Chapter 8

1.9K 155 23
                                    

Rhian's POV

Kasama ko sila Lovi at Max ngayon dito sa condo ko. Pansamantala muna kasi akong umalis sa bahay namin para hindi makahalata ang pamilya ko sa mga pinaggagawa ko lately

"How's the annulment going Rhiri?" Tanong ni Max habang nagbbake siya ng cookies for us

Napabuntong hininga ako at napahalumbaba

"Nothing is still working out for us, pano ba naman kung hindi epic fail. Imposible ang ibang mga grounds na pwede naming gamitin"

"Pano yan? Halos patapos na ang taon girl at hanggang ngayon hindi mo pa din naayos yan? Isa pa, you still have a lot of things to do for your wedding, wala ka ng oras Rhi"

"I know!! And trust me I'm doing everything I can, pero hindi ko na din talaga alam ang gagawin ko" hindi ko na napigilang maluha. I feel so desperate already. Feeling ko walang wala na akong pag asa para ayusin ang gusot na to

Umupo naman sa tabi ang mga kaibigan ko at inalo ako

"Siguro dapat ka ng humingi ng tulong kay Jason. Maiintindihan naman niya siguro yung sitwasyon diba? Malay mo siya ang makagawa ng paraan para maayos yan" sabi ni Lovi

"I don't know Lovi. Natatakot pa din kasi talaga ako sa magiging reaksyon niya. Ayokong madisappoint siya at ayokong magbago ang tingin niya sakin.."

"Rhi.."Max called me kaya hinarap ko siya "somewhere along the way, mad.disappoint at mad.disappoint mo siya. Hindi ka isang perfect na tao para hindi ka makagawa ng mga pagkakamali. Ngayon kung talagang mahal ka niya, magagawa niyang intindihin yun at tatanggapin ka pa din niya."

I thought about what Max says at alam kong tama siya

But what can I do? I love Jason so much na handa kong gawin ang lahat wag ko lang siyang madisappoint?

I was lost in my own thoughts ng marinig kong nagrring ang cellphone ko

It was John, ang private investigator na kinuha ko para tumulong sa paghahanap kay Angge

"Hello John?"

"Good evening po Ms. Rhian, may ibabalita lang po sana ako sa inyo tungkol kay Ms. Angge?"

"Ano yun? Nakita mo na ba siya? Alam mo na ba kung saan natin siya mapupuntahan?"

"Hindi pa din po Ms. Rhian pero may isang tao pong tumawag sakin at nagturo sa isang trusted friend daw po ni Ms. Angelica"

"Sige pakisend na lang sakin yung number niya then iinform ko na lang din si Glaiza tungkol dito"

"Sige po"

Binaba ko na ang tawag at nakaabang naman sakin ang mga kaibigan ko

"Last na to guys..hahanapin lang namin ni Glaiza yung taong posibleng nakapagturo samin kay Angge. Kapag hindi pa din namin siya nakita, I promise sasabihin ko na kay Jason ang lahat." I assured them

"Kahit ano pa man ang gawin mo, nandito lang kami parati para sayo,okay?"

I hugged them both. Buti na lang din talaga at may mga kaibigan ako na tulad nila

----------
The next day

Agad akong nagpunta sa studio ni Glaiza. She is actually a professional event photographer na may established na din business at according sa mga napagtanungan ko ay talagang magaling at pulido kung magtrabaho si Glaiza. She even covered some of the country's biggest celebrity weddings and gatherings kaya naman mas lalo pa siyang sumisikat. Anyway ang sabi niya kasi sakin ay wala naman daw siyang event ngayon pero schedule pa din daw siya ng photoshoot kaya sa studio ko lang daw siya makikita

Marry Me StrangerWhere stories live. Discover now