Chapter 3

1.8K 150 15
                                    

Rhian's POV

"It's good to see you wifey.."Basag niya sa katahimikan namin at halos takasan ako ng kaluluwa nung narinig ko ang tinawag niya sakin

"W-wifey?" Takang tanong ko

"Yep. Ikaw ang asawa ko diba? Namiss mo na ba ako? Are you here para sa honeymoon part?" Nanunukso niyang tanong kaya naman umakyat nanaman ang dugo ko sa ulo ko at alam kong namumula ako ng bongga

"Excuse me Miss.. But I think there has been a misunderstanding.." Pinilit kong maging normal at the same time ay matapang ang boses ko

Kahit na nanginginig na ako sa charm ng babaeng to ay kinakailangan kong maging matatag para hindi madisappoint sakin ang pamilya ko

Inilabas kong muli ang marriage certificate namin at pinakita ito sakanya

"Can you please explain to me kung pano nangyari to? Hindi ba't kasal kasalan lang naman ang ginawa natin? Hindi din naman isang pari o judge ang nagkasal satin? Pano nangyaring nairegister to sa NSO? And how come that our constitution is now honoring same sex marriage? Pano naging legal yun?!" Nagumpisa na akong maglitanya sakanya dahil sa totoo lang gustong gusto ko na talagang malaman ang sagot sa mga tanong ko

Binaba niya ang papel na hawak niya at tumingin sakin. Still wearing that angelic yet devilish smile

"Wifey, first of all, si Katrina, na siyang nagkasal satin ay isang judge. So technically pwede talaga siyang magkasal. Pangalawa, wala din akong kinalaman kung bakit nakarehistro yung kasal kasalan natin sa NSO. Even I myself was surprised nung makita ko tong marriage certificate natin. I also thought it was a play pretend at walang balak seryosohin ang tungkol dito.So sorry pero wala talaga akong alam. And lastly, saang planeta ka ba nakatira at bakit parang hindi mo pa alam na last year pinirmahan ang tungkol sa same sex marrige dito sa Pilipinas? Natural i.h.honor na yan dito ngayon. So hindi talaga malabong maging legal yan kapag may nagfile niyan" paliwanag niya at ako napansandal na lang ako sa upuan ko

"So ibig sabihin hindi ikaw ang nagfile niyan?"

"No, of course not. Wala naman akong hinawakan papeles after that night--"

"Wait!!! Baka yung mga kaibigan mo ang nag file nun!! Tell me!! Nasan na sila?"

Lumungkot naman bigla ang itsura niya at napabuntong hininga

"I'm sorry, pero wala na si Katrina.." Mahina niyang sabi at parang naiiyak na siya

"Wala na? What do you mean?" Naguguluhan kong tanong

"She died, a week after nung gabing nagkakilala tayo. Car accident" maikling paliwanag niya at sobra talaga akong nashock sa balitang yun

"I'm sorry.." Yun na lang ang tangi kong nasabi at saka ko hinawakan ang kamay niya para icomfort siya

Bahagya siyang napapunas ng luha at nagiwas ng tingin para hindi ko makita ang expression niya

Siguro ay talagang malapit na kaibigan niya ito kaya ganun na lang siya kaemosyonal

"What about Angge?" Sinubukan ko ulit magtanong matapos niyang makabawi

"I have no idea. Wala na din akong contact sakanya after mailibing si Kat. Last time I heard nag abroad siya. Pero hindi ko alam kung saang bansa siya nagpunta"seryosong sabi niya at mas lalo pa akong nalugmok dun

Napahilamos na lang ako ng mukha at napasabunot ng buhok

How am I supposed to get out of this situation???!!

Marry Me StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon