Chapter 25: Cemetery

17 7 0
                                    

Unedited Chapter

Chapter 25: Cemetery

"Hay, I hope you can see right now. I'm sure you're proud of me. Look, I'm successful now. How I wish I can give you the best gift you've never received." Wika ko. Marahan kong hinaplos ang puntod sa aking harapan habang ilang butil ng luha ang tumatakas mula sa aking mga mata.

Ipinatong ko rito ang mga dala kong bulaklak at ilang kandila. Matapos ay sinindihan ko na ito.

Tumayo na ako at pinagpagan ang aking damit.

Naglakad na ako pabalik ng aking bahay. Ilang buwan na pala ang lumipas.

'God, I miss you Ryder.' Bulong ko sa isipan.

Maya-maya ay tumunog ang aking cellphone. Agad ko itong kinuha at nakita kong tumatawag si Avalyn.

"Hello?"

[Hi, hello, what's up Azaleah!]

"Oh, Avalyn! Bakit ang saya-saya mo yata?"

[Oh my god, syempre naman 'te!]

"Bakit nga? 'Wag mo 'kong binibitin!"

[Guess what?]

"Nako, ieend ko 'to! Spill the tea, sis!"

[Nagpropose na si Shonii-loves ko! Ahh! Oh my god, Azaleah!]

Agad nanlaki ang mga mata ko. My gosh!

"Teka, ano?! Hindi ka ba nagbibiro?!"

[Girl, magbibiro ba ako about sa isang proposal?! Magsasayang ba 'ko ng load para lokohin ka?!]

"Oh my god! Hala, my gosh! I'm so hapy for both of you!"

[Hahaha! Kasalan na ang next, 'te!]

"Gosh, oo nga! Imbitado ako d'un ha!"

[Syempre naman! Ikaw pa? Ay, teka. May nagpropose na rin ba sa iyo? Baka may iba ka na, ha--]

"Wala, ano. I'll stick to Ryder."

[Oh.. Aba, 29 oldies na tayo beshie! I'm just reminding you. Baka tumanda kang dalaga.]

"Ano ka ba, Ava. It's fine."

[Sabi mo, eh. Oh, siya. Nasa labas si Shonii ko. Bye! Talk to you later.]

She ended the call. Napangiti ako. Damn, ang swerte ni Avalyn. She's now engaged! Ang bilis talaga ng panahon.

I also wanted to be engaged. To be married. Hindi dahil minamadali ko na. I just want a new family. Matagal na akong namumuhay mag-isa sa bahay ko. Hindi ako nag-uuwi ng ibang lalaki rito. I want to be official with them if ever.

Saka, kay Ryder lang ako.

Libong lalaki man ang nakakuha ng atensiyon ko, si Ryder naman ang nakakuha ng puso ko.

Nemen.

Nagtungo ako sa aking kwarto at agad na nagbihis ng pambahay. I wore a comfy shirt and my blue jogging pants. Nag-unat-unat ako at nagbrowse sa aking cellphone.

Nauntol bigla ang mga iniisip ko nang may magdoorbell. Patuloy ang pagdodoorbell nito na nagpairita sa akin. "Coming!" Malakas na sigaw ko na nagpahinto sa kung sino man ang nasa labas ngayon. Pwede naman ang tatlong beses na pagdoorbell! Makikitae ba 'to at parang nagmamadali?

Ngunit pagbukas na pagbukas ko ay tila ba huminto ang mundo ko.

"Sorry if I disturbed this beautiful lady infront of me. May I come in?" Tanong nito sa akin.

"O-oh, yeah. Sure." Tugon ko sa kaniya. Saktong pag-upo nito sa sofa ko ay binato ko ito ng mga unan.

"Hayop kang lalaki ka! Ang tagal kitang hinintay sa sementeryo kanina! Ipapakilala sana kita kina mama at papa tapos late ka?! Susmaryosep!" Irita kong saad habang patuloy na binabato ng unan si Ryder.

"Hey! Ouch-- baby, I'm sorry-- stop! Hey!" Pigil niya sa akin. Nahinto ako nang yakapin ako nito. "Sorry, if you want, pumunta tayo ngayon?" He said. "Gago, sige na nga." Tugon ko. Grabe, napakarupok mo Azaleah.

--

Nang nakarating na kami sa sementeryo, agad kaming nagtungo sa puntod nina Nanay at Tatay.

"Hello, 'Nay. Ito po si Ryder. Sorry po, nalate siya ng punta. Ewan ko po ba sa lalaking 'to." Panimula ko. Ryder just stared at them.

"'Tay, mabait naman po itong si Ryder. Kaya huwag po kayong mag-alala, hindi niya ako sinasaktan." Nakangiti kong dagdag. "Alam n'yo po ba? Napakaswerte.." huminto ako at huminga ng malalim. Ryder looked at me. "..napakaswerte talaga ni Ryder sa'kin." mahanging pahayag ko na nagpanganga sa kaniya at nagpatawa. "Kasi naman, napakathoughtful ko! Ang caring ko, ang loving, alam n'yo po 'yun? Kulang nalang ay tawagin akong nanay ni Ryder. Pero 'wag po kayong mag-alala, kasi ako rin naman. Sobrang swerte ko rin po sa baklitang-- este, lalaking 'to. He's an ideal boyfriend. Napakabait niya, Mama at Papa! I hope you got to know him.." saad ko.

"Ma, Pa. Tanggapin n'yo po 'ko bilang kapareha ng anak ninyo. She's a very beautiful human being. Thank you for making her." Natatawang saad ni Ryder. Sinamaan ko ito ng tingin dahil huling parte ng sinabi niya.

"'Nay, 'Tay, siya po si Ryder Evans. Ang boyfriend k--" He cutted me off. Itinayo niya ako at siya naman ay lumuhod. Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko.

"Azaleah, let me." He said in a low voice.

"After a lot of things that happened between us, the hardships you must suffer because of me, I'm sorry for that. I hope you'd still accept me in your life." He paused and took out a small box. Namilog ang aking mga mata sa kaniyang hawak-hawak.

"R-Ryder, what.." Nanghihina kong wika ng pangalan niya.

"Your parents are watching us. Baby, w-will you spend your life with me? Will you marry me, Azaleah?" He asked while his hands are shaking as he slowly opened the small box. Napasapo ako ng bibig habang patuloy na umaagos ang masasaganang luha ko. He smiled geniunely at me, waiting for my greatest answer. I can sense his nervousness right now. Nakagat ko ang labi.

"Y-yes. Of course, Ryder! I will." Tugon ko habang patuloy na tumatango. He stood up and helped me wear the ring. After that, he hugged me tightly.

"Fuck, Azaleah. I'm the happiest man alive right now. Baby, I love you." Sabi nito sa akin at pinahid ang mga luha ko. "I-I love you too, Ryder. I love you too." Nakangiti kong sagot.

Nagulat ako nang siniil niya ako ng halik. Buong puso akong tumugon. My heartbeat's crazy as I am right now.

'Yung totoo, pinlano ba nila 'to ni Shone? Baka naman pati kasal ay sabay kami?! I secretly smiled at the thought.

I am engaged. I can't believe it.

Ryder Evans proposed to me at a Cemetery, in front of my parents' grave.

-------
heartalicien

Ephemeral|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon