Chapter 31 (Pre-epilogue)

1.6K 38 0
                                    

(a/n:  magf-flashforward ako sa chapter na to, dahil mahaba pa kung i-susulat ko pa. Mahirap kaya)

Dahlia's Pov

Nagising ako sa nakasilaw na sikat ng araw mula sa balkonahe ko. Kinapa ko ang tiyan ko at... flat na?

Oo nga pala... nanganak na pala ako.

Napa-tingin ako sa pinto nang iniluwa nito si Dama.

"Uh...  Dama nasaan ang anak ko?" nag-aalala kong tanong kay Dama.

"Pina-paarawan nina Veronica at Vernon.. o nandito na sila" saad ni Dama at kasabay ng pag-pasok ni Ate Veronica at ni Vernon saking silid.

Inihiga ni Ate Veronica ang baby ko sa tabi ko,Samantala si Vernon..... nakangiti lang sa baby ko na karga karga niya.

Nakikita ko sa mata ni Vernon ang pagnanasa niya sa baby ko. Maybe..... ang  baby ko ang mate niya?

"Ahem... Vernon? baby pa yan ha, saka na pag nasa hustong gulang na siya ha..." nakangiti kong saad na siyang ikina-pula ng pisngi ni Vernon.

Inihiga narin ni Vernon sa tabi ko ang isa pang baby ko.

Lalake at Babae... naiimagine ko palang ngayon na magiging overprotective na kuya si baby boy ko.

"Ano nga pala ang ipapangalan mo sa kanila?" tanong saakin ni Ate Veronica.

Napatingin nalang ako sa kambal ko. Hmmm ano nga ba....

"How about Akhiro and Akhira?" tanong ko sa kanila.

"Not bad for twins" pagsang-ayon ni Vernon sakin.

Napa-ngiti ako dahil sa pagsang-ayon ni Vernon sa mga pangalan na pinili ko para sa kambal ko. At mukhang nagustuhan rin ng kambal dahil gumalaw ang munting tenga nila.

2 years passed...

"Happy birthday Akhira, Dahlia ilalagay ko sa mesa yung gift ko ha" Vernon.

"Tarnda!" sigaw ng baby Akhira ko habang natatawang nakatingin kay Vernon na napakamot ng batok nalang.

Medyo nakakapagsalita narin sila ng mabuti.

"Mama bat' binibigyan kami ng gipft nila tito Vernon at nung iba pang bwishita?" nagtatakang tanong sakin ni Hiro. Hiro for short ng Akhiro.

Natawa ako sa kanya. Bwishita daw ≧∇≦. Puro mga taong lobo mula sa pack ni Vernon at future pack ko ang mga bisita. Nagsi-labasan na kasi yung mga naka-ligtas sa massacre sa pack kung saan ako nabibilang noon after malaman nilang buhay ako.

"Dahil birthday niyo ngayon.." naka-ngiti kong saad sabay poke ng mamulamula niyang ilong.

"Biltdey?anu po yung biltdey ma?" nagtatakang tanong sakin ni Khira.

"Araw ng kapanganakan,  ang araw kung kailan ko kayo iniluwal" sagot ko sa tanong ng aking anak.

"Huh?" Akhiro and Akhira.

"Maiintindihan niyo rin iyon pag-lumaki kayo" kamot-batok kong saad.

"Nandito na pala ang cake niyo Hiro,Khira punta na kayo sa mesa para mag-blow na kayo ng candles niyo" nakangiti kong utos sa kanila at agad naman nila akong tinalima.

Kinantahan sila ng happy birthday ng mga bisita.

"Wish muna bago blow " paalala ko sa kanila.

Pumikit muna sila bago nila hipan ang kanilang birthday candle. Tig-isa kasi sila ng cake.

Habang sinusubuan ko silang kambal naisipan kong itanong ang mga wish nila.

"Hiro ano ang wi-nish mo?" Naka-ngiti kong tanong sa kanya.

" Ang Wi-nis ko sana umuwi na si papa para maging mashaya na ikaw mama" naka ngiting sagot sakin ni Hiro.

Napa-ngiti nalang ako sa wish niya. Sana nga umuwi na siya...

"Ikaw? Khira anong wi-nish mo?" baling ko kay Khira na ngayon ay kumakain ng marshmallow na naka-tuhog sa hotdog on stick.

"Wara po ma" maikling sagot nito na siyang ikinadismaya ko ng konti.

"Luh bakit naman ?"

"Shinabe na ni Kuya Hiro" sagot niya uli saakin.

Hay... buti nalang nasa tabi ko ang mga anak ko, kahit papaano ay di ako masyadong nalulungkot. Si Dama at ang mga apo niya ang nagbabantay at nakikipag-laro sa mga anak ko.

At ang makita na masaya ang mga anak ko ay masaya narin ako. Pero sana bumalik na siya.

🐕🐱🐕🐱🐕🐱🐕🐱🐕🐱🐕🐱

Ready na kayo sa Epilogue?
Supportahan niyo parin sana to hanggang sa huli 😊

FierceyCrimson

Love In The MoonlightWhere stories live. Discover now