Chapter 17

185 18 6
                                    

T/w: Verbal abuse

1 year later

Rhian's POV

"Ms. Rhian, eto na po yung mga documents na kailangan po ng final approval niyo for our upcoming 50th anniversary" ani ng secretary ko.

Isa isa nitong nilapag ang mga folder sa lamesa ko at pinaliwanag ang mga laman nito

Napahawak ako sa sentido ko. It's been a hectic week for me dahil napakarami kong kailangang tapusin at irevised na design para sa mga bagong outfits na ilalabas namin this summer.

"Iwan mo na lang muna dian sa table ko. I'm taking a 30 minutes break. Please wag mo muna silang hayaang istorbohin ako" pakiusap ko sakanya at alam ko namang naintindihan agad ng secretary ko ang ibig kong sabihin.

As soon as I heard the door locked ay tumayo na ako sa upuan ko at lumapit sa may bintana. My office is situated at the 20th floor kaya naman marami kang natatanaw mula dito. I can even see the closest mountain in the metro at ang maaliwalas na panahon sa labas, at sa totoo lang ito ang nagpapakalma sakin sa tuwing stressed ako.

Well, to be honest, the reason kung bakit ito ang nagiging stress reliever ko ay dahil naalala ko ang mga panahong nasa Batanes ako. Yung magandang tanawin, malakas na sariwang hangin, at payapang mga dagat.

Oh how I wish I could go back there.

Kaso baka pag tinry ko ay muli lang ding bumalik sakin lahat ng alaala NIYA.

Agad akong napailing ng magsimula nanamang gumapang sa isipan ko ang pangalan at mukha niya. I shouldn't be thinking of her right now. Matagal ng tapos yung samin at nakapag moved on na rin ako

It's been a year simula nung huli kaming magkita. After ng confrontation namin sa labas ng condo ko ay hindi na siya ulit nagparamdam sakin. Tinupad nga niya ang sinabi niya na siya na ang bahala sa annulment namin.

Our annulment process went by smoothly dahil according to Angelo nung nagkita kami sa korte ay ginamit daw talaga ni Glaiza lahat ng connection niya para lang mapabilis ang proseso nito. Ayaw daw kasi nito na mahirapan pa ako kaya naman lahat ng paraan ay ginawa na niya.

After six months, I was finally an annulled woman.

The past year seems like a roller coaster ride for me. Naranasan ko ang magmahal ng totoo, mahalin ang sarili ko at lumaya mula sa mga bagay na pumipigil sa akin para sumaya.

Lumaya..

Oo nakalaya na nga ako sa mga bagay na pumipigil sakin na maging masaya. That includes Jason and my parents. Pakiramdam ko ay nabunot na din sa wakas ang isang malaking tinik sa lalamunan ko

Flashback

2 months after our last conversation ni Glaiza ay finally nagkaharap naman kami ni Jason. Everything that's been happening in my life keeps on bothering me to the point that I had a breakdown. Sakto naman na hindi umaalis ng bansa ang boyfriend ko at maluwag din naman ang schedule niya kaya naman nagkaroon na din kami ng pagkakataon na magka usap.

"Babe, bakit mo ako pinapunta dito? Is there something wrong? May problema ba sa wedding plans natin?" Sunod sunod niyang tanong habang ako ay nakaupo lang sa may sala. Pinipilit ko pang pakalmahin ang sarili ko.

"Jase, we need to talk about something." Seryosong sabi ko. Malamang ay nasense naman na din niya na mukhang mabigat ang pag uusapan kaya naman agad na siyang umupo sa couch

"Jason, I can't do this anymore. I can't marry you" diretsahan kong sabi kasabay ng pag lapag ko ng engagement ring na binigay niya sakin

Kinuha niya ito at nagpabalik balik lang ang tingin niya sakin at sa singsing. Bakas ang pagkalito niya sa sinabi ko at parang hindi niya alam kung ano ang una niyang itatanong

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 03, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Marry Me StrangerWhere stories live. Discover now