Prologue

5.4K 119 5
                                    

Hay... wala nang mas sasarap pa sa tatlong buwang pahinga.

Ikaw ba naman ang mag-ligtas ng buhay ng tao mapa-araw gabi.

Habang nasa gitna ako ng pamamahinga may biglang mabigat na bumagsak sa bandang main door ng bahay ko.

Bakit ko alam? Memorize ko lahat ng ingay na nangyayari bahay ko pinto,agos ng tubig ng gripo and such.

Napilitan akong nag-tungo sa pinto kung saan nanggaling ang ingay siyempre dala dala ko ang isang makapal na stick.

"Gabing gabi... sino ba ang... "

Nabigla ako ng binuksan ko ang pintuan.

Tumambad sakin ang isang  parang tao na nanghihina.
Di ko makita ang mukha niya dahil walang street lights,new moon,at di ko binuksan ang ilaw ng bahay ko.

"Tu....tulungan.... mo..a..ako" ani nito bago pa siya mawalan ng malay.

Buti nasambot ko siya wait basa siya.

Agad kong kinapa ang switch na katabi lang ng pintuan at in-on ko to.

Medyo mabigat siya kaya medyo nahirapan pa ako na ayusin ang katawan niya sa higaan.

Agad kong chi-neck ang katawan niya sa dami ng dugo sa damit niya di ko na alam kung nasaan ang sugat niya.No choice I need to cut-off his/her clothes (di ko alam kasarian niya eh).

Bumungad sakin ang mga medyo bilog na mga sugat and I know its a gun shot wound marami na akong na-operahang ganito.

Isa sa may banda tagiliran,ikalawa malapit sa collar bone may daplis rin siya sa mga kamay niya.

Umuungol narin siya sa sakit dahil sa mga sugat na natamo niya.

No choice kailanangan ko siyang ma-operahan.

Kinabit ko kaagad ang dextrose sa kamay niya at kong hinanap ang Anaesthesia at injection,siyempre para di siya masaktan habang inooperahan ko siya.

Inenject ko na ang anaesthesia at ngayon... sisimulan ko na ang operasyon, buti nalang LED ang ilaw ng bahay ko bright white.

Buti nalang di malalim ang pag-baon ng mga bala at natanggal ko ito kaagad,Tinahi at Nilinis ko narin ang sugat niya.

Chi-neck ko narin heartbeat niya stable na ang kalagayan niya,at kahit duguan siya ng dumating di kaagad mauubos ang dugo niya dahil base on what I learn may 6 litres tayong dugo sa katawan. At isa pa lumalaban ang katawan niya.

Kailangan niya lang ng pahinga.

🐺🐺🐺🐺🐺🐺🐺🐺🐺🐺🐺🐺

Anong masasabi niyo sa second story ko.

still I'm not a pro kaya kung may wrong grammars and typo man sors lang.

Ako kasi yung tipo na author na di binabasa ang mga sariling gawa ko 😂.

FeiceyCrimson🌹

Love In The MoonlightWhere stories live. Discover now