Chapter 11

2K 132 22
                                    

Rhian's POV

Matapos ang eksena namin sa restaurant ni Glaiza ay umalis na din kami agad at saka niya ako hinatid sa parking lot

Tahimik kami pareho habang naglalakad papunta sa kanya kanya naming sasakyan. Sa totoo lang ay hindi ako sanay na makita si Glaiza na ganito katahimik. Palagi siyang ngumingiti at makulit. Ni hindi nga niya kayang palipasin ang isang minuto na hindi siya dumadaldal. Pero ngayon, tahimik talaga siya

I can't help but feel guilty. Hindi naman ako manhid para hindi ko maramdaman yung pagtatapat niya kanina. I just refused to acknowledge it dahil alam ko din sa sarili ko na hindi ko dapat ientertain kung ano man ang nararamdaman niya at kung ano din ang nararamdaman ko.

It's definitely not right. Ikakasal na ako sa iba

Isaksak mo yan sa kokote mo Rhian!!!

Si Jason ang mahal mo, si Jason lang ang dapat na mahalin mo at si Jason ang pakakasalan mo!!

I've been repeating that mantra hanggang sa makarating kami ng sasakyan ng bigla namang tumunog ang cellphone ko

Jason calling...

Oh shocks!! Nakalimutan kong kailangan ko nga pala siyang tawagan ngayon!!

I immediately swipe the answer button at bumungad sa video call ang galit kong fiance

"Babe!!" He called out

"Babe I'm so sorry! Nakalimutan kong tawagan ka" hinging tawad ko pero bakas pa din sa mukha niya ang sobrang disappointment

"Mukha nga. I've been calling for a lot of times already but you're not picking up. Asan ka ba?"

Pasimple akong napatingin kay Glaiza. Nakayuko lang ito habang nakasandal sa may kotse ko

"I--uhh..I just went out to grab some coffee. Nakasilent kasi yung phone ko kaya hndi ko nadidinig yung tawag mo" I lied at tinignan ko naman kung naconvince ko siya sa sagot ko

Napabuntong hininga lang ito bago ako tignan ulit

"All right. Tatawagan na lang kita ulit. May meeting pa akong kailangan puntahan. I'll call you again later, okay? I love you" tuloy tuloy nitong sabi kaya naman napatameme ako ng marinig ko kay Jason ang 3 words na yun

Alanganin akong tumingin ulit kay Glaiza bago sumagot

"Love you too" I told Jason then hang up

Awkward akong napatingin kay Glaiza, ni hindi ko alam kung anong unang sasabihin ko sakanya. Naguguluhan at nalilito ako sa nararamdaman ko. I feel like I'm cheating pero hindi kay Jason kundi kay Glaiza.

Hindi ko na kinakaya ang torture at ang bagsak na aura ni Glaiza. Feeling ko pag tumagal pa ako ng isang segundo dito ay makakalimutan ko na lahat ng tamang desisyon na kailangan kong gawin at sumama na lang sakanya

"Glaiza.." agad naman siyang tumingin sakin. Pero talagang malungkot ang mga mata niya kahit na nakangiti siya sakin

"About what happened--"

Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko dahil nilapat niya ang hintuturo niya sa labi ko

"You don't have to say anything Rhian. Naiintindihan ko na" sagot nito. Yung mga mata niya hindi ko kayang tignan dahil halos mangiyak ngiyak na siya

"I'm so sorry.."

"You don't have to. Simula't sapul naman malinaw naman na sakin na ikakasal kana at yung sa ating dalawa? It was just a huge mistake"

Mistake.

Yeah tama siya, mistake nga lang ang relasyon naming dalawa. Pero bakit kumirot ang puso ko nung sinabi niya yun?

Marry Me StrangerWhere stories live. Discover now