Chapter 9

1.8K 157 14
                                    

Glaiza's POV

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng condo ko ay marahas kong binato sa kung saan ang jacket ko

Pabagsak akong umupo sa couch at minasahe ang sentido ko. Halo halong sakit na din ang nararamdaman ko. Sakit sa katawan, sakit sa puso at sakit sa ulo. Ni hindi ko na nga malaman kung alin sakanila ang pinakamasakit eh

Pinikit ko ang mga mata ko sandali para makapagpahinga pero ang taong may dahilan pa din ng pagsakit ng buong pagkatao ko ang nakikita ko

"Nagmahal ka na ba? Nainlove ka na ba? Malamang hindi pa, kasi kung nagmahal ka na, sigurado akong maiintidihan mo kung bakit ko to ginagawa, kung bakit ako nagiging desperada at kung bakit handa akong gawin lahat para lang sa taong mahal ko."

"Sana, sana makahanap ka ng ganung klaseng pagmahahal Glaiza, para malaman mo kung hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa pag ibig"

Stupid.

You're so stupid Rhian

Hindi mo pa din ba narrealize na ginagawa ko na lahat ng sinasabi mo?

That I am sacrificing everything para lang matulungan ka. Kahit na sarili kong trabaho, responsibilidad, kaligtasan at buhay ay isasakripisyo ko para sayo?

Hindi mo pa din ba nakikita yun?

Hindi mo pa din ba narealize na mahal na kita?

Oo aminado ako, unang beses ko palang siyang nakita sa bar nung gabing kinasal kami ay nagustuhan ko na talaga siya. Akala ko hanggang dun na lang talaga yun pero mukhang mapaglaro talaga si tadhana at muli kaming nagkita. At sa mga oras na yun ay mas lalo na ngang lumalim ang pagkagusto ko sakanya mas nakilala ko siya sa loob ng 6 na buwan na nagkakasama kami at dahil dun ay mas lalo ko siyang minahal.

Alam ko na hindi ako dapat mahulog sakanya. Alam ko na hindi ko siya dapat mahalin. Alam kong ikakasal na siya. Alam kong may mahal siyang iba. Pero anong magagawa ko? Hindi ko rin naman matuturuan ang puso ko? Mahirap pigilan ang nararamdaman ko.

Kaya nga kahit sa ilang sandali lang, kahit kunwari lang ay sinasamantala ko ang mga pagkakataon na magkasama kami. Kahit na mukhang biro lang sakanya ang mga ginagawa ko, para sakin seryoso lahat yun

Yung pagtawag ko sakanya ng 'wifey', hindi niya alam pero sobra sobra na akong kinikilig pag hinahayaan niya akong tawagin siya ng ganun. Lalo namang trumitriple ang kabog ng dibdib ko pag siya naman ang tumatawag sakin ng 'hubby'

Yung mga pagkakataon na inaalalayan ko siya at inaalagaan. God know how much I wanted to do that for the rest of my life. At ayaw na ayaw ko siyang nakikitang nasasaktan

Kaya nga ganun na lang din ang takot ko kanina nung hinarang kami ng mga goons na yun. Hindi ko na inisip kung sasaktan man nila ako, ang mas importante sakin nung mga oras na yun ay mapanatili kong ligtas at ayos si Rhian.

Dibale ng masapak at mabugbog ang importante hindi siya nasaktan at hindi nila siya nagalaw

Hindi ko na namalayan na kanina pa pala basang basa ang damit ko dahil sa pagiyak. Malamang ay kusa na itong naglabasan kanina dahil kanina ko pa pinipigil na umiyak.

Hindi ko naman kasi pwedeng ipakita yun kay Rhian eh. Baka magtaka pa siya at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na umamin sakanya. Ayoko namang maguluhan siya at ayoko din naman na makasira pa sa relasyon nila ng fiance niya.

Marry Me StrangerWhere stories live. Discover now