Chapter 5

75 31 38
                                    

Chapter 5
_________

Mabait naman ang kuya ni Phoenix, kaso nga lang ay may pagkamaloko rin. Pinilit kong ibinuhos ang buong atensiyon ko sa pagtuturo kay Phoenix, pero minsan ay agad din akong nad-distract dahil panay ang silip ni Ryder sa amin, katulad na lang ngayon.

"Alright, very good, Phoenix! Ito naman, how do you write elephant?" natutuwa kong tanong habang manghang nakatingin sa nakangusong bata. Hinintay ko siyang matapos sa pagsusulat, at tama naman ang ipinakita niyang sagot. Agad akong napapalakpak at nakipag-apir sa kaniya.

Hindi na 'ko nagulat nang may sumabay sa pagpalakpak sa akin. Nasa labas si Ryder habang malawak ang ngiting pumapalakpak at kumakaway kay Phoenix. Tuwang-tuwa naman ang bata habang nakatingin sa masaya niyang kuya.

Hindi nagtagal ay pumasok ito sa loob at nakisali sa amin. Mabuti na lang at tapos na ang isang oras ng pagtuturo ko, pwede nang makipaglaro si Phoenix sa kuya niya. "Galing talaga ni Phoenix! Okay, tapos na tayo!" masigla kong usal at ginulo ang buhok niya.

"Kunin ko choco ko, Kuya," paalam ni Phoenix at nagtungo ng kusina. "Huwag ka sunod sa 'kin, ha?" dagdag pa nito nang makalayo na. "Uh, okay na 'ko sa pagtuturo kay Phoenix. Una na 'ko, Ryder," paalam ko sa kaniya at inimis na ang mga gamit ko.

"Do you want me to give you a ride?" tanong nito sa akin. "H-ha? Hindi na. Malapit lang naman bahay ko mula rito, nasa labas lang ng subdivision ninyo." Napatango na lang siya at tinulungan akong mag-ayos ng kalat ni Phoenix.

"Hey, how old are you?" bigla niyang tanong sa akin. Bagaman naguguluhan, sumagot pa rin ako. "I'm twenty-three." Tumango-tango siyang muli at binigay sa akin ang iba ko pang gamit. "I'm twenty-one. Two years gap isn't that big, right?" saad niya, ang mapaglarong ngisi ay nasa mukha na niyang muli.

"Yeah, right," kunwaring nagtataray kong tugon at inikutan siya ng mata. He just laughed and shook his head. "I'm kidding. Half-kidding," dagdag niya, dahilan upang mapailing ako.

Ah, what a flirt..

Nauntol kami sa pag-uusap nang patakbong pumasok ng kwarto si Phoenix habang dala-dala ang tsokolateng inumin niya. His giggles made my heart soft again.

"You're leaving, Ate Azi?" tanong ni Phoenix sa akin. Tumango ako at maingat na pinisil ang pisngi niya. Kita ko ang pagbagsak ng balikat niya dahil sa sagot ko. "Behave ka d'yan kasama si Kuya mo, ha? Aalis na 'ko. Bye, Phoenix!" pamamaalam ko sa maliit na boses at nakipag-apir muli sa kaniya.

Kita ko ang pag-angat ng gilid ng labi ni Ryder mula sa peripheral vision ko. "At ikaw, Ryder, alagaan mo 'tong si Phoenix habang wala pa ang mommy n'yo, ha?" sermon ko sa kaniya at pinanliitan siya ng mata. Itinaas niya ang dalawa niyang kamay at tumango.

Lumabas na 'ko ng bahay nila, at kita ko si Ryder na buhat-buhat ang kapatid niyang panay ang kaway sa akin hanggang sa makalayo na 'ko.

---

Nakauwi ako sa bahay nang ligtas. Mabuti na lang talaga at malapit lang ang lugar nila sa amin, kung hindi ay sayang pa ang pamasahe ko.

Kasalukuyan ako ngayong nagluluto habang patuloy ang tugtog mula sa cellphone ko. Sa kalagitnaan ng ginagawa ko, biglang tumunog ang notification ko. Sandali ko munang ihininto ang pagluluto at tiningnan ang nakalagay rito.

Nakita kong nagtext sa akin ang kapatid ng tatay ko, si Tita Gracie. Napangiti ako nang nabasang inuusisa niya ako.

Gracie Galvez
5:49 pm

Gracie:

Hello, Shin! Uuwi ako d'yan bukas, uusisain kita, ha? Huwag kang mag-alala, hindi naman ako magtatagal hahaha!

Azaleah:

Hi po, Tita! Miss ko na po kayo :( Okay lang naman po kung magtatagal kayo. Ikaw po bahala, hehe.

Gracie:

Talaga? Hahaha, gusto ko rin naman magtagal d'yan pero may trabaho kasi ako, hija. Ano bang ginagawa mo? Diba wala na kayong pasok?

Azaleah:

Opo, Tita. Okay naman po ako rito. Wala na rin po kaming pasok. Ingat po kayo d'yan, ah? Bukas din po, ingat kayo sa byahe. Nagluluto po kasi ako ng hapunan ko kaya po mamaya ko na lang kayo itext.

Gracie:

Ah, ganoon ba? Sige, hija. Miss ka na rin ni Tita! Ingat ka rin d'yan, bukas na lang ulit, Shin!

Azaleah:

Haha, sige po ^^
Seen

"Shit," I mumbled under my breath. I frantically continued cooking as my mind went chaotic. Pupunta bukas si Tita rito, pero may tutor ako. Malamang ay buong araw si Tita dito bukas. Anong gagawin ko? Nakakahiya naman kay Tita Olivia kung aabsent kaagad ako sa pangatlo kong araw ng trabaho. Hindi rin naman katanggap-tanggap ang dahilan ko.

Kaso, kung it-tutor ko bukas si Phoenix, malalaman ni Tita Gracie na nagp-part time job ako, at baka patigilin niya 'ko sa pagt-trabaho. I'm not going to lie, tutoring Phoenix doesn't feel like a job. I started enjoying it, idagdag pa ang presensiya ni Ryder.

Wait, scratch that. Why did I even think about Ryder? Damn that boy.

What do I do? I can't do both things. The only thing left is that.. I have to be honest to Tita Gracie. Baka naman maintindihan niya 'ko.

-------
heartalicien

Ephemeral|✓Where stories live. Discover now