Chapter 5

1.6K 139 12
                                    

Rhian's POV

"So how's the wedding prep going?" Tanong sa amin ng mama ni Jason

Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa bahay nila dahil huling gabi ito ni Jason bago nanaman siya tumulak sa Singapore for their family business

"Okay naman po Ma, we are currently working on our requirements na kailangan naming ipasa then after that magsisimula na kaming magpprepare talaga" sagot naman ni Jason

"Kailan nga ulit ang target date niyo?" Tanong naman ng papa niya

"Not anytime soon/ Next year po" sabay naming sagot ni Jason kaya naman napatingin ako bigla sakanya

"Babe I thought napagusapan na natin to? Diba sabi ko naman sayo may mga kailangan pa akong asikasuhin sa work?" I tried to protest pero ngumiti lang siya at hinawakan ang kamay ko

"Babe, our business is expanding soon in New York, and balak ko sana na dun na tayo mag settle down after our marriage. I'm pretty sure na makakahanap ka naman agad ng trabaho dun pag kinasal tayo eh, okay?" Paliwanag niya and as usual wala nanaman akong imik

Napasandal na lang ako sa upuan and I tried to calm myself

For 6 years ay wala akong ibang ginawa kundi i build up ang career ko bilang fashion designer. Marami na akong pinagdaanan at ilang rejections na din ang natanggap ko bago ako pinagkatiwalaan at kinakitaan ng potensyal ng mga boss ko at ngayon na binabalak nila na i promote ako at ang mga gawa ko ay saka naman nag desisyon si Jason na isama ako sa New York para dun magsettle down

Pano na ngayon yung mga plano ko?

Talaga bang hanggang pangarap ko na lang yun?

Kilala ko si Jason, alam kong hindi nababali ang desisyon niya once na nasabi na niya ito

"Anyway cleared na ba kayo dun sa CENOMAR( Certificate of No Marriage) niyo? You know I heard from one of my amigas, na isa sa mga kaibigan ng anak niya ay na cancel ang wedding because they found out na kasal pala ang fiancé ng friend niya. Kaya dapat siguruhin niyong clear kayo dun ah! Ayaw kong matulad kayo sa nangyari sakanila"

Bigla naman akong nanlamig at naninigas sa kinauupuan ko ng marinig ang sinabing yun ng mama ni Jason

Makailang beses siyang napalunok at halos manuyo na din ang lalamunan niya

'Shocks pano kung malaman nila na ganun nga din ang sitwasyon ko ngayon?'

"Babe are you okay? Bakit parang namumutla ka?" Alalang tanong ni Jason

"Huh? Ahh okay lang ako, pagod lang siguro"pagdadahilan ko pero talagang feeling ko ay nauubusan na ako ng dugo sa sobrang kaba

I need to talk Glaiza again. Kailangan masettle na namin to agad agad

----------

"Magtitigan na lang ba tayo dito?" Tanong ni Glaiza

Magsasampung minuto na kaming nandito sa coffee shop. Inaya ko kasi siyang makipagkita pagkaalis na pagkaalis ni Jason papuntang Singapore

Napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang frustration

"Rhian, hindi ko pinacancel lahat ng appointments ko para lang panuorin kang sabunutan ang sarili mo" nakapangalumbabang sabi nito

"Tulungan mo akong maghanap ng abogado.." Walang ligoy na sabi ko sakanya

"What?"

Marry Me StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon