Chapter 10

2.3K 150 35
                                    

Rhian's POV

Kasalukuyan akong nakabakasyon at nakatengga dito sa bahay matapos akong patawan ng 1 month suspension ng management ko dahil sa hindi ko pagattend sa isang malaking client meeting noong araw na hinanap namin ni Glaiza si Carlo

Nawala sa isip ko ang meeting na yun dahil nga sa sobrang pagkadesperada ko na mahanap ang taong magiging susi sa paghihiwalay namin ni Glaiza. Sa kliyente pa man din na yun nakasalalay ang promotion ko. Buti na lang talaga at nagawa pa silang makausap ng boss ko at nagawa pa din niyang mapapayag na kami ang ssponsor sa isang malaking fashion event na gaganapin 2 months from now

I was so frustrated nung nalaman kong muntik ng mawala ang deal na yun. Hindi ko naisip na kaka focus ko sa paghihiwalay namin ni Glaiza ay halos nakalimutan ko na ang responsibilidad ko sa trabaho ko.

Napapikit ako ng mariin at napahawak sa sentido ko. Bakit ganun? Halos sunod sunod ang mga problema sa buhay ko. Bakit parang wala naman akong nagagawang matinong desisyon sa buhay ko? Bakit palaging palpak?

"Babe? Are you still there? Nadinig mo ba yung sinabi ko?" Napabalik ako sa wisyo ko nung narinig ko ulit si Jason. Oo nga pala kausap ko nga pala siya sa Skype

"Sorry, may iniisip lang ako. Ano nga ulit yun ?" Tanong ko ulit

"I was talking about a beach na nakita ko sa internet. And I wanted to ask you kung gusto mo bang tignan yung place to see if you want to hold the wedding there?"

"Yeah sure. I'll try to look into it." Simpleng sagot ko lang at napansin kong kakaiba ang tingin niya sakin

"Babe, are you okay? You seemed a little of lately? May problema ba? Masyado ka bang nasstress sa wedding prep?" Tanong niya. Halata ang pagaalala sa tono nito

I just looked at him in the screen. Ito na ba ang tamang panahon para sabihin ko sakanya ang tungkol sa kalokohang nagawa ko?

Pero pano kung magalit siya? Pano kong sabihin niya kila mommy? Pano pag nagalit sila at itakwil ako? Ayoko silang mawala sakin. Ayokong madisappoint sila sakin!

But for now he has the right to know the truth. Baka kasi magawa niya akong tulungan kung sakali

"Babe why are you crying? Anong nangyari? Please tell me kung anong problema?" Sunod sunod na tanong ni Jason. Kaya naman nagburst out na ako ng tuluyan

"Jason, I'm sorry. I'm really really sorry!! I didn't mean to do it, pero may katangahan akong nagawa. A week after you proposed to me, nagbar kami nun nila Max at sobrang lasing ako nun. And then, there's this stranger na nagsasayaw malapit sakin. Nakita ko siyang tinitignan ako kaya nagpakilala ako, tapos inaya niya akong magpakasal. I really thought na laro laro lang ang kasal na yun kaya ako pumayag but it turns out na legal pala ang lahat . Jase I married another person. I married a woman!!" Tuloy tuloy kong kinuwento sakanya ang lahat. At wala na akong paki kahit na halos maubusan na ako ng hangin kakahagulgol ko. Ang gusto ko lang ay malabas na lahat ng nararamdaman ko

Tinignan ko ulit siya sa screen at nakitang nakatulala lang siya at hindi gumagalaw

"Babe? Jase? Nadinig mo ba yung sinabi ko?" Tanong ko sakanya dahil totally hindi talaga siya gumagalaw

Maya maya ay nakita kong parang nagha.hang ang laptop ko. Akala ko ay nawawalan lang ito ng connection kaya tumayo ako at inangat ang laptop. Pero sa kamalas malasan pa ay aksidente ko itong nahatak sa saksakan kaya naman pumutok ito ng malaks at tuluyan ng nasira

What the hell just happened??!!

Napatulala lang ako sa laptop ko na ngayon ay kalas kalas na at nasunog ang wiring

Marry Me StrangerWhere stories live. Discover now