nakasakay na sila sa mga motor nila. As usual si Max nakaangkas siya kay Ketchup at ako, well kanino pa ba ako aangkas?

"Here you go wifey! Kailangan lagi nating sinesecure yang ulo mo para di ka na mauntog pa!" Natawa naman kaming lahat sa sinabi niya at ako hindi ko tuloy napigilang batukan siya. Ang dami kasing alam

Higit 1 oras din ang nilakbay namin papunta sa bayan kung saan may piyestang nagaganap. Binibida nila dito ang mga sumbrerong ginagamit ng mga tao dito sa tuwing nagsasaka sila

Dumiretso kami nila Glaiza sa isang restaurant na mukhang isang malaking barong barong. Agad kong natanaw si Nay Cora na kumakaway saamin kaya hinatak ko agad sila Glaiza papunta dun sa kanila

"Naku mga anak! Mabuti naman at nakarating kayo.." sabi ni nay Cora habang ginigiya kami sa upuan

"Naku nay muntik na nga pong hindi eh. Pano kasi tong dalawang to. Mukhang balak na lang ata magkulong sa kwarto" nguso naman samin ni Ketchup kaya binato tuloy siya ni Glaiza ng mani na nakahain sa lamesa

Muli kaming nagsasalo salo sa isang masaya at masaganang tanghalian kasama ang iba pang mga residente dito sa Sabtang. Wala ng kaming kyeme kyeme dito kahit na nagkakamay lang kami at halo halo na ang mga pagkaing nakahain sa dahon ng saging.

Itong katabi ko nga ay halos hindi na magkanda ugaga sa pagbabalat ng hipon at pagkain ng tahong at maya maya. Paminsan minsan ay siya pa nga ang nag babalat at naghihimay din nito para sakin.

Matapos nito ay nagpahinga muna kami saglit at nagpababa ng kinain. Nagkkwentuhan lang kaming apat ng maya maya pa ay may isang babaeng pumunta sa maliit na stage at kinuha ang mic

"Okay para naman magkaroon tayo ng kaunting pagkakalibangan dito, inaanyayahan kong pumunta sa gitna ang mga magkakasintahan at magasawa para sumali sa isang laro!!"

Bigla naman kaming hinawakan pareho ni Ketchup at Max kaya naman pareho kaming napunta sa gitna kasama ng iba pang mga mag partners. Akma sana akong aalis pero nakita kong ang talim ng tingin sakin ni Max at may hawak pa siyang bread knife kaya naman bumalik na lang ako sa tabi ni Glaiza tila nahihiya din

"Okay! Start na po tayo! Bagong bago laro nito natin!! Walang iba kundi ang PAPER DANCE!!! Whoooo!!" Sarkastikong sabi nung host kaya naman nagtawanan kami pati ang audience.

Marry Me StrangerWhere stories live. Discover now