Chapter 16 : Rejected.....

1.5K 39 4
                                    

Dahlia's Pov

Dalawang linggo narin ang nakaraan,magaling na rin ang sugat ko. Salamat nalang sa pag-aalaga na binigay sakin nina Ate Veronica,Vernon at ni Akino.

Dumating narin ang oras na pinakakahintay ko.... ang pagtatapat ko ng nararamdaman ko.... sakto pa namang Full moon mamaya.

Sana ganun din rin ang nararamdaman niya.... sakin.

Heto ako ngayon sa sala,naghihintay na gumabi.. habang kalong kalong ko ang pusa ko.

"Di na ako makaghintay para sa mamayang gabi Neko.... ikaw Neko excited ka narin ba?" para akong timang na kinakausap ang pusa. Sino pa ba ang kakausapin ko... wala naman akong kasama.

"Meow" sagot nito at dinilaan ang cheek ko.

🌅🌅🌅🌅🌅🌅🎑🎑🎑🎑🎑🎑

Gabi na... pero kakain muna ako...  mamaya na Ako pupunta duon pagka 11:30 pm para saktong 12:00 na ipapagtapat ko sa kanya ang nararamdaman ko.

Ano kaya ang susuotin ko... hmmm yung.... presentable dapat.

Tama puting bestida nalang....

*Tik tok tik tok tik tok*

9: 54 pm -> 10:26 pm -> 11:15 pm...

Malapit na.... kinuha ko na ang sandal kong puti na flat.

Nag-lagay narin ako ng kunting liptint para medyo magpinkish ng kunte ang labi ko.

Its time......

Nilagay ko ang set ng susi ko sa belt ng bistida ko.

Lumabas na ako sa gate at nagsimula nang maglakad papunta sa paroroonan ko.

Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong habang papasok ako sa gubat. Hinayaan ko lang na sumayaw sa hangin ang buhok ko dahil maganda naman sa pakiramdam.

Pagkarating ko sa lungga niya wala siya dun. Pinikit ko ang mata ko para isipin kung asan siya (Follow your heart Dahlia!)

Tama follow your heart... ipinikit ko ang mata ko at kinompose ang sarili ko. Nagsimula narin akong maglakad... papunta sa hindi ko alam na lugar.

Hinawi ko ang mga Vines na nakaharang sa dadaanan ko at nakita ko ang naka-pikit na si Akino sa gitna ng mga alitaptap. Parang nag-mo-moon bathing lang 😜.

Unti-unti akong lumapit sa kanya na napansin niya naman kaagad.

"N..aabala ba kita sa pamamahinga mo?"

"Hindi naman, bakit?" sagot niyang patanong.

"May ipapagtapat ako sayo...."
Malapit na....

"Tungkol saan, Anong ipagtatapat mo?" takhang tanong sakin ni Akino.

"T...tungkol s..sa pag-ibig ko sayo, mahal kita Akino, alam kong mahirap paniwalaan dahil sa kunting panahon pa lamang nating magkakilala, pero yun talaga ang totoo, nahulog na Talaga ang aking loob sayo Akino..."sa wakas ay nasabi narin ko na rin ang kinikimkim ko saking puso.

Tahimik lang siya ng ilang minuto..... Positive lang Dahlia be posi....

"Patawarin mo ako Dahlia, hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo sakin...."

A...ano.... so... ano lang...pala ang...mga bulaklak na yun....

Pa-fall... pero walang pa fall kung walang mafafall.

Alam niyo yung feeling na nagmamahal ka ng totoo sa isang tao tas dun ka pala masasaktan ng lubusan sa taong yun.

Nakangiti kong hinarap si Akino.

"Ah... g..ganon.. ba?? S..i..sige... aalis na ako..." kahit anong pigil na ayusin ang boses ko ay pumiyok parin ito senyales na malapit na akong umiyak.

Tinalikuran ko siya kaagad baka kasi makita pa niya ang pag-tulo ng luha ko eh. Habang papalayo ako ay napaluhod ako... nanginginig ang tuhod ko....sa di ko malamang dahilan.

"Ayos ka lang ba Dahlia?" Lalapit sana si Akino sakin pero pinigilan ko siya.

"O..oo.... ayos lang... a..ako" sinubukan kong tumayo at nagtagumpay naman ako.

Pagkatayo ko ay agad akong tumakbo palayo sa lugar na iyon. Wala akong pake kung nagkakan-dapa ako sa pagtakbo basta ang mahalaga ay di niya marinig ang mga hikbi ko.

Third Person's Pov

Lingid sa paningin nila, na may isang nilalang palang naririnig sa pinag-uusapan nila na sinundan si Dahlia.

"Kaawa awang mortal...."

🐕🐱🐕🐱🐕🐱🐕🐱🐕🐱🐕🐱

Awts... laban pa ba AkLiah Shippers?

Dont Forget to
Vote
Comment..
and
Support

FierceyCrimson

Love In The MoonlightWhere stories live. Discover now