Rhian's POV
Sabi nila, kapag may kapatid ka daw ay maswerte ka. Kasi siyempre may instant bestfriend, playmate, shopping buddy and ka duo sa lahat ng bagay.
But for me, well it's the exact opposite
Growing up with a sister was never an easy thing for me. Lalo na kapag pinalaki kayo ng magulang niyo na laging kino compare at pinag kukumpitensya
Flashback
5 years ago..
"Naku ang galing galing talaga ng anak mo Mare. Biruin mo sa ganitong edad pa lang niya ay maituturing na kaagad siyang isang executive ng isang malaking company" ani ng amiga ng mommy
Today is my sister's engagment party. Dinaluhan ito ng halos lahat ng kamag anak namin at mga business partners ng parents ko at iba pang mga kaibigan ng kapatid ko at ni kuya Jaime (my sister's fiancé)
Bongga ang ginawang preparation para dito. Sila mommy ang naginsist na mag organize ng ganitong klaseng party para sa panganay niya at sa mamanugangin niya. Kahit nga ayaw ng engaged couple na gawin ito ay wala naman din daw silang magawa dahil mapilit daw ang mommy ko
Nasa isang sulok lang ako at nakaupo. Paminsan minsan ay nakikinig ako sa mga usapan ng mga amiga ni mommy o ng mga business partners ni daddy. Wala naman din kasi akong ibang mapaglibangan dito kaya sa hawak ko na lang na wine itinutuon ang atensyon ko
"Oo nga eh. Super proud talaga ako dian sa anak kong yan! Biruin mo ang tali-talino, masipag, madiskarte, at higit sa lahat magaling pumili ng mapapangasawa" sabi naman ni mommy at nakita ko pa silang sumulyap kila ate at kuya Jaime na nasa podium ngayon at nagsasayaw
I looked at the both of them. Totoo naman ang mga sinabing description ng mommy ko. Almost perfect ang kapatid ko dahil hindi lang ang panglabas na anyo niya ang maganda kundi pati ang pang loob. Kahit ako ay aaminin ko na mas itinuturing ko pa siyang role model ko kesa sa sarili kong ina.
"Eh si Rhian naman ba, kamusta siya at kailan din ba mag-aasawa yang bunso mo?" Dinig kong tanong ng isa pang amiga ni mommy.
Sinubukan kong wag makinig sa mga susunod na sasabihin ni mommy but curiosity kills me. Iniisip ko kung ano nga kaya ang sinasabi niya sakin
![](https://img.wattpad.com/cover/146936392-288-k129495.jpg)
YOU ARE READING
Marry Me Stranger
FanfictionBased from a Star Cinema movie "Can't help falling in love" starring KathNiel comes another RaStro adaptation