Chapter 26: 4 Months Ago

19 7 0
                                    

Unedited Chapter

Chapter 26: 4 Months Ago

Ryder's PoV [The day of the explosion]

'Fuck, not now. I love you Azaleah.' Bulong ko sa sarili. Matulin kaming tumatakbo palayo sa bomba. "Run, Snipe! Run!" Sigaw ni Havoc sa akin. "Fuck, tumakbo ka na rin Havoc!" I shouted back at his face. "No, may mga tao pa sa loob. I'm your commander. Do as what I say, Snipe. Palalabasin ko muna kayo, Lesley and Mulan's still inside." Nagmamadaling wika ni Havoc. Napakagat ako ng labi.

"No, fuck your title. Magkasama tayong aalis ng warehouse na ito." Madiin kong tutol. Nauntol kami nang may humigit na sa amin. It's Lesley. "Damn it, boys! Huwag na kayong magulo! Umalis na tayo rito or else pare-parehong sasabog ang mga bungo natin." Gigil na pigil ni Lesley sa aming dalawa.

Patuloy kaming tumatakbo palayo ng warehouse hanggang nasa sapat na layo na kami. Nakita naming nasa malapit na parte ng warehouse si Mulan. Fuck! Makakasama siya sa pagsabog!

"Wait! Shit, si Mulan!" Sigaw ko sa kanila. Kung kami ay babalik kay Mulan, we are surely dead. "Oh my god, Mulan!" Alalang tawag ni Lesley sa matalik na kaibigan. "Run faster, Mulan!" Dagdag ni Havoc.

She kept on running until she's at the safe zone. She'll survive.

"Takbo lang, Mulan. We can survive this." Saad ni Havoc habang alalang nakatingin kay Mulan. Halata ang pagod sa aming mga mukha. That Gracie is a piece of shit, making us suffer these damn things.

Malayo na kami sa warehouse at tila ba isang nakakabinging pangyayari ang yumakap sa aming lahat. Tuluyan nang sumabog ang warehouse. And yeah, we're alive. We fucking made it.

"Mulan sa tabi mo!" Biglang sigaw ni Lesley, nanlaki ang aming mga mata nang may nakita kaming piraso ng yero patungo sa direksiyon niya.

Shit!

Huli na bago pa siya makailag sa yero kaya't natamaan siya sa kaniyang kanang binti. Agad namin siyang dinamayan.

"Fuck!" Inda nito sa malaking nakatusok na yero sa binti niya. Napangiwi ako sa lagay niya. I'm sure it hurts like hell.

"Let's bring her to the hospital. Quick, kunin natin ang sasakyan sa underground part ng warehouse na ito. I know it's just in this area. May lagusan dito." Suhestiyon ni Havoc. Agad akong tumango. "Lesley, ikaw na muna ang bahala kay Mulan. Babalik kami." Dagdag niya. Tumango lamang si Lesley habang nakatitig kay Mulan. Halatang alalang-alala ito sa kaniyang kaibigan. "Keep fighting, Mulan. You can survive this shit." Pagpapagaan ng loob ni Lesley sa kaibigan.

Kami naman ni Havoc ay nagpatuloy sa paghahanap ng tagong lagusan na dati na naming napuntahan. He's right, narito lang sa area na ito ang lagusan.

"Where the hell is it?" Dinig kong bulong ni Havoc sa sarili. Patuloy kami sa paghanap hanggang may nakita kaming kumpol ng damo sa isang parte. Agad naming tinignan ang parteng iyon at tama nga. Narito ang bukasan patungo sa lagusan.

Agad naming binuksan ito.

Bumungad sa amin ang isang magabok na garahe sa ilalim ng lupa. May mga nakaimbak na gasolina sa tabi nito at iba't ibang uri ng tools.

Agad kaming sumakay sa kotse at pinuntahan si Mulan. Matapos ay dinala na namin ito sa ospital. I hope she's fine.

Malalim na rin ang pinagsamahan namin. Kaya't malaking kawalan kung mawawala sila sa akin.

----------
heartalicien

A/N: This update's kinda.. short, I guess? But don't worry, this update just shown what happened after the explosion and how Ryder and his mates survived. Keep reading, arcien! You're almost there!

Ephemeral|✓Where stories live. Discover now