Chapter 8:Mysterious Flower And Car

1.9K 58 0
                                    

Dahlia's Pov

Hay... Bad vibes out... Good vibes in....

Wew isang magandang new morning sakin.

Inunat-unat ko muna ang katawan ko at nang pagka-tayo ko, may napansin akong puting bulaklak sa bedside table ko.

Hmmm kanino kaya to sa pagkaka-alam ko wala akong manliligaw at isa pa puro mga matatanda lang ang mga tao sa Sitio El Sierra. Hindi kaya...  wag kangang mag-assume Dahlia may Alunsina na iyon.

Pero infernes ang bango ng bulaklak na to,napatingin nalang ako sa balkonahe ko at... bukas yung pinto?

Sa pagkakaalam ko binubuksan ko lang iyon sa tuwing pagmamasdan ko ang buwan at ang mga tala. Ah bahala na nga.

Daily routine maligo,magbihis magluto and kumain.

Hmm dahil medyo maganda ang mood ko ngayon ay magbabahay-bahay ako para tignan ang mga kalagayan ng mga neighborhood ko.

Inihanda ko na ang mga gamot mga gagamitin ko para i-check up sila. Nakalimutan ko palang sabihin hindi lang ako Surgeon kundi Pediatrician at Pulmonologist rin.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

After few hours na pagbabay-bahay ay marami rin akong natulungan.....

Habang pabalik na ako sa bahay ko may biglang dumaan na itim na sasakyan at papunta iyon sa bundok.

Ang nakakapagtaka ay walang ibang tao ang magtatangkang pumasok dun na taga labas. Masundan nga yun.

Inilagay ko nalang sa sofa ang mga gamit ko at nag-madaling sundan ang kotseng itim,Sa pagkaka-describe ko isa iyong itim na Ford Everest.

Nagtatago ako ngayon sa likod ng makapal na damo ngayon. May isang sophisticated na lalake ang bumaba dun waw ha naka shades pa tapos may mga men in black pa siyang kasama galeng!

Nang makalayo na sila ay sinundan ko sila kaagad,siyempre kailangan medyo malayo para hindi halata. Kung alam niya lang kung sino ang naninirahan sa loob ng kagubata ay baka..... teka...

Bat parang bihasa na sila sa pasikot-sikot sa gubat na to ah....

Hanggang makarating sila sa maluwag na parte ng gubat uuu... teka parang may tree house na gawa sa kawayan.

May biglang lumabas out of nowhere na....teka si Akino. Ano kaya ang relasyon nila sa isa't isa ? Ano kaya ang pinag-uusapan nila?

Oops may natapakan akong crunchy na sanga ng puno na siyang naglikhang ingay kaya napatingin sa gawi ko ang mga men in black. Sheeezzz nagsitaasan ang balahibo ko nun.Aalis na sana ako kaso may humila sa dalawa kong kamay.

"Nahuli na namin siya"

EEEEEEKKKK

Waaa wala akong ginagawa!!

"Waaa bitawan niyo ako!! Wala naman ako narinig sa pinag-uusapan nila eh!!  kuyah uui!!"

Di ko napansin na nasa harapan na nila pala ako. Pagkaharap ko sa kanila ay nabigla silang dalawa. Multo ba ako para mabigla sila?

"Master nahuli namin ang taong ito na nakikinig sa pinag-uusapan niyo"

"Dahlia!/Alunsina!?"

huh?

"Pano ko maririnig eh ang layo layo ko,mga kuya bitawan niyo ako!"nagmamakaawa kong sigaw.

"Bitawan niyo siya kilala ko siya!" sigaw ni Akino sa kanila.

Wew sa wakas binitawan narin nila ako.

"Bakit ka pala nagawi dito,Dahlia?" kalmadong tanong niya sakin.

Love In The MoonlightWhere stories live. Discover now