Chapter 2

112 38 70
                                    

Chapter 2
_________

Isang buwan na ang lumipas matapos mawala sa akin si Mama. Itinuloy ko ang pag-aaral at pilit iniiwasan ang makakaapekto rito. Mas pinagsikapan kong makapagtapos nang sa gayon ay maisalba ko ang buhay ko. Hindi ako makakapagpatuloy ng pag-aaral kung mawawala ako sa top.

Sadyang mahirap maging mag-isa, lalo na ngayong nag-aaral pa 'ko. Nasanay akong nandiyan sa tabi ko si Mama na siyang sinusuportahan ako sa anumang gawin ko. Parang kahapon lang nangyari ang lahat, ang bilis ng mga nangyari.

Kasalukuyan akong nagbibihis ng isusuot para sa masquerade ball mamaya. Noong una ay tinatamad na 'kong umattend nitong ball, pero sayang naman ang regalo ni Mama sa akin.

Lumingon ako sa salamin at tinitigan ang sarili. "Sayang, Mama, wala kayo rito. Hindi ninyo masisilayan ang maganda ninyong anak," usal ko, pilit pinapasaya ang sarili.

Hindi naglaon ay nakarinig ako ng busina ng kotse, hudyat na nasa labas na ang kaibigan kong si Avalyn.

"Azi, I'm here!" sigaw nito na siyang dinig na dinig ko mula sa loob. Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko at lumabas na ng bahay.

Iginala niya ang kaniyang tingin sa aking kabuuan at napataas ang kilay nito habang nakangisi. Napatawa ako nang sumipol ito. Marahan ko siyang hinampas sa braso.

She's wearing a red sparkling cocktail dress, her hair flowing down. She's more stunning tonight.

"I want to marry you, girl. You're deadass gorgeous," sambit niya at tumawa. "Grabe ka naman. Ikaw rin naman," natatawa kong sagot. She just winked at me before I entered the car.

Puno ng kwentuhan ang kotse hanggang sa makarating na kami sa venue. Marami nang tao, at sa tingin ko ay medyo late na kami. May nagsasalita na sa loob at sarado na ang malaking pintuan ng main hall.

Agad akong kinabahan. Hindi ako sanay na ganito. Siguradong puno na ng estudyante ang loob. I guess I'll wear my mask before we come in. "Enjoy, ladies!" wika ng tatay ni Avalyn. "Thank you po for the ride, Tito Ven," pasasalamat ko. Kumaway lang ito sa akin bago halikan sa pisngi si Avalyn.

May mga guwardya na sinalubong kami, dahilan upang mas tumindi ang kaba ko.

"Good evening, mga ma'am. Doon po ang mismong entrance. Enjoy your night po," nakangiting sabi nito at itinuro ang malaking pinto. "Shit, Ava. Papasok talaga tayo d'yan? Grand entrance, gan'on?" kabado kong tanong sa kaniya. She wore her mask and smirked playfully.

"We're the main characters, then. Wear your mask," she replied as she wore hers. Isinuot ko na lang din ang sa akin at huminga ng malalim.

As we entered the hall, it caused all eyes on us. Of course, who would expect us to have this kind of entrace?

Napuno ng bulungan ang paligid, pero matapos ang ilang segundo ay bumalik na muli sila sa kani-kaniya nilang ginagawa.

"This is a very special event for all of you. The ball starts now! Enjoy your night, Silverknights!" pagtatapos ng emcee at bumaba na ng entablado. "Let's go, girl! Have fun!" yaya niya sa akin.

Ngayon ko lang napansin na kaakbayan na niya ang kapartner niya. "Yeah, you go too. I'll go dance later," tanggi ko at nakisabay muna sa kanta. Rinig sa buong lugar ang pagsabay namin sa mga kanta.

Maya-maya ay nagsimulang tumugtog ang isang kantang paborito ko. Too bad, I still haven't danced with my partner. I badly want to dance to this song.

All of a sudden, Avalyn went beside me, encircling her arms around my waist. "This is your favorite song, Azi! Let's dance!" alok niya. My heart fluttered, she's really nice. "Thanks, Ava," ngiting saad ko at sumayaw kasama niya.

