Chapter 22 : Alunsina

1.5K 37 4
                                    

Dahlia's Pov

Grabe ha may mini palace rin sila, ng makapasok kami ni Ate Veronica ay isang couple ang bumungad sakin na nakaupo sa trono sa bandang altar.

Nang makarating na ako sa harapan nilang dalawa ay ngumiti sila sakin, I think parang familiar sila sakin.

"Ang laki mo na iha nung huling nakita ka namin ay maliit ka pa noon..." sabi nung medyo matandang lalaki.

"Sino po kayo?" tanong ko sa kanila para lang naman ako makasiguro.

"Di mo na ba ako nakikilala iha ako ang palaging umaakay sayo noon..." naiiyak na sabi nung middle aged na lalake, eh... parang si Vernon lang?

"Teka po? tama naalala ko na! Tanda! tama" masaya kong sigaw na siyang ikinatawa ng asawa niya I think.

"Di ka parin nagbabago Dahlia" sabi nito sabay kamot ng batok niya.

"Luh.. Nagbago na kaya ako, Tito " natatawa kong sabi.

Naalala ko na sila ang pangalawang magulang ko... Si Alpha Valerian at si Luna Kamika.

"Tito?" takang tanong niya sakin.

"Diba kaibigan niyo ang Ama ko? " nakangiti kong tanong sa kanya.

"Oo tama ka,  pero wala ako nagawa upang tulungan kayo habang inaatake ang pack niyo ng mga rogue" malungkot nitong saad.

"Teka Ama! wag mong sabihin na siya yung pasaway na bata sa pack ni Alpha Darius!?" sigaw ni Vernon na siyang ikina-pout ko.

"Eeee kung makapasaway ka naman sakin.... Kuya Bansot 😜" asar ko sa kanya.

"Siya nga!!!! " Sigaw rin ni Ate Veronica.

Well naalala ko na, na ako pala ang nagbigay sa kanila ng nakakaasar na endearments... Bansot and Gurang. Si Vernon kasi noon gulo gulo yung buhok nang una ko siyang ma meet nung bata pa ako. Si Ate Veronica naman ay parang matanda kung umakto noon nung una kaming magkita.

Vernon's Pov

Siya pala yung pasaway at cute na bata sa pack ni Alpha Darius. Di ko alam na ang cute na bata dati naging ganito kaganda na ngayon. Ano pa ba ang aasahan ko maganda si Luna Aliyah eh.

Naalala ko noon ginawa niya akong kabayo ( ̄. ̄)

"Nalaman ko ring mate ka daw ni Akino.." Ama.

Napatingin ako kay Dahlia na namumula ngayon.

"Buti pa si Akino nakadalawa na...samantala ang anak ko hay... akala ko pa naman ikaw ang nakatakda sa anak ko" Dismayadong sabi ni Ama.

"Hindi ko naman kasalanan kung di parin ako binibigyan ng mate ng moon goddess" Sabat ko.Pero minsan naiinggit rin ako sa mga lobong katulad ko na meron nang mate.

"Huh? anong nakadalawa?Wala pang mate si Vernon?" nagtatakang tanong ni Dahlia kay Ama.

"Di mo pa ba alam ang tungkol kay Alunsina?" Tanong ni Ama.

paktay.....

"Alam ko po pero kunti lang..." nakangiti nitong sagot. pero nababakas ko ang pagseselos sa mga ngiting iyon.

Dahlia's Pov

Natapos narin ang kunting reunion namin pero di ko parin nakakalimutan ang pagbubukas ni tito sa topic tungkol kay Alunsina.

Minsan nakakaselos dahil kahit saan mo tignan.. parang pangalawa lang ako sa puso niya. Gusto ko pang malaman tungkol sa kanya, Kailangan si Akino mismo ang sumagot sa tanong ko.

Love In The MoonlightWhere stories live. Discover now