Chapter 7

1.7K 139 17
                                    

Rhian's POV

It's been 5 months. 5 months simula nung nalaman kong kasal na ako. 5 months simula ng makilala ko si Glaiza at 5 months simula nung sinusubukan kong makipaghiwalay sakanya

Pero sa loob ng 5 months na yun, walang nangyari. Walang nangyayari!! We are very much married and tied up with each other. And you know what's worse? Mas lalo pa kaming nagiging close.

Halos maubusan na nga din ako ng pagpapalusot kay Mommy at kay Jason kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa din umuusad ang preparation sa kasal eh.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Minsan nat.triggered na talaga ako na sabihin na lang talaga ang totoo. Kaso sa tuwing naiisip ko din yun ay alam kong isang malaking gulo ang mangyayari,at ayaw ko na sana talagang dumating sa puntong yun

"Hi wifey!!" Naramdaman kong may tao sa likod ko at mabilis akong hinalikan sa pisngi

Oo ganun na nga kami kaclose ngayon, dahil hinahayaan ko pa din siyang tawagin akong 'wifey' at halikan sa pisngi and I'm not even complaining!!

"Kanina ka pa ba nagaantay?" Tanong niya habang pinaglalaruan ang kamay ko. Ganito siya palagi kapag nagkikita kami. After she greeted me ay lagi niyang kinukuha ang kamay ko para hawakan o di kaya ay paglalaruan

"Hindi naman, halos kararating ko lang din" sagot ko sakanya habang nakatingin sa mga kamay namin

"So bakit mo nga ba ako pinapunta dito?"

"Gusto tayong makausap ni Atty. Langit.." Sabi ko. Napatigil siya at unti unting tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko. I looked at her at nahalata ko ang lungkot sa mga mata niya

I also suddenly feel the emptiness, at parang gusto ko na lang ulit kuhanin ang kamay niya para hawakan din

"Is this still about the annulment?"

"Glaiza nauubusan na tayo ng oras, I'm getting married next year. Kailangan ko ng maayos to. I'm running out of reasons to tell to my mom and my fiance. Mas lalo tayong magkakagulo pag hindi pa naayos to"

Napaiwas lang siya ng tingin at napasandal sa upuan. Glaiza still hates the idea of our annulment. Hanggat maaari ay palagi niyang dinadivert sa ibang bagay o topic ang usapan namin sa tuwing magkasama kami para lang hindi namin mapagusapan yun. Kahit ako man ay ayaw ko na din sana itong i discuss sakanya, pero anong magagawa ko? Ito ang nakatadhanang mangyari

Ilang minuto na itong nanahimik at hindi ako tinitignan. Nakatingin lang siya sa labas at parang ang lalim lalim ng iniisip

"Glaiza please, para sa ikakatahimik nating lahat itong ginagawa ko. Kailangan na nating mag--" naputol ang sasabihin ko ng may biglang tumawag sa pangalan

"Rhian?"

"M-mommy?!" Gulat na tanong ko at napatayo pa ako sa kinuupuan ko

"B-bakit po kayo nandito?" Halos magkanda utal utal ako sa harap niya

"May i.m.meet lang kasi akong client dito. Ikaw bakit ka nandito? Tsaka sino siya?" Tukoy niya kay Glaiza na kanina pa nagpapalit palit ang tingin saming dalawa

"Uhh a-ano po.." Hindi ko alam kung ano ang irarason ko! Alangan naman sabihin ko na asawa ko siya?!

"Hello po mommy! Ako po pala si Glaiza! As--" pabitin niya, sabay ngiti ng nakakaloko. Napatigin kami pareho sa isa't isa at pinanlakihan ko siya ng mata! Shet wag kang aamin!!

"As--" tanong ni mommy

"Ahh Mommy.."

"Assistant po! Assistant niya po ako" mabilis na sagot ni Glaiza

Marry Me StrangerWhere stories live. Discover now