Chapter 6

64 26 21
                                    

Chapter 6
_________

"Tita Gracie!" bati ko sa kaniya nang dumating siya at agad siyang niyakap. "Hello, Shin!" Natatawa niyang tinapik ang likod ko at ginulo ang aking buhok bago luminga sa bahay. "I haven't been here for a month now. I missed this place," wika niya at ngumiti sa akin.

"Naghanda po 'ko ng tanghalian, Tita. Halika, kain po muna tayo," usal ko at nagpunta sa kusina upang maghanda ng kakainin namin.

Nagsimula na kaming kumain, at agad akong kinabahan. "Anong pinagkakaabalahan mo noong wala ako, Shin? Wala na kayong pasok, tama? Hindi ka ba nab-bored dito sa bahay?" tanong niya sa akin. Umiling-iling ako at uminom muna ng tubig bago magsalita. Ramdam ko ang bahagyang panlalamig ng kamay ko.

"W-well, may pinagkakaabalahan po ako," panimula ko. Ang kaninang normal na ekspresyon ni Tita ay napalitan ng interes. "Talaga? Ano 'yun?" Napakamot ako sa batok bago muling tumugon. "Nagt-tutor na po 'ko."

She went silent for a few seconds before clearing her throat. "Oh, I see.." Nginuya niya muna ang kinakain, habang matiyaga kong hinintay ang tugon niya. "You know, you don't have to stress yourself by doing things like that. It's my job as your second parent to provide you things to survive, not the other way round. Pwede⏤"

"I like my job, Tita. Nae-enjoy ko naman pong turuan si Phoenix. Teaching him is like playing as well, kaya huwag po kayong mag-alala, hindi po ako nas-stress," mahabang saad ko at ngumiti sa kaniya. "Isa pa po, I kind of have a friend there. Hindi naman po nakakaboring doon, kaysa po rito sa bahay na mag-isa ako."

Napatango siya sa sinabi ko at tumayo ng bahagya upang maabot ako. Masaya niyang ginulo ang buhok ko at bumalik sa pagkakaupo. "Look at you, all grown up! I'm proud of you, Shin." Nagkunwari siyang nagpupunas ng luha na siyang nagpatawa sa akin.

--

Natapos na kami sa pagkain, at naghanda na 'ko ng gamit para pumunta sa bahay nina Ryder. Malapit nang mag-alas tres, kaya kailangan ko nang mag-ayos.

"By a friend, you mean a girl, right?" biglang tanong sa akin ni Tita habang nagc-cellphone siya. "Ah, no.. It's a guy," sagot ko at tipid na ngumiti. Tumaas ang kilay niya.

"Really? Does he have a job? Or is he a student?" Napailing ako at walang nagawa kundi ang sagutin ang mga tanong ni Tita. "Well, I guess he's a student. He's still twenty-one, afterall," tugon ko. "Kailan mo siya nakilala?"

"Sa bahay po ng tinututor ko."

"Ah, is he kind?"

"Of course! He is very kind." I kind of exaggerated it. Tita is very meticulous about my friends. Tumango-tango siya, at hindi na nagtanong pa.

"Tita, aalis na po 'ko. Sorry po talaga, ah? Mabilis lang po ako doon. Nasa subdivision sa tapat lang po 'yung bahay nila. Ito po 'yung address," wika ko at ibinigay sa kaniya ang isang papel. Binasa niya muna ito bago ilagay sa loob ng phone case niya.

"Mag-iingat ka, Shin, ha? Tita loves you," usal niya at niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik bago umalis ng bahay.

--

"What the hell?" mahinang sambit ko sa sarili nang si Ryder ang nagbukas ng gate nila. Nitong mga nakaraang araw kasi ay si Tita Olivia ang nagbubukas ng gate. Wala siguro siya sa bahay.

He smiled and leaned on the wall beside him, his arms crossed on his chest. "I missed you," he flirted and playfully winked at me. "Feeling close ka rin, eh," bulong ko, pero hindi ito nakatakas sa pandinig niya.

"Aren't we close already? It's been three days. I feel like we're now bestfriends," usal niya na bahagyang nagpatawa sa akin. "Yeah, right. Now, move. I need to tutor Phoenix," utos ko at hinintay siyang umalis. Sa kasamaang palad ay gusto niya pa yatang makipaglaro sa akin, dahil nanatili siya sa posisyon niya.

I glared at him, making him chuckle. "Fine, fine. Sorry," suko niya at pinadaan na ko. Akmang isasara ko na ang gate ng kusa, nang bigla kaming magkasabay sa paggawa nito. Agad kaming nagkatinginan at naiilang na naghiwalay.

