Chapter 12

2.2K 154 20
                                    

Rhian's POV

Maaga pa lang ay gumising na ako para makapag prepare ng breakfast namin

Dahil karamihan nga ay puro seafoods ang nandito nagprepare na lang muna akong tuyo, tuna, dilis at mga seaweeds. Nanghingi din ako ng ilang prutas na nakatanim sa bakuran nila Nay Cora.Nagtimpla na din ako ng kape para kay Glaiza para kumpleto na.

Pagtapos kong ihanda lahat ay sarili ko naman ang inayos ko bago ako dumiretso sa kwarto nila Glaiza. Kakatok palang sana ako pero bigla naman na itong bumukas at bumungad sakin si Ketchup
"Good morning!" Bati ko dito pero nakatingin lang siya sakin na parang takang taka

"Uhh.. gising na ba si Glaiza?" Tanong ko. Pagtapos ay binuksan niya ang pinto para makita ko ito na nakadapa pa at tulog na tulog pa

"Ikaw na lang gumising sakanya. Ingat ka naninipa yan." Natatawa niyang paalala bago lumabas

Lumapit naman na ako sakanya at umupo sa may gilid.
Sandali kong pinagmasdan ang mapayapa niyang pagtulog. Nakaawang ng konti ang kanyang labi at nakalaylay pa ang paa at kamay sa sahig.

Para lang siyang batang paslit kung matulog. Sobrang cute

Dahan dahan kong dinala ang kamay ko papunta sa mukha niya. Unti unti kong tinatanggal yung mga nakaharang niyang buhok. Eto nanaman ako, parang nahihipnotismo ng malaanghel niyang mukha

I went a little closer to her. Ipinatong ko ang ulo ko kanang braso ko. Nakahiga ako ng konti para mas magkalapit kami

Dahan dahan itong nagmulat at ngumiti

"Nasa langit na ba ako?" Wala sa loob niyang sabi

Bahagya akong napatawa dahil halatang halatang nanaginip pa siya

"Parang ayoko ng gumising sa panaginip na to" sabi pa niya at ang pungay pungay pa ng mga mata niya

Sinusubukan kong kagatin ang dila ko para hindi ako tuluyang matawa sa reaksyon niya. Pero at the same time ay pinipigilan ko ding wag mamula sa sobrang kilig dahil sa sinasabi niya.

Akala ba niya talaga nananaginip lang siya na nandito ako sa harap niya?

Nakaisip ako ng isang kalokohan, kaya naman unti unti akong lumapit pa sakanya. Binigyan ko siya ng isang mabilis na halik sa ilong at saka ako bumalik sa pwesto ko

Akala ko ay nagising na ito ng tuluyan sa ginawa ko pero nagkamali pala ako

Muli itong pumikit at sinubsob ang sarili niya sa unan pagkatapos ay kinampay kampay ang paa sa hangin na parang kiti kiti

Hala! Sinasapian na ba tong babaeng to?

Unti unti na akong lumayo sakanya. Hinayaan ko na lang siya mangisay dian sa kama niya at sumimple na ng labas ng kwarto. Bahala na siya dian kung iisipin man niyang nanaginip man siya o hindi

Pumunta na ako sa dining area kung saan kumakain na sila Ketchup at Max.

"Oh kamusta? Nagising na ba yung pinsan ko?" Tanong ni Chup habang inuumpisahan ng lantakan yung ibang prutas na kinuha ko para kay Glai

"Ewan ko ba dun sa pinsan mo. Gising naman na siya pero mukhang nagd.daydream pa. Para siyang bulateng sinabuyan ng asin dun sa kwarto ngayon." Kibit balikat kong sagot at uminom na ng kape

Hindi rin nagtagal ay lumabas din si Glaiza. Mukhang nahimasmasan na siya at iba ang aura niya. Ngiting ngiti itong umupo sa may hapag. Her dreamy eyes is still there by the way

"Bakit ganian ka makatingin sakin?" Tanong ko sakanya dahil nakahalumbaba siya habang umiinom din ng kape

"Napakaganda kasi ng panaginip ko. Isang magandang anghel daw yung bumungad sakin" kwento niya at ako nagpapatay malisya lang

Marry Me StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon