Chapter 17 : Wrong Choice

1.5K 41 1
                                    

Dahlia's Pov

Pagkarating ko sa kwarto ay pinagtatapon ko lahat ng gamit ko,pati narin sarili ko tinapon ko na rin sa kama.

Mga hikbi ko lang ang maririnig sa kwarto ko. Bakit ba ako umamin... nagmukha lang tuloy akong tanga.

Sakit pala ng unang pag-ibig. Pinagsusuntok ko nalang ang kama ko para mawala ang sakit ng puso ko pero kahit anong gawin kong ngawa at suntok sa kama nandito parin sa puso ko eh..... ang sakit. Pa-opera na kaya ako para palitan ng mas matatag pa na puso etong puso kong sugatan.

Wala naman akong sakit sa puso pero ngayong broken hearted ako parang magkakaroon na ata ako, grabe eh feeling ko slinice,at tinutusok ang puso ko. Di ko rin napansin na marami na pala ang galos ng binti ko dahil sa mga matitinik na damong nadaanan ko, mahapdi siya pero mas mahapdi ngayon ang puso ko.

Patulugin mo naman ang utak ko.... puso.... masakit na eh.....

May bigla akong narinig na tunog ng plauta na parang ang ipinipahiwatig nito sakin na matulog na ako..... hindi ko na nga namalayan at nakatulog narin pala ako.

Kinabukasan....

Vernon's Pov

Sa hindi ko malamang dahilan ay kinabahan ako,pero isa lang ang nasa isip ko si Dahlia....

Para makasiguro ako kailangan ko siyang bisitahin.

At Dahlia's House.....

"Dahlia!!! Buksan mo ang..." bukas ang gate niya.

Bukas rin ang main door niya....sana naman mali ang iniisip ko..

Tumakbo ako papunta sa kwarto niya at nabigla ako dahil sobrang magulo ito na parang dinaanan ng bagyong Yolanda.

Wala siya sa kwarto niya, kahit na sa banyo pero wala namang nawawala sa mga gamit niya, magulo lang.

Napansin ko ang mga blood stains sa paanan ng kama ni Dahlia na siyang mas ipinag-alala ko pa..

Agad akong nag-anyong taong lobo at nagmadaling pumunta sa lungga ni Akino. Pero nang makarating ako dun, nabigla ako sa nakita ko, napakatamlay ni Akino na nakupo ngayon sa malaking bato.

"Akino anong nangyari sayo? A...alam mo ba kung asan si Dahlia?" Sunod sunod kong tanong sa kanya.

"Vernon..." hinawakan ni Akino ang palapulsuhan ko.

"Bakit ako nasasaktan ng ganito, sinunod ko lang naman ang payo mo sakin..." naluluhang sabi niya habang diretsong nakatingin sakin.

"A..anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Tama ka... nahulog na nga ang loob niya sakin..." binitawan niya na ang pala pulsuhan ko.

Ang luhang niyang iyon at ang pagiging matamlay niya, Nakita ko lang iyon nang namatay si Alunsina. Hindi kaya.... pero impossible dahil tao nga lang siya.

"Akino alam mo ba kung nasan si Dahlia?" nag-aalala kong tanong sa kanya.

"Simula nang matapos ang pag-uusap namin ay umalis kaagad siya...."

Anung klaseng sagot yan...

Di-nial ko nalang ang no. ni Dahlia pero nagriring lang ang Cellphone niya.

"Bakit mo hinahanap si Dahlia?" takang tanong sakin ni Akino.

"May masama akong kutob, pero siya lang naman ang nasa isip ko, Ayoko sana tong sabihin pero kung nakilala na siya ni Fenris ay di malayong.."

"Diretsuhin mo nalang ako!, Nasaan siya?" seryosong tanong saakin ni Akino.

"Nawawala siya...." maikli kong sagot, sabi niya kasing diretsuhin siya eh.

"Kasalanan ko ito...." Paninisi pa nito sa sarili niya.

"Eto ba ang hinahanap niyo?"

Napatingin kami sa lugar kung saan nanggaling ang boses na yaon.

"Dahlia! / Dahlia! " sabay naming sigaw ni Akino.

"Pakawalan mo siya Fenris! Wag mo siyang idadamay sa kung ano mang hidwaan na meron tayo!" Seryosong sigaw ni Akino na siyang ikinatawa ni Fenris.

"Natatakot naman ako Akino... Papakawalan ko lang siya kung...  mapatay kita.." natatawang sabi ni Fenris.

"Wag mo siyang sundin Akino! Pabayaan mo nalang ako!!" nagmamakaawa na sabi ni Dahlia.

Kung titignan niyo si Dahlia,kawawa ang itsura niya, marami siyang sugat sa bandang paa,binti at may kamay pang nakamarka sa mukha niya.

"Manahimik ka mortal..." nabigla kami ni Akino ng sampalin nito ng pagkalakas-lakas si Dahlia na siyang ikinaputok ng labi nito.

"Demonyo ka talaga Fenris! pati inosente dinadamay mo!" asik ko sa kanya.

"Wag kang makialam Vernon kung ayaw mong idamay rin kita!" sigaw din ni Fenris pabalik sakin.

"Hawakan niyo siya..." utos ni Fenris sa mga utusang kasama niya na ngayon ay hinahawakan si Dahlia sa magkabilang kamay.

"Napag-isip isip ka na ba ha Kapatid ko?"

Akino's Pov

Nasasaktan ako ngayon sa nangyari kay Dahlia, kahit hindi siya ang nakatakda na magiging kabiyak ko dahil isa siyang mortal.

Patawarin mo ako mahal Diyosa ng Buwan pero mas kailangan kong iligtas ang isang babae na mahalaga rin saakin.

"Payag na ako sa gusto mo Fenris... patayin mo na ako...  at pakawalan mo siya.."

🐕🐱🐕🐱🐕🐱🐕🐱🐕🐱🐕🐱

Uuuu Pano na ang AkLiah Shippers Akino kung mamatay ka 😢😭

Waa magiging Sad ang susunod na chapters kaya brace yourself readers 😢😢

CrimsonPsycho04

Love In The MoonlightWhere stories live. Discover now