"A-ako na," wika ko. "No, go inside. Ako nang bahala," pagpupumilit niya. Maglalakad na sana ako nang nakaharang pa rin siya. Naglakad ako sa kanan, pero doon din ang daan niya. Para bang naglalaro na kami ng patintero dahil sa ginagawa namin.

I ended up laughing because of how silly our situation is. Tuluyan na rin siyang natawa dahil sa nangyari. "Thanks," tanging saad ko at hinayaan na siyang magsara ng gate. Dumiretso na ako sa loob, at bumungad sa akin ang masayang Phoenix.

"Ate Azi!" bati niya at yumakap sa binti ko. "Hi, Phoenix! You seem very happy today," puna ko at maingat na tinapik ang buhok niya. "Opo, naglaro kami ni Kuya Ryder," sagot niya at muling ngumiti.

Napatango na lang ako at sinamahan na si Phoenix papasok sa kwarto niya.

Nagsimula na kaming mag-aral ni Phoenix habang nakikisali sa amin si Ryder. I'm still not used to his gaze on me, he's distracting me. Minsan ay panliliitan ko siya ng mata pero tatawa lang siya, kaya nagtatakha na si Phoenix kung bakit tawa ng tawa ang kuya niya.

Mabilis lumipas ang oras habang kasama ko sila. Hindi ko na namalayan na dumaan na ang isang oras na pagtuturo ko kay Phoenix. Palibhasa ay masyado akong nadadala sa pakikipag-usap sa kaniya at sa kuya niya.

Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. "Oh, just a minute. Tapos na tayo, Phoenix. Laro muna kayo ni Kuya Ryder d'yan," usal ko at tumayo. "Who's that?" takhang tanong ni Ryder sa akin. Kumunot ang noo ko dahil sa pakikiusyoso niya.

"Tita ko," tipid kong tugon at sumenyas sa kaniya na maghintay. Tumango naman siya at itinuon na ang atensiyon kay Phoenix.

"Hello, Tita?"

"Hi, Shin! Kamusta ka d'yan?"

"Ah, tapos na po akong magtutor. Bakit po kayo tumawag?"

"Wala naman, inuusisa lang kita. Nag-aalala kasi ako, lumipas na ang isang oras."

"Oh, gan'un po talaga. Isang oras po ang pagt-tutor ko kay Phoenix."

"May kasama ka ba d'yan?"

"Well, opo.. Si Phoenix at 'yung kuya niya lang po."

"Sige, sige. Mag-iingat ka pauwi, ha?"

"Opo, Tita."

Matapos ng maikli naming pag-uusap ay bumalik na 'ko sa kwarto ni Phoenix. Nakita ko si Ryder na seryosong nakatitig sa paanan niya. Si Phoenix naman ay manghang nakatingin sa kulay kahel na langit sa labas.

"Hey, tulala ka d'yan? Okay ka lang?" tanong ko kay Ryder habang inaayos ang mga gamit ko. "O-oh, yeah, I'm fine. Sorry, I was spacing out," he chuckled and cleared his throat, then looked at me confusedly.

"Wait, did you just worry about me?" Ngayon ay muling bumalik ang nakakatunaw niyang ngisi. Wala akong nagawa kundi ang umirap para itago ang kaunting hiya na namuo sa sistema ko. "Hindi, 'no. Hey, Phoenix! Aalis na si Ate Azi. Bye!" paalam ko kay Phoenix at ginulo ang buhok niya.

Kumaway lang ito sa akin at muling ibinalik ang tingin sa labas. Doon ko lang napansin na may grupo ng kalapati ang siyang pabalik-balik ang lipad sa langit. Kita ko ang pagsunod ng mga mata ni Phoenix sa mga iyon, dahilan upang mapangiti ako.

"Ihahatid na kita hanggang sa labas. Phoenix, halika," tawag ni Ryder sa kapatid at binuhat ito. Ngumiti lang ako sa kanila at hinayaan siyang maghatid sa akin.

Nang nakalabas na sa bakuran, ibinaba na niya si Phoenix at hinayaang makipaghabulan sa aso nila. Nakapamulsang tumingin sa akin si Ryder, habang ang isang kamay ay isinuklay niya sa buhok.

"Hey, Azi," tawag niya sa akin. I was a bit taken aback because of what he called me. "Yeah?"

"Take care. Be safe on your way home," wika niya at tipid na ngumiti sa akin. His smile isn't cocky, nor proud. It's just.. normal, which he doesn't do often. I can't help but smile back genuinely and gently pat his shoulder, making him flinch a bit.

"Thanks. Ingatan mo si Phoenix! Ingat ka rin, Ryder." Matapos kong sabihin iyon ay kumaway na ako sa kanilang dalawa.

Before I avert my gaze, I still saw his little smile and his small wave before lifting Phoenix up on his arms again.

-------
heartalicien

Ephemeral|✓Where stories live. Discover now