Chapter 3: Neko

3K 73 6
                                    

Dahlia's Pov

"Kasi... kasi..." paano ko ba to sasabihin without offending him.

"Kasi ano??" Tanong niya habang nilalaro ang panty ko na parang rubber band.Isa itong malaking kahihiyan diyos ko anong gagawin ko ≥﹏≤.

Lakasan mo loob mo Dahlia..  . okay 1 2 3....

"Kasi di ako komportable mag-bihis kung may tao sa kwarto ko....." pangiti kong sabi habang hinahawakan ng mahigpit yung tuwalya para di mahulog.

"Sige" pagkasabi niya nun ay pinitik niya yung panty ko na sapul sa mukha ko at lumabas na.

Napa-tili ako ng sobra MENTALLY lang baka marinig niya,At di parin nawawala ang pamumula ko diyos ko napakainit ng mukha ko.

Binilisan ko nang mag-bihis,at mag-lotion. Habang nasa gitna ako ng pag-susuklay ng buhok ko nang marinig ko ang pag-sigaw ni Akino sa Kwarto nito, Hindi naman soundproof ang kwarto niya eh.

Mabilis pa sa alas kwatro na pinuntahan ko siya sa kwarto niya at di ko alam kung matatawa ba ako sa sitwasyon niya.

"Ilayo mo ang nilalang na yan sakin Dahlia!" sigaw pa nito sakin.

Natatawa na ako pero pinipigilan ko lang at pinulot ko na rin ang nilalang na sinasabi niya.

"Haysstt ang cute kaya ni Neko na ipagtatabuyan mo lang" sabi ko at hinalikan si Neko.

Pusa ko po si Neko and White po ang color niya.Inilapit ko ulit si Neko kay Akino at parang tinatakasan na ng dugo sa itsura niya.

"ANO BA I...ILAYO MO YAN!!"natatakot na sigaw pa niya sakin.

Ibinaba ko narin si Neko at unti unti akong lumapit kay Akino.

"Di ba ang pusa dapat ang natatakot sa aso?"Di ko talaga nakayanan nagtatawa na ako.

"MANAHIMIK KA!!! " oops galit na siya.

Lumabas narin ako kwarto baka magalit pa to ng sobra at lapain tuloy ako neto jk!

Agad kong nilapitan si Neko at kinarga ko ito kaagad.

"Ano ba ang kinatatakutan niya sayo hmm Neko ang cute mo nga eh"sabi ko pa habang hinahalikan ko siya.

"Meow~" sagot niya sakin.

Napadako ang mga mata ko sa mata niya.

Hmmm... color yellow ang mata niya... teka..  bigla kong naisip ang mga mata ni Akino.

Kaya pala POWTAAA kung pusa lang si Akino siguro kamukha niya si Neko. Teka takot siya sa mga nilalang na nag-reresemble sa kanya.

Hay binaba ko na si Neko at kinuha ang suklay ko sa kama ko at pinagpatuloy ko ang pag-suklay ng buhok ko sa sala.

Haystt nagkandabuhol-buhol tuloy buhok ko. Sinusuklayan ko parin ang buhok ko kahit tapos ko nang suklayin ng mabuti.May napansin akong mata na naka-tingin sakin,agad akong napalingon sa pintuan ng kwarto niya at bigla nalang sumara ng konti yung pintuan.

Di waw ~_~

Akino's Pov

Nabigla nalang ako ng pag-pasok ko ng kwarto may isang maliit na nilalang na titig sakin,Te...teka mag..magkapareho ang mga mata namin.

"Meow~" sabi nito at nag-simula na siyang lumapit papunta sakin.

"WAG KANG LALAPIT SAKIN!! LUMAYO KA!!"sigaw ko dito.

"Meow~ (๑¯ω¯๑)" Di parin siya natinag at patuloy parin itong lumalapit sakin.

"Anima!!!!!" Sigaw ko.

Napatingin ako sa pinto ng iniluwa nito si Dahlia.Agad naman niya kinuha ang munting nilalang.

"Haysstt ang cute kaya ni Neko na ipagtatabuyan mo lang"Sabi niya habang hinahagkan ang munting nilalang,Teka ano ang cute? TEKA HINALIKAN NIYA!

Akmang ilalapit niya ang munting nilalang nang sinaway ko siya.

"ANO BA I...ILAYO MO YAN!!"

ibinaba niya ang munting nilalang na tumakbo palabas ng silid ko.

"Di ba ang pusa dapat ang natatakot sa aso?" Sabi pa niya sabay tawa pa ng malakas.Iniisip ba niyang duwag ako!?

"MANAHIMIK KA!!!" asik ko sa kanya.

Lumabas siya kaagad ng silid ko.
Natakot ata siya... dapat lang... dahil ako ang.... tsk wala.

Wala talaga akong magawa sa kwarto na to.

KAILAN PA BA AKO MAKAKABALIK!?!?!

Ano kaya kung tumakas ako...

Napaka-walang utang na loob ko naman kung tumakas ako....at isa pa mas comportable ang higaan ko dito kaysa doon at may maswerte pa akong alipin na magsisilbi sa akin, De biro lang.

At dahil nagugutom ako naisipan kong lumabas ng kwarto ko pero di ko alam kung bakit imbis na lumabas ng tuluyan sa pinto mas naisipan ko pang pagmasdan siyang nag-susuklay ng buhok niya.

Bakit ganito... naalala ko sa kanya si Alunsina,kung tao lang siguro si Alunsina siguro kahawig rin niya si Dahlia lalo na't magaling rin siyang mangagamot.Masakit lang isipin na wala na siya.

Bigla nalang siyang tumigil sa pag-susuklay. Bigla siyang lumingon sa gawi ko at agad kong sinara ang pinto. Di ko alam kung bakit ba ako kinakabhan eh simpleng lingon lang iyon.

Gutom lang talaga 'to

🐕🐱🐕🐱🐕🐱🐕🐱🐕🐱🐕🐱

Sorrey sa sabaw na ud.

Pero sino nga ba si Alunsina

Anong relation ni Alunsina kay Dahlia? Isang reincarnation ba ang naganap?

Okay Don't forget to

Support
Vote
Comment

Happy Reading 😘

FierceyCrimson

Love In The MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon