Chapter 20: Apart

23 8 0
                                    

Unedited Chapter

Chapter 20: Apart

Two years passed after I graduated.

And our relationship's still strong but something felt.. odd. Hindi na siya tulad ng dati, hindi na siya nakikipagtalo sa akin.

And I hate it.

Mas magandang nagtatalo pa rin kami paminsan-minsan. 'Cause you know what? Tuwing gagawa ako ng alam kong ayaw niya, hinahayaan na niya ako ngayon. Hindi tulad noon na pipigilan niya ako. Nawawala na yata ang concern niya sa akin.

He stopped cracking jokes to me as well.

Stopped teasing me.

Stopped being really clingy.

And I'm afraid that time will pass,

and he'd stop loving me too.

Sana hindi ito magtagal, gusto kong bumalik siya sa dati. I want to spend my whole life with him. And not only spend my life with him, I want to spend it while we still love each other. Hindi 'yung napipilitan mamuhay ng magkasama.

Naglalakad ako rito ngayon sa may park, naalala ko tuloy ang mga nakaraang moments namin dito noon.

Those times na pinipicturan niya ako ng palihim, nililibre ng ice cream. Those times when we enjoy each other's company. Those times that are simple-yet-filled-with-love-days.

Maya-maya pa'y tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito at nakitang tumatawag si Ryder. I immediately answered him.

"Hello, Ryder?"

[Hey.]

"Nandito na ako. Nasaan ka na ba? I really want to see you!"

[Sa likod mo.]

Lumingon ako sa aking likod at nakita kong nakatayo sa medyo malayo si Ryder. Ibinaba na nito ang telepono at lumapit sa akin. Napangiti ako at kumaway sa kaniya.

"Oh, there you are! So, bakit mo pala ako pinapunta rito?" I asked him while smiling. He just sighed. "Come here." He told me as he spread his arms. I was taken aback but recovered again.

He hugged me. Pakiramdam ko'y ngayon lamang muli siya yumakap ng ganito. I felt safe. Napangiti lalo ako ng malawak.

"Let me hug you. One last time." He said while hugging me tightly. Napamulat ako sa sinabi niya.

Napawi ang ngiti ko at kumalas sa yakap niya. Gulat akong tumingin dito.

"What?" I asked, making him repeat what he just told me. He looked away.

"This might be the.. last time we'd hug like this." He paused and looked up. "Azaleah, I-I can't do this." He said. "A-anong ibig mong sabihin?" I asked him. He gulped.

"Azaleah, mahirap. Pero, p-pasensya na. I can't hold your heart anymore. Bibitiw na ako, Azaleah. I'm sorry."

I just stared at him and let my tears flow.

"Bakit?" Nanghihina kong sambit at napatalikod sa kaniya. Napahilamos ako ng mukha at muling humarap sa kaniya.

"Bakit ka sumusuko?" I asked him. Nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata ko. "I said I'd stay, but fuck. I-I can't." He replied. I smiled bitterly.

"Oh. I thought you'd stay. Sorry, I became a fool. Sorry, I assumed. Sorry for being a part of your life. Sorry kasi hindi ako sapat para mapanindigan mo 'yung pangako mo. Sorry, nagkulang yata ako." Tanging sambit ko. He looked hurt but shooked his head. Galing umarte, amp.

Dahan-dahan akong tumalikod ngunit bigla niya akong hinawakan sa braso. "I.. loved you." He lastly said and stared at me.

Whew, sakit marinig n'ung loved, ah.

Nginitian ko lamang ito ng pilit. "Please let go." I hoarsely said and looked at his hand. His grip loosened and finally let go. Tumalikod na ako at tuluyang lumayo sa kaniya.

Nakahawak ako sa aking dibdib. Dinadama ang bawat sirang tibok nito.

I can't believe na dito magtatapos ang masasayang sandali namin, here where the memories I treasured started.

--

"Lintek na Ryder, 'yan! Gago siya! Putangina! Magsama sila ni Shone! Sarap pag-untugin ng dalawang 'yun! Nako, kapag nakita ko 'yung mga 'yun, maghanda kayo. Baka magka-gyera!" Gigil na sigaw ni Avalyn. Kahit umiiyak, napapatawa na lamang ako sa panggigigil nito.

"Ano ka ba? Umiiyak o tumatawa? Naluluka ka na ba?" She asked me harshly. Napailinh ako. "Tangi, hindi. Natatawa ako sa'yo." Sagot ko at pinahid ang mga luha ko.

Ngayon ko lang nalaman na nakipagbreak din pala si Shone kay Avalyn. Noong nakaraang araw daw. Ngayon lang niya naikwento matapos niyang makaget-over kahit papaano. Nakita niya rin daw kasi na hindi ako makausap n'ung mga nakaraang araw dahil sa sobrang pag-aalala ko sa nangyayari sa amin ni Ryder.

Magkaibigan nga talaga ang dalawang gago. Mga hinayupak, pinaglalaruan kaming mga babae, hayop.

Nawalan na si Avalyn ng communication kay Shone at Ryder. Gayun din ako. Ang dalawang hinayupak, nang-iwan na talaga. Siguro naghahanap na ng mga bagong babae, napakababaero ng mga 'yun.

Narito kami ni Avalyn at nanonood ng mga movies. Drama, comedy, horror, action, lahat na yata ng movies na iba-iba ang genres ay napanood na namin.

Kumakain din kami ng ice cream, at hindi na cookies and cream, s'yempre. Strawberry na. Shit, mas masarap yata. Mayroon ding popcorn, burger, fries.

Nagkukwentuhan na lamang kami upang mabawasan ang fresh na fresh na sakit.

Ngayon ko lang napagtanto na, bakit pala ako nagpaloko sa lalaking 'yun? At saka, he thought kaya niyang magstay? Tapos narealize niya na 'di niya kaya? Ha! Sabihin niya nalang na nagsawa siya sa'kin.

Hmp! Mas maraming better sa kaniya. Akala niya siya na pinakagwapo? Oo, gwapo siya. 'Di lang kayang kumapit sa pangako.

Ha! Buti nalang 'di ako masyadong broken.

Talaga ba?

Inayos na namin ang pinagkainan at sinamahan ko na ito sa labas.

"Maghahapon na pala, Azaleah. Uuwi na 'ko. Ba-bye, sissy!" She said and waved goodbye. "Sige, bye girl! C-cheer up!" saad ko at nagpilit ng ngiti. She just waved at me.

Okay. Naiwan na naman ako.

Charot! Tama na ang drama, Azaleah. Feel free! No jowa, no problems, diba?

Tama, tama. Think positive, baby.

Inayos ko na ang kwarto ko at nahiga. Well, masakit pa rin pero anong magagawa ko? No choice. Ayaw na niya sa'kin? Edi wow. Ayoko rin sa kaniya. Magdusa siya, iniwan niya ako.

Nahiga ako at huminga ng malalim. I suddenly remembered those sleepless nights na siya ang laman ng isip ko. My secret place too.

Shit, ioopen ko na ang secret place ko sa mga tao. Hindi na kita tatawaging secret place, kasi marapat na malaman ng mga tao na ikaw ang isa sa nagpapagaan ng pakiramdam ko. 'Di tulad ng isa d'yan na pabigat sa puso ko. Lintek siya.

Nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata ko.

Hay, iiyak na naman ako.

Pero ano bang masama sa pag-iyak? Go! Ilabas mo lang ang lungkot mo, Azaleah. You're free now.

Watch and learn, Ryder. Babangon ako.

-------
heartalicien

Ephemeral|✓Where stories live. Discover now