Chapter 4

1.8K 154 14
                                    

Rhian's POV

Ilang araw na ang nakakaraan simula ng malaman ko ang tungkol sa pagkakaroon ko ng asawa. And until now, wala pa din akong naiisip na paraan kung paano kami maghihiwalay ni Glaiza.

I tried consulting a lawyer, at tama nga si Glaiza, hindi namin pwedeng sabihin lasing lang kami nung gabing yun. Kailangan namin ng witnesses na magpapatunay na totoo nga yun.

Inalso tried looking for Angge. Sabi ni Glaiza ay Angelica Panganiban daw ang pangalan ng kaibigan niya, but unfortunately ay wala din talaga akong makuhang information tungkol sakanya

I feel so hopeless right now

Hindi ko rin naman pwedeng gamitin ang mga grounds for annulment laban sakanya dahil hindi ko naman talaga siya kilala and it will be harsh of me to judge her ng ganun ganun na lang not unless hingin ko ang permiso niya

Oh my gosh!!!

Ganun na nga!!

Kailangan ko siyang kumbinsihin na makipagtulungan sakin para maging posible ang mga grounds na yun for annulment!!

Kailangan ko siyang makausap ngayon!!

----------

Kararating ko lang ngayon dito sa isang beach sa Batangas, sabi kasi ni Glaiza ay nandito daw siya ngayon dahil sa work niya. Hindi naman na ako nagdalawang isip na puntahan siya dahil kailangang kailangan ko na talaga siyang makausap!!

Mabuti na lang din at hindi naman na ako nahirapan sa paghahanap sakanya dahil nakita ko siya agad na pababa sa bangka

"Ms. De Castro!!!" Pukaw ko sakanya at agad naman siyang lumingon sa direksyon ko, with of course, her dashing smile.

"Wifey!!!" Tumakbo siya papunta sakin at akma niya sana akong yayakapin pero pinigilan ko siya

"Hep!! Hanggang dian ka lang! Bawal chansing!!"

"Sungit naman nito! Pahug lang eh! Namiss kaya kita" parang batang nagtatampo na sabi niya

Itinaas ko naman ulit ang kaliwang kamay ko sakanya para ipakita ang engagement ring ko. She just shrugged and rolled her eyes pagtapos ay iniwan na ako.

Sinundan ko naman siya at tinawag

"Ms. De Castro!! Ms. De Castro!! Kailangan nating magusap!!" Sigaw ko sakanya pero hindi man lang ako nilingon

"Ms. De Castro!! Wag kang magbingi bingihan dian!!" Naiinis na ako dahil dedma pa din siya. Pumasok na kami sa loob ng shower room pero nakasunod pa din ako sakanya

"Ms. De Castro ano ba!!" Sumigaw na talaga ako ng pagkalakas lakas and thank God dahil lumingon na siya

"Hindi ako makikipagusap sayo hanggat patuloy mo akong tinatawag na Ms. De Castro" mahinahon niyang sabi bago siya pumasok sa isang shower cubicle

"Okay Glaiza--"

"Nah uhh. Ayaw ko din na tinatawag mo ako niyan" putol naman niya kaya napataas ang kilay ko

"Eh anong gusto mong itawag ko sayo?"

"Hubby.." Taas baba nanaman ang kilay niya sabay ngiti

Pinaningkitan ko naman siya ng mata pero siya, inosente lang na nakatingin sakin

"Seryoso ka ba?"

"Of course, you're my wifey right? So that makes me you're hubby. Cute diba?"

"Kinikilabutan ako sa mga sinasabi mo!!" Angil ko pero tinawanan lang niya ako

"Ikaw bahala! Either tawagin mo ako nun or hindi tayo maguusap. Your call" sabi niya ulit at binuksan na ang shower

Marry Me StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon