Chapter 28 : Fireworks and Kiss

1.3K 34 1
                                    

Dahlia's Pov

Kahit naka-dalawa ko na makita ang anyong tao niya, Para paring first time. Nilagay ko na sa point finger ko ang car keys ko at hinatak na ang maleta ko.

"Aalis ka na ba talaga iha?" malungkot na tanong ni Tita.

"Ah opo, salamat po sa pag-papatuloy samin, at isa pa po malapit narin matapos ang bakasyon ko sa trabaho" saad at pagpapasalamat ko kay tita.

"Oi Akino yung tinuro ko sayo ha.." saad ni Vernon.

Mukhang may kalokohan siyang tinuro sa inosente kong Akino ~_~.

Nilagay ko sa backseat ang mga mga bagahe ko. At pumasok narin si Akino sa passengers seat.

How nostalgic... dati ordinaryo ko lang siyang pasyente and now...

Dumaan muna ako sa gas station dahil mawawalan na ako ng gasolina.

After 3 and half hours

Hayss... nag-inat-inat muna ako pagkalabas ko sa kotse ko. Wew sakit sa likod at pwet, tatlong oras rin akong nag-ddrive. Hmm ala-sais na pala.

Hinawakan  ko ang kamay ni Akino. Mahirap na matao dito. Yep matao talaga dahil nasa perya? Amusement park? basta ganun.

Bumili muna ako ng chocolate sorbetes dun sa ice cream vendor. Siyempre tag-isa kami ni Akino.

Habang di pa nag-a alas dose, mag-eenjoy muna kami sa ibang rides.

First nag-try kami sa malaking carousel, ayaw pa nga ni Akino nung una pero um-oo narin sa kakapilit ko ^o^.

Next kain ulit kami ng fishballs, siyempre nag-susubuan kami
(灬♥ω♥灬)

Nag-didate na kami ni Akino, di lang niya alam bweheheh ≧ω≦.

Last is yung baril-barilan, hehe..  inspired ako ngayon dahil may dalawang wolf na plush toy na prize pag-maasinta ko lahat ng mini bears.

Sa hindi ko alam na dahilan ay parang hindi ako nahirapan na tignan ang target kong bears, naasinta ko lahat ng 15 bears eh. Binigay na ni ateng yung prize ko sakin ^o^.

Nang humarap ako kay Akino ay parang medyo nabigla siya.

"Dahlia ang mga mata mo....  ginto na" saad niya habang naka-diretso sa mata ko.

Pinikit ko ulit ang mata ko at humarap sa kanya.

"uhm okay na ba?" tanong ko sa kanya pero naka-tingin siya sa ibang direksyion.

"O...oo" nahihiya pa niyang saad.

"Heto uhm... regalo ko sayo" nahihiya kong saad at ibinigay ko sa kanya yung isang wolf toy.

Tinanggap niya ito at namula siya ng konte...

Tumingin ako sa cp ko kung anong oras na... 11: 29 pm.

"Akino halika na..." saad ko. Hehhe halika na pero hinatak ko siya ≧∇≦.

Nagbigay ako kaagad ng bayad at sumakay na kami sa Ferris Wheel.

Tumingin ako sa cp ko ulit and chi-neck ko ang oras,11:59 pm. Kunti na lang ....

Bigla nalang tumigil sa taas at sakto nun ang pag-putok ng fireworks.

"Ganda......." bulong ni Akino at napangiti naman ako.

"Akino... pangalawa ko na itong pag-amin sayo... mahal talaga kita...." nakangiti pero naiiyak kong saad.

Mas napaiyak ako ng niyakap niya lang ako. D..i pa ba niya ako mahal?

"Matagal na kitang mahal Dahlia....." bulong niya habang yakap-yakap ako.

Imbis na tumigil ako sa kakaiyak mas umiyak pa ako. Tears of Joy lang naman (╥﹏╥).

Nang tumahan na ako ay tumingin ako sa kanya at ngumiti.

Hindi ko alam sa sarili ko bat' naattract ako sa labi niya. Naramdaman ko rin na hinawi niya ang hibla buhok ko na nakaharang sa mukha ko.

He cupped my face as he lean forward to kiss me. Smack lang naman ≥3≤.

Napansin ko na matagal na kami sa taas at tapos narin yung fireworks display na pinapanood namin.

Tumingin naman ako sa baba.

"Sorry po maam may aberya lang po, inaayos narin namin to as long as possible" sabi nung staff. Napa-smug face nalang ako sa narinig ko.

Nilalamig na ako dahil di ako nakag-suot ng blazer. kaya hi-nug ko nalang si Akino dahil kailangan ko ng body heat niya ^ω^.

Naka-tulog narin ako sa kakahintay na ibaba kami.

🐕🐱🐕🐱🐕🐱🐕🐱🐕🐱🐕🐱

Awieeee malapit na mag-epilogue ilang chapters nalang O(≧▽≦)O

FierceyCrimson

Love In The MoonlightWhere stories live. Discover now