I'm talking in circles
Can't get out of my head
I cry at commercials
And I never make the bed

We just swayed to the beat, until someone caled my name. "I think someone wants to dance with you, babe," loko ni Ava at kinikilig na niyugyog ang katawan ko.

Lumingon ako sa lalaking tumawag sa akin, at nakita siyang nakangiti. "I don't know him.." bulong ko kay Ava. "Of course you don't. You aren't supposed to know who he is. He's wearing a mask like us, go dance. Who is who doesn't matter." She winked at me then let go. Bahagya niya pa 'kong itinulak patungo sa lalaki.

Nakasuot siya ng mask, pero hindi ng katulad ng sa amin. Halos lahat ng tao ay nakasuot ng maskara na tinatakluban lang ang mata, pero ang kaniya ay taklob ang buong mukha.

And I'm pulling your last thread
When I'm coming unraveled
Baby to the moon and back

"Hi, I'm Ethan, from Class 3-B," pakilala niya. "You may not know me, I'm not that famous." He shyly laughed, making me smile a bit. "Uh, yeah.. sorry," paumanhin ko at tahimik kaming nagsayaw.

"Why do you want to dance with me anyway?" biglang tanong ko sa kaniya. "I-I.. Uh, you see⏤"

Nahinto siya sa pagsasalita nang biglang namatay lahat ng ilaw. Agad narinig ang mga singhap ng estudyante sa paligid, maski ang ilan ay nagsigawan.

Maya-maya'y may nagtaklob ng bibig ko, kaya kahit sumigaw ako ay hindi masyadong rinig. Wala akong makita, sobrang dilim ng paligid. Naramdaman kong binuhat ako ni Ethan, kaya agad akong nagpumiglas.

Shit! He's kidnapping me! Pakana ba niya ang lahat ng ito?

"Shit, the door's locked," wika ni Ethan. Nasaan na kami? Nasa entrance ba? "It's Snipe, speaking. Why is the back door locked?" tanong nito. Sinong kausap niya?

Sinubukan ko siyang batukan at sipain, pero mas hinigpitan niya lang ang hawak sa 'kin. Naramdaman ko na lang na binuksan niya ang pinto at lumabas.

"Tulong!" I screamed but I can't hear anything anymore. I felt cold. I think I'm inside a van or something.

"Sino ba kayo? Anong kailangan ninyo sa 'kin?" Naiiyak na ako. Wala na rin akong makita, I'm blindfolded! Ano bang nagawa ko?

"Quiet. You guys sure she's an ally of the killer?" tanong ng isang tinig ng babae. Ramdam kong galit ito. I remained silent, completely trembling. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mamamatay na ba 'ko? Bakit sa ganitong paraan pa?

"Yes, we're sure it's her," sagot ni Ethan. Teka, si Ethan ba talaga 'to? O nagpapanggap lang?

Hindi nagtagal ay naramdaman kong tumigil na ang sinasakyan namin. Binuhat nila ako at pinaupo. Hindi tulad ng kanina, mainit na ang paligid. Sigurado akong kahit magsisigaw ako, wala nang makakarinig sa akin. Malamang ay nasa kampo na nila ako.

Shit, they might sell me to the black market. Or worse.. please, no. I don't want to die yet.

Inalis nila ang piring ko at bumungad sa akin ang limang taong nakamaskara, kabilang na si Ethan na nakasuot pa rin ng tuxedo.

Agad sumiwang ang mga labi nila nang makita ang mukha ko. Ang ilan ay may bahid ng pagkadismaya, samantalang ang ilan ay halata ang pagkainis.

"Great job, Ethan," sarkastikong wika ng babae at padabog na itinapon ang hawak niyang baril sa sahig. "Goddamnit," usal naman ng isa sa kanila.

"W-Why? I swear, it's her!" depensa ni Ethan at naguguluhang tumingin sa kanila. Lumapit ang babae at may ibinulong sa kaniya, dahilan upang mamutla siya.

"She's not our fucking target."

----------
heartalicien

Ephemeral|